Kabanata 1
Fight
"I hate you, Florentino! I despise you so much!" I heard Mommy fuming mad at Daddy as I entered the house.
I lazily breathed out as I rolled my eyes. Heto na naman sila sa tuwing umuuwi ako ng bahay. Kung hindi makalat na bahay ang bubungad, sigawan naman.
Kailan ba matatapos ito? Nakakasawa na paulit-ulit na lang.
"Will you please shut up your noisy mouth, Cheva! It's irritating," Daddy's cold voice boomed around the house.
And like everyday, I will just cover my ears and pretend that I'm not hearing them. Kahit na sinasakop na nila ang buong bahay dahil sa mga sigawan.
Diretso ako nagtungo sa kusina at naabutan ko roon si Manang Belen na nagluluto. Napalingon ito sa akin at malungkot na ngumiti.
"Kanina pa po ba iyan?" tanong ko at binuksan ang ref at kumuha ng tubig.
"Oo, mabuti na lang at wala na si Daday."
"Umalis na po?" tanong ko.
Mabilis na lumipad pabalik ng tingin ko kay Manang na nakatingin sa niluluto niya. Saglit niya lang akong nilingon at tumango.
"Kanina pang umaga. Isang buwan lang din ang tinagal at umalis na. Natatakot sa mga magulang mo," anito.
Ano pa bang aasahan ko. E, lahat naman ng mga nakukuha namin na kasambahay ay umaalis din dahil sa araw-araw na pag-aaway ng mga magulang ko.
"Sige po sa kuwarto na ako. Pakidala na lang po ng pagkain ko sa taas doon na lang ako kakain," habilin ko.
Tumango si Manang sa akin dahil ganoon naman palagi ang eksena. Mabuti na nga lang ay hindi niya pa naisipan na umalis kahit medyo may edad na rin.
At maiintindihan ko naman kung sakali man na aalis na siya lalo na at walang pagbabago sa mga magulang ko.
"Okay ka lang ba? Parang matamlay ka?" puna niya sa akin at mabilis na pinatay ang kalan bago ibinigay sa akin ang buong atensiyon.
Ngumiti ako sa kaniya at umiling ang ulo. "Maayos naman po ako, Manang."
"Sigurado ka?"
Tumango ako sa kaniya.
"Opo."
"Oh sige na magpahinga kana sa kuwarto mo. Dadalhin ko na lang ang pagkain mo mamaya."
"Salamat po."
Tumalikod na si Manang sa akin at nilapitan ang lababo. Napalingon ako roon at may mga rekado pang nakakalat kaya hinayaan ko na siya.
I slowly turned my back and decided to go into my room and smiled a little. Simula noong bata pa ako si Manang na iyong palagi kong nakakasama at naging tagapayo ko na rin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob.
Kung tutuusin parang mas tumayo pa siyang magulang ko dahil halos lahat nang nangyayayri sa buhay ko ay nakukuwento ko sa kaniya kapag maaga akong umuuwi.
Kaya kahit paano nakakalimutan ko kung anong magulong buhay ang mayroon ako.
Habang naglalakad patungo sa silid ko ay hindi pa rin nawawala ang ingay ng mga magulang ko.
I don't really know if Mommy is accusing the truth or if she's just being paranoid about Daddy.
"Cheva, if you keep insisting that I have another woman even though I don't have one. Maybe we should get separated. I'm tired of you..." Daddy's casual voice made me quiver.
YOU ARE READING
Attraction Series 10: Just a Taste
General FictionA cancer survivor meet the depression survivor.