Chapter 1: Nagsuicide Si Coleen!

340 7 1
  • Dedicated kay Jane Dela Torre
                                    

Inis na inis si Bea nang mag-ring ang kanyang cellphone...kasalukuyan kasi siyang kumakain ng junk food habang nanonood ng paborito niyang teleserye,iniisip nanaman niya na baka ang manliligaw lang niya na si Derrick ang tumatawag sa kanya

"Kainis!",sabi niya pagkatapos ay padabog niyang inilapag sa lamesita ang kinakain niya.."Hello?",naiinis pang sinabi niya nang sagutin niya ang phone

"Hello Bea..",sabi ng nasa kabilang linya,boses babae ito

"Oh Joyce napatawag ka?",tanung niya dito

"Si Ate Coleen,nasa ospital",sagot nito

"What?! ano? bakit anung nangyari?!",nag-aalalang tanung niya 

"Basta pumunta ka na lang dito,kailangan ka ni ate ngayon",sagot ni Joyce

"Okay sige papunta na ko dyan",sabe ni Bea pagkatapos ay in-end na niya ang kanilang conversation

Kailangan na niyang magmadali na puntahan si Coleen..ito kasi ang kaisa-isang pinsan niya sa mother side niya na kanyang ka-close..bestfriends na rin kasi ang turingan nila dahil parehong-pareho sila ng gusto at dislikes

**SA OSPITAL**

"Bea..",sabi agad ni Joyce nang salubungin ang pinsang si Bea

"Anu ba talagang nangyari kay Coleen?",tanung niya dito

"Nagsuicide si Ate..",sagot ni Joyce"Uminum siya ng maraming sleeping pills.."

"Ano?!",gulat na gulat na tanung ni Bea..at nakita niya na lumapit sa kanila ang umiiyak na ina nina Coleen na si Mrs. Jean

At niyakap ito ni Bea"Tita may awa ang Diyos...",pang aalo niya sa tiyahin

Hanggang sa lumabas ang lalaking doktor na umasikaso kay Coleen

"Doc,kumusta na ang anak ko?",nag-aalalang tanung ni Mrs. Jean sa doktor

"Stable na ho ang anak ninyo,mamaya ho ay maaari niyo na siyang kausapin..",sagot ng doktor

"Salamat ho doc",sabi nina Mrs. Jean at Bea

Tumango ang doktor pagkatapos ay nagpaalam na ito"Ahm excuse me",saka na ito umalis

"Anu bang demonyo ang pumasok dyan sa kukote mo at naisipan mong magpakamatay ha?",tanung ni Bea nang magkamalay na si Coleen

Umiyak lamang ito imbis na sagutin ang tanung niya

"I'm sorry..",nasabe ni Bea nang mapaiyak niya si Coleen"hindi ko sinasadyang ipaalala sayo kung anu man yang dahilan ng pagsusuicide mo.."

"Niloko niya ko..huhuhu",iyak ni Coleen kaya naman napailing si Bea,palagi kasing lalaki ang dahilan ng pag-iyak nito

"Binigay ko ang lahat sa kanya pero iniwan niya ko..",dagdag pa nito habang humahagulhol ng iyak

Agad sumiklab ang galit ni Bea sa narinig,labis siyang nasasaktan sa mapait na sinapit ng kanyang pinsan

"Wag kang mag-alala sis,igaganti kita sa manlolokong yon...tahan na",pang-aalo niya dito

Pagkatapos ay niyakap niya ito..Hinding hindi siya papayag na hindi magantihan ang lalaking nanakit sa damdamin ni Coleen

Bitter Sweet Revenge (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon