Kabanata 3
Thought
“Saan ba talaga tayo pupunta, Khianno?” tanong ko habang nakadungaw sa labas ng bintana ng kaniyang sasakyan.
Saglit ko siyang nilingon na seryoso lamang na nagmamaneho.
“Secret, just stay there and relax.”
Napaismid ako sa kawalan at ibinalik ang tingin sa daanan. Palabas pa lang kami ng subdivision kaya medyo malayo pa ang distansya dahil nasa unahan pa ang gate.
“Tsk, alam mong naghahanap pa ako nang malilipatan, eh,” sabi ko.
“Bakit kapa maghahanap kung puwede ka naman tumira sa bahay ko?”
My eyes immediately widened by his words but I didn't let him notice it. Agad akong nag-react ng hindi lumilingon sa kaniya.
“Haler, Khianno? Hindi ba't sinabi mo na manliligaw ka? Siyempre hindi puwedeng ganoon lang. Kailangan mo akong paghirapan kung talagang gusto mo ako.”
“Ganoon ba talaga?” duda niya.
“Oh yeah. Sa bahay ko ikaw manliligaw. Bakit hindi mo kaya?” tawa ko.
“Of course not. I will do anything you say.”
“Talaga lang, huh?” ngumisi ako.
“Try me, Janella.”
“Will you please stop calling me Janella? It’s long though…”
“So what do you want me to call you? Jane?”
I shook my head. “Hindi rin. I preferred Nella. It sounds unique and refreshing.”
“Why not Jane?”
Natahimik ako saglit dahil iyon ang tawag sa akin ni Tita at nakasanayan ko na rin. Kaya sa tuwing may tumatawag sa akin ng Jane ay pakiramdam ko nasa tabi ko lang si Tita.
“Nella.”
“Let me guess…” aniya kaya nilingon ko siya. “Is there’s someone calling you that name?”
Lumingon ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin ngunit mabilis niyang iniwas ang mga mata nang nagkasalubong ang tingin namin.
“Yeah, someone special… Khian!” napasigaw ako dahil bigla siyang pumreno ng malakas kaya halos tumalbog ang pang-upo ko sa kinauupuan.
Nilingon ko siya at umalim ang tingin ko sa kaniya sabay sumimangot, nagtataka.
“Who’s better?”
“Huh?”
Marahas siyang bumuntong hininga at seryoso akong tinitigan. “Even… he is your special someone, I’m sure I am still better than him… when it comes to pleasuring you.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at lihim na napangisi. Maybe he was thinking that I am seeing someone aside from him.
Mananahimik na sana ako ngunit umaatake na naman ang kapilyuhan ko.
“‘Di mo sure,” ngumisi ako lalo.
“Huwag mo sabihin na mas magaling siya-”
“Will you please stop that topic. It's nonsense. Baka nakakalimutan mo nanliligaw ka?”
“Right. And sooner or later, I will become your special someone. Only one.”
Binalik ko ang tingin sa kalsada at nagkunwari na hindi naapektuhan sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko.
Napakagat labi ako upang pigilan ang matawa sa reaksyon niya ngunit hindi iyon nakatakas sa kaniya.
“Stop smiling, tsk,” suplado niyang sinabi at muling pinaandar ang sasakyan subalit muli na naman siyang pumreno.