Chapter 12 part 2

1.6K 37 2
                                    


Clei POV

"So balae tell me about your family" Mama said while she was cutting the steak in her plate.

Kumakain kami ngayon ng lunch kasama ang family ni Bill sa Luminiscence. hapagkainan sa ibabaw ng Lake dito sa mansion. Sabi ni papa nandito na daw ito simula nung ipinanganak na sya.Anyway magkakatapat kaming kumakain ngayon katapat ko si Bill na palaging nag nanakaw ng tingin sa akin.

"Well our family have two big companies" nagpunas muna ng bibig yung mommy ni Bill at tumingin ulit sa amin "Yung isa pinapatakbo ng panganay kong si Stephen and yung last ay pinapatakbo ko"

"Mmm. Bakit pinapatakbo mo pa? Anong ginagawa ng younger son mo?" Pagsingit ni papa

"Well ayaw pa ni Bill I-handle ang company" tumingin ito kay Bill na tahimik lang kumakain "Kasi nagtratrabaho pa sya"

"Ahhhh! He's gaining experience from his work" amuse na sabi ni Papa "That's good "

Bigla naman napaubo si Bill kaya agad kong kinuha ang tubig at binigay sa kanya

"Mr.Mahangin este Bill okay ka lang?"

Tumingin naman sa akin si Bill ng masama habang iniinom nya yung tubig. Ngumisi naman ako sa kanya at pasikretong dumila Ewan ko ba trip ko yata si Bill ngayon baka yata pinaglilihian ko na si Bill

"Balae oh? Look at Clei she's concern to his soon to be husband" kinikilig na sabi ng Mommy ni Bill

Biglang nawala ang ngisi ko sa sinabi ng mommy ni Bill. Oh my God! What have I done?

"Oo nga! Balae they are so cute" kinikilig na turan ni Mama

Nahihiya naman akong yumuko sa kanila walangya! Pulang pula na ang pisngi ko ngayon. Sumilip ako kay Bill na ngayon ay nakatingin sa akin at may ngisi sa mga labi

"Don't be shy Dear!" Natatawang sabi ng mommy ni Bill "Tama naman yung ginawa mo magiging husband mo naman sya"

Nahihiya akong tumingin sa mommy ni Bill "Okay po ma'am" tango tango kong tugon

"Dear! I said don't call me MA'AM! just call me mommy Danzelle kasi magiging soon to be husband mo naman na si Bill"

"Opo mommy danzelle"

"Wow! mas malapit ka pa kay balae kaysa sa akin ah" sarcastic na sabi ni Mama

Tumingin naman ako kay Mama na nakataas ang isang kilay habang umiinom ng Juice. Anong problema nito?

"Ano kaba balae magiging anak ko naman na si Clei" tumatawang sabi ni Mommy Danzelle

"Oo nga balae mas clo......" papa cuts her off

"Balae tell me about your husband" papa said while he's looking to Bill's dad. "You see kanina pa tayo nag uusap but I never hear a single word from him"

Bigla naman nawala ang mga ngiti sa mga labi ni Mommy danzelle at tumahimik. "Well...... the reason is Bill's father and I are divorced" napatingin naman ako kay Bill na nakaclench ang mga kamay kitang kita ko ang anger and pain in his eyes

"After our divorced he never talks pag kasama ako" malungkot na pagkwekwento ni Mommy danzelle "Actually walang balak si Richard na sumama dito kung di lang sya pinilit ni Stephen"

"Sorry to hear that" malungkot na sabi ni papa

"That's three years ago Danzelle ann" pagsingit ng papa ni Bill sa malamig na tono " I moved on"

Bigla naman akong naawa sa kalagayan ni Bill he has a broken family kaya pala mag isa lang pala sya na nakatira sa Condo nya (Uyyyy Alam!)

"Yeah" tumango tango ito at tumingin sa papa ni Bill "I moved on too don't worry"

"Okay.... let's talk about the date kung kailan ikakasal ang mga bata" pagbabago sa usupan ni Mama

"Why don't we ask Clei and Bill tutal sila naman ang ikakasal diba honey?" Malambing na sabi ni Papa kay mama. Taray sweet! pero nung dumating ako nung nakaraan nag aaway sila dahil sa akin mga PLASTIC!

"Clei kelan mo gusto ikasal?" Tanong sa akin ni Mama

"ehhh!" Langya bat ako tinatanong "Tanong nyo nalang po kay Bill"

Napatingin bigla sa akin si Bill sa sinabi ko. He mouthed "Why me?"

Ngumiti lang ako sa kanya at kumindat.

"Oo son? What do you think?" Pagsingit ni Mommy danzelle while she's looking at her son

Lahat naman kami ay napatingin kay Bill naghihintay sa isasagot nya. Huminga ito ng malalim at tumingin sa akin

"I think?...... 1st week of October"

"6 months? Diba pangit tignan kung ikakasal si Clei na malaki na ang tyan ni Clei?" biglang pagsingit ni Stephen

"Ano naman? Di naman ikaw ang ikakasal ah?" Pambabara ko sa sinabi nya. "I think kelangan din naman namin magkakilala ng masinsinan"

Ngumiti naman bigla si Bill sa akin. Ehhhh?

"Well kung yan ang gusto ng mga bata. I agree" pagsang ayon ni Papa

"I agree too..." sabay na pagsang ayon ni Mama at Mommy Danzelle

Napatingin naman kaming lahat sa Papa ni Bill na walang ginawa kundi tumahimik.Tumingin naman ito sa amin at tumango

"So lahat na payag so asikasuhin na natin yung kasal" Masiglang sabi ni Mama

"Teka bago magkalimutan. Clei must live with Bill bago sila ikasal since you want to know Bill more and dahil kakailanganin nila yon dahil magsasama na kayo" Papa said while looking at us

Waiiiit? Live in lang ang peg?

---------------------------

Author's Note
Hi guys! So eto na! ano kaya ang mangyayari if they live in the same roof?
Comment and vote guys para naman may inspirasyon ako pagsinulat ko na ang kilig moments nila Hihihi :")
By the way Happy 9k plus reads!

Ps. Sana subaybayan nyo yung bago kong story na All of the Stars. Don't worry di sya GenFic guys Fantasy-Romance-Comedy sya kaya sana basahin nyo

PPS. Tinatype ko to habang may nag aaway na asawa na kapitbahay namin okay! Nobody cares -.-

Lovelots,
-Geya

Romancing the PornstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon