Kabanata 2
Like
"Hmm," mahina akong napadaing dahil sa magaspang na kamay ang humahaplos sa mukha ko.
Pagod ang mga mata ko ngunit pinilit ko pa rin itong imulat ngunit naramdaman ko na lamang ang mahinang galaw ng kama.
Nagkasalubong ang kilay ko dahil wala naman akong nakita pagbukas ng mata.
Dahil sa kuryosidad ay nagmamadali akong bumangon mula sa kama at nahulog ang puting kumot na nakapatong sa ibabaw ng katawa ko kung kaya't kita-kitang ang katawan kong nakasuot ng puti na tee-shirt.
It's oversized and it was not mine.
Hindi na ako magtataka kung siya ang nagsuot sa akin. Palagi niya naman ginagawa iyon pagkatapos magsiping.
Umikot ang paningin ko sa buong sulok ng silid at mag-isa lang ako. Saglit akong natulala sa kawalan at napaawang ang bibig nang napagtantong hindi pamilyar ang lugar sa akin.
Bumababa ako mula sa kama at dire-diretsong humakbang palabas ng silid. Pagbukas ko ng pinto ay nagpalinga-linga ako sa magkabilang dulo ng pinto ngunit hindi ko alam kung ano iyon.
My eyes roamed as I recognized that the place seemed familiar even though I'd never been here.
Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa makita ko ang malapad at mahabang hagdanan.
Pinipilit kong isipin kung saan ko nakita ang lugar na ito dahil madalas ay sa condo niya lang ako dinadala.
My eyes didn't stop eyeing the surroundings. I won't deny that this place is indeed enormous and the size is double compared to our house. The structure is indeed exquisite and very modern as if it were being renovated.
I can't stop myself from smiling because the ambiance is quite relaxing and peaceful. Nang maabot ang huling baitang ng hagdanan ay napadako ang paningin ko sa living room.
Napansin ko agad ang mga nakaladlad na puting papel na nagkalat sa ibabaw ng center glass table. I slowly walked toward there with curiosity.
Binilisan ko ang bawat hakbang ko hanggang sa malinaw kong nasilayan ang mga nakaukit sa mga nagkalat na papel.
Sketch and blueprint? Mas lalo akong naguluhan kaya naman ay dahan-dahan akong tumungo, inunat ang braso at inabot ang nakitang sketch na building. Lumipat naman ang mata ko sa isa pang papel kung saan napansin ko ang iba't-ibang disenyo.
Villages.
Napatayo ako ng maayos habang titig na titig sa hawak na papel. My eyes immediately moistened as I suddenly remembered my daddy while doing his blueprint like this, when I was a teenager.
Pilya akong natawa mag-isa sabay iling ng ulo at doon ko lang din napansin ang maliit na laptop na nakabukas ngunit walang ilaw.
Malakas na kumakabog ang dibdib ko nang pagmasdan ko iyon. Ngayon lang ako kinabahan ng husto at hindi ko mawari kung anong dahilan.
Dahil sa labis na kuryosidad ay dumuko ako konti at inabot ng kamay ko ang mouse ng laptop at iginalaw iyon kung kaya't nag-ilaw ang screen ng laptop
Halos napatalon ako sa gulat nang nakita ang nasa-screen.
Napalunok ako sa nabasa.
Engineer, Khianno Troylan Zuniga.
My heart beat so fast to what I discovered but my hands didn't stop scrolling down. I saw all the images of Elites villages, some unfinished technical sketches, and different kinds of designs as well.