Kabanata 4
Confuse
Halo-halo at halatang mga bigating tao ang nakapalibot sa paligid ko. As I was observing them, nararamdaman kong mapanganib na tao ang iba sa kanila ngunit ang iba naman ay parang normal lang na negosyante.
Pinilit kong ituon ang atensiyon sa bride at groom na nagsasalita sa harapan ngunit hindi ako mapalagay.
I felt nervous about something that I can't figure out. Eksaktong may dumaan na waiter sa harapan ko at may dalang champagne drinks kaya kumuha ako ng isa at dire-diretso iyong nilagok upang pawiin ang kaba sa dibdib ngunit hindi iyon umepekto.
"Can I have one more?" tanong ko sa waiter na hindi pa umaalis.
Ngumiti lang ito sa akin at tumango sabay kuha ko muli ng isang wine glass.
"Thank you," sabi ko.
Naglakad na paalis ang waiter at nag-offer naman ito sa iba pang bisita.
Hindi pa rin ako mapalagay.
Bumaba ang tingin ko at napatitig sa hawak na wine glass at mahina itong niyugyog upang malibang ang sarili nang narinig ko bigla ang boses ni Khian mula sa likuran.
"Are you bored?"
Nilingon siya sabay iling. "Nope."
Nakatitig siya sa akin. "Sure?"
I know Khian doesn't just believe in my simple words. Alam kong may naglalarong tanong na sa isipan niya pero wala naman talaga akong ibang dahilan.
Hindi lang talaga ako mapakali.
I just winked at him and smiled sweetly. "I'm fine, baby. Don't worry," I chuckled which made him avoid my gaze.
Bumalik ang mata niya sa harapan, napatitig ako sa kaniya. His adam's apple moving quicker as his jaw is hardly clenching as if he was controlling something.
"F-Fine."
Umakto ito na parang wala lang. Yet I noticed he looks intense.
Natahimik kami pareho at tanging ingay ng mga bisita sa paligid ang naririnig namin ngunit agad akong nagsalita.
"Tito Connor, right?" pangungumpirma ko.
Hindi ko inalis ang mata sa kaniya.
Kumibot ng bahagya ang kaniyang labi bago lumingon pabalik sa gawi ko.
"Yeah, Connor Zuniga," tugon niya.
Tumango at dahan-dahan nilipat ang tingin sa harapan. Kahit marami ang tao sa unahan ko ay malinaw kong nakikita ang Tito niya kasama ang mapapangasawa nito.
I stared at Mr. Connor and I noticed Khian's resemblance to him. Para itong mag-ama kung pagmamasdan. The natural dark round eyes and their pointed nose are also the same.
Hindi mo rin aakalain na mag-Tito lang sila ni Khian dahil parang hindi naman nagkakalayo ang kanilang edad. Litaw na litaw pa rin ang gandang lalaki nito.
"Why are you staring at my Tito like that? Are you fascinated with him?"
"What?!" nagulat ako sa tanong niya. Lumingon ako sa kaniya na seryoso na naman ang mukha.
"Nothing, tsk," suplado niyang bulong sabay tingin sa malayo.
"Napansin ko lang na para lang kayong magkapatid," komento ko habang nakatitig sa kaniya.
Bumuka ng bahagya ang kaniyang labi sabay lumipad ang tingin sa gawi ng kaniyang Tito. Akala ko mamasamain niya na naman ang napansin ko sa kaniyang Tito ngunit unti-unting napapawi ang guhit sa kaniyang sentido.