1
BALER, Aurora.
Olivia is resting by the Shore while watching the surfers. Tumatakbo si Jace palapit sa kanya—bitbit-bitbit ang surfing board.
"'Tol, Hindi ka magsu-surf? Ganda ng waves. Huwag mong sabihing nagha-hunting ka ng mabo-boyfriend ha?"
"Gagu." Kunot-noong sagot niya. "Tinatamad ako. Dito na lang ako. Pasilong-silong lang sa coconut tree." Sinabayan pa niya ng kunwaring pagmomodelo. "Kapag ako may standee na sa harap nitong resort, paniguradong papatok 'tong resort!"
"Parang hindi rin! Hindi ka naman kagandahan e."
"Tangina mo ka talaga."
Tinawanan pa siya ni Jace. "Hindi ka talaga magsu-surf? Balik na ako doon."
Tumango lang siya saka itinaboy ang kaibigan. "Magmumuni-muni muna ako. Shoo! Doon ka na!"
Nag-scroll siya sa social media. Mabilis ang kanyang sa pag-scroll dahil hindi siya interesado sa mga nakikita niyang pictures at news. Nahagip ng tingin niya ang isang post ng fan page—si Segun Sylvia Salazar.
Pinindot niya agad ang article.
"Kahit may anak na e, hottie pa rin talaga!" Ani ya sa isip. "Naol na lang. Like ko 'to."
Hindi pa siya nakontento sa pag-like ng article— pinindot rin niya ang share button.
"Isang guy version naman diyan, Lord!" Natawa pa siya sa hiling niya bago sinilid ulit ang selpon sa bag.
BALIK Maynila na si Olivia. Umagang-umaga ay binubungangaan na siya ng kanyang Auntie Sonya. Binging-bingi na siya sa tinis ng boses ng tiyahin.
"Naku, Olivia. Huwag na huwag kong mababalitaang nakikipag-boypren ka doon kay Jace."
"Bakit ba ang-init ng dugo niyo sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama." Pigil ang inis sa pagsagot niya.
"Pinapaalalahanan lang kita. Aba, wala kang magandang kinabukasan sa kanya. Ano? Iaasa sa pagsu-surf ang kakainin araw-araw? Walang turista, walang ihahain sa mesa? Ganoon ba ang gusto mo?"
Rinding-rindi na siya sa kanyang tiyahin. Nagtimpla siya ng kape saka pumunta sa bintana. Tanaw niya ang kalsadahan kaya dito ang paborito niyang tambayan.
"Hoy! Nando Boi!"
Kumaway pabalik si Nando. Bitbit-bitbit niya ang timba ng biskwit na may mga nakasabit na plastic-labo. Tumigil pa ito at tumingala kay Olivia.
"Uy! Pagkaganda naman ng Mayora! Good murneng! Bili ka na ng pandesal!"
Nagmamadaling siyang bumaba ng hagdan palabas ng bahay. Nakailang mura pa nga siya bago tuluyang nabuksan ang kinakalawang na gate. Nalanghap agad niya ang bango ng bagong lutong pandesal!
"Pabili ng singkwenta, Nando Boi. 'Yong may cheese ha. Baka naman bato ang laman niyan. Haha! Ma-high pa ako ng wala sa oras."
"Good item to, Mayora! Haha!"
Habang naglalagay sa plastik-labo ng pandesal si Nando ay may bumusinang kotse. Alam na alam ng dalaga kung sino ito, si Shanika—piloto sa Oxfort Airlines kung saan dati siyang flight attendant.
Nakapameywang na siya bago pa man nai-park ang kotse. "Tangina. Maagang paggala na naman 'to. Haha!"
Bumaba ng sasakyan si Shanika pero sa may pinto lang siya. Sinuporta niya ang braso sa may ibabaw ng kotse.
"Hoy, alis tayo!"
"Girl, Pagkaaga-aga mong mambueset. Bored yan? Haha!"
"Sobra! Kaya, tara na. Ako na magbabayad diyan. Mag-bra ka na! Haha!"