Ikaw ang siyang unang nakilala ko
Na di ko lubos maisip na mahulog sayo
Tibok ng puso'y kay bilis nito
Sana'y maramdaman mo rin ito
Mahal ang siyang aking naramdaman
Sapagkat ikaw ang laging napapanaginipan
Maawa ka! Ako'y iyong pakinggan
Puso ko'y sinasambit ang iyong pangalan
Pero nang dumating siya'y nagulo na
Sinasabi na siya'y umiibig sa akin sinta
Ano ang gagawin ko sa pagmamahal niya
Kung ikaw ang tanging nagpapasaya
Isip ko'y litong-lito
Sapagkat desisyon ko'y nagulo
Sino nga ba ang pipiliin ko
Ikaw ba na Mahal ko o siya na Mahal ako.
CZYTASZ
Wistful Poetry (On-going)
PoezjaLove was not only for two people who adore each other but additionally for those people who surround you. This is only to express my emotions and thoughts.