3
"I saw her sa party." Pagbasag ni Lavender sa katahimikan. "Come on. You guys need to talk na. It's been years."
She sighs. "Not the time to talk. I have some things to deal with. Maiwan ko na kayo."
Nagtungo na siya sa kusina. She's imagining the worse since taklesa si Oli. Baka kung ano-anong salita ang marinig ng mga bata.
Much to her surprise, nag-eenjoy ang mga bata sa pagluluto ng noodles! Tatawa-tawa si Quin habang nagbi-video!
"Kunwari expensive, nodols 'to. Dali! Magpose na kayo."
Gumaya naman ang mga bata sa pagpo-pose ni Oli. Ginagaya nila ang mga commercial sa tv.
"Tata! Pose!" Nag-peace sign pa ang kanyang anak. "Like this din!"
"Oh, gayahin natin ang Printit!"
Lalapit na sana siya pero sinenyasan siya ni Oli na lumayo-layo. Tinaasan niya ito ng kilay bago sumandal sa may pinto. Humalukipkip siya habang hinihintay na matapos sila sa kunwa-kunwariang pagba-vlog.
Lumapit lamang siya nang kinawayan siya ng kanyang anak. Instant chicken noodles na nilagyan ng mga gulay ang niluto nila.
"Taste, Mama!" Hinipan pa ni Eiyh-Gee ang sabaw sa kutsara bago isinubo sa kanya. "Yummy, yes?"
"Hmm! Taste good, my Love! Galing naman ng baby ko talaga." Hinalikan niya sa noo ang anak. "I saw kanina ha? Napagod si Tata Oli."
"Naku! Hindi naman. Ano ba 'yong lakad-lakad lang dito sa kusina niyo." Natatawang tugon ni Oli sa kanya. "Na-exercise ang paa ko ha. Magaling na siguro 'to."
"Ate, look at the twins." Mahinang sabi ni Quin. "Mukhang may kras sila ay Miss Oli. Haha!"
Saka lang niya napansin ang kambal na nakapangalumbaba at nakatitig kay Oli.
"May dumi ba ako sa mukha?" kunwaring malungkot namang tanong ni Oli. "O pangit ba ako?"
"Po? Hindi ah. Checking lang po kung may hawig kayo sa mga nakilala naming Titas."
Nanlaki ang mga mata ni Sylvia.
"Titas? Marami na?" Pigil tawang tanong pa ni Oli. "Pretty girls?"
"Ahuh! Lots of girls." Sagot ni Klein. He exaggeratedly widens his arms. "You're not mestiza like them, Tata Oli."
"And you're not that tall too!" Dagdag pa ni Kevin. Bumaling ito kay Sylvia. "She's just your friend. Right po?"
Tumango siya. "She's Tita Shanika's Friend. New friend ko pa lang siya."
"Napulot lang niya ako sa kalsada. Wala akong tutulugan kaya dinala niya ako dito." Napatingin sa kanya si Oli habang nagkukwento. "'Di ba, Capt? Maawain kasi ang Tita niyo."
Just on cue, naghalukipkip din ang kambal saka tumingin sa kanya. Tiningnan siya ng mga ito nang makahulugan.
"Oli? Stop making kwento na. Maniniwala ang mga 'to. I'm telling you. Baka kung ano-ano ang ikwento nila sa mom nila."
PINAPANOOD lamang ni Olivia si Sylvia habang nililinis ang mga ginamit nila sa pagluluto. Ilang beses na itong humingi ng tawad sa kakulitan ng mga bata.
"So, marami na palang girls na pinakilala sa kanila ha? Hahaha! Buti na lang talaga tropa lang tayo. Kung ako e jowa-jowa material baka kanina pa kita hindi kinausap. Haha!"
"I guess, hindi talaga magandang ideya na makilala nila ang mga naka-date ko? But that's new huh? Hindi ka nagmura kanina kahit isa." May halong pang-aasar nitong sambit.