5
NASA gilid sila ng isang mall. Nagpameywang si Olivia habang pinagmamasdan ang maraming pamilyang nagpapalipas rin ng oras. Natutuwa rin siyang maalala na ganito rin silang mag-bonding ng pamilya niya sa probinsiya. Nilatag na niya ang picnic blanket sa pekeng damuhan.
"I thought we're going to the plaza." Usisa ni Sylvia habang iniaayos ang mga pagkain na take-out sa restaurant.
"Mainit. 'Tamo dito may mga puno naman."
Sinasaway ni Sylvia ang mga bata sa pagtakbo pero sinasaway din siya ni Olivia.
"Ano ka ba? Hayaan mong mag-enjoy naman sila. Para tumibay-tibay ang ang buto-buto. Oh, kumain ka." Inabutan niya ng sandwich at bottled juice si Sylvia. "Hindi mahagilap si Shanika. Baka plakda na with Prey. Haha! Naol!"
"Anong naol?"
"Sana all. Sana lahat kasama ang bebe! Update mo nga ang vocabulary mo, Capt. Medyo nahuhuli ka na sa uso e."
"You and your kanto words. Tsk."
Natutuwa si Oli sa tuwing napipikon sa kanya si Sylvia. Mas ginagahanan siyang buesitin ito.
"I'll buy some bread sa loob. Mayroong masarap na bakeshop diyan."
"Hep! Hindi pwede!" Pigil na naman niya kay Sylvia. "Subukan natin 'yong corndog na mura. Haha! Ako bahala."
"You gave your money na sa parents mo. May pera ka pa?"
"Opkors! Anong palagay mo sa akin? Poordoy? Watch and learn. Stay put ka dito."
TANAW na tanaw pa ni Sylvia ang pakikipagsiksikan ni Olivia sa mga bumibili sa isang stall. Nailing na lang siya dahil hindi talaga ito nagpatinag.
Kinalabit-kalabit siya ni Eiyh-Gee. "Mama, Tata Oli, okay?"
"Hmm? Oo. She's fine. Don't worry."
"She's fighting." Turo pa ni Eiyh-Gee sa direksyon ni Oli. "Help Tata Oli." Worried na worried si Eiyh-Gee. Panay ang yugyog nito sa braso ni Sylvia.
"No need, My Love. Tata Oli is brave."
Papalapit na si Olivia. Nakangiti pa ito sa kanya habang itinaas ang ilang plastic ng pagkain. Animo ay proud ito sa mga pinamili.
"Hindi ko alam bakit ako natutuwa sa kanya." She says in her mind. "Damn! Stop it, Sylvia!"
"Oh, tikman ang lutong hindi sure kung malinis pero sure na masarap. Hahaha!"
"Nag-take out pa tayo ng mga foods, ito rin naman pala ang kakainin natin." May tono ng pagrereklamo na sabi niya pagkalapag ni Olivia ng mga plastic.
"Rereklamo ka pa? Libre na nga. Baka ikaw pa ang umubos niyan."
Siyang tunay! Hindi nga inaasahan ni Sylvia na magugustuhan niya ang mga pinamili ni Olivia. Ne hindi na nga niya tinikman ang mga take-out nila.
"Oh? Ansabe ng katakawan mo, Capt?! Haha! Naglalaro na ang mga bata e kumakain ka pa rin. Sulit yern?"
"Yeah. But I'm sure hindi 'to healthy." Isinawsaw ulit niya ang kwek-kwek sa suka. "I like the spicy and sour taste."
"Gagi. Siyempre huwag mong araw-arawin naman. Oh, magkape ka rin." Inabot ni Olivia sa kanya ang isang baso ng kape galing vending machine. "Alam mo ba? Meron 'yong time na puro lang ako ganito na pagkain kasi wala akong extra money. Ayaw ko humingi kay Auntie Sonya e."
Hindi umimik si Sylvia. Ninamnam niya ang kape. Sa pakiwari niya ay listener ang kailangan ni Olivia kaya hahayaan lang niyang maglabas ito ng mga hinanaing sa buhay.