Chapter 15: Déjà vu?

1.7K 27 6
                                    


Clei POV

Kakauwi lang namin galing sa hospital slash strip club na iyon. kasalukuyan kaming nanunuod ng sponge bob square pants sa couch nya habang kumakain ng dried mangoes. nakakatawa nga kasi favorite nya daw yung sponge bob Haha

Pero wala ang atensyon ko sa pinapanuod namin dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. inereklamo ko kasi yung maharot na haliparot na higad na doktorang gustong lumandi sa asawa ko. hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano sya umiyak at magmakaawa na patawarin sya.

Syempre dahil mabait akong soon to be wife ay di ko sya pinatawad at itinuloy ko ang gusto ko ayon! natanggal si gaga na haliparot na doktora. gumuhit ulit ang ngiti sa aking labi buti nga sa kanya!

"You are really happy na natanggal yung doktora" natatawang sabi ni Bill

"dapat lang sa kanya iyon!" masayang sabi ko without looking at him habang kumakain ng dried mangoes. wow! ang sarap talaga nito! "Ang kapal naman kasi ng mukha nya na landiin ka sa harapan ko pa!"

"I like it" masayang sabi nito

napatingin ako bigla kay Bill. Huh? ano raw?

"Huh? anong I like it?" nagtatakang tanong ko

"I like it...when you are jealous" nakangiting sabi nya sa akin. hanurraw? jealous? ako?

"Hoy! DI AKO NAGSESELOS! ASA KA!" singhal ko sa kanya

"Really?"

"Talaga!" sabi ko with dignity! ako magseselos? asa sya

Bigla nalang itong gumapang papalapit sa akin at ikinulong ang dalawa nyang braso sa akin. Bi-bill? anong ga-gawin mo? maghunus dili ka Bill!

ngumit ito sa akin ng nakakaloko dahilan upang tumaas ang balahibo at magwala ng sobra ang puso ko "Hindi raw eh bakit ka nagalit sa doktora?"

"Eh-ka-se... an-o nga!... lalandi-in ka nya sa harapan ko pa tama! sa-sa harapan ko pa!" sigaw ko sa kanya. putek! bakit parang ang init ng pakiramdam ko? nyutaness!

lalong lumawak ang ngiti nito sa akin. kaya lalo akong naging uneasy. langya! ramdam ko yung pawis ko na naglalaglagan na!

"Eh ano naman kung nilalandi ako nung doktora?" he said mockingly. biglang napanting ang tenga ko sa sinabi nya. ano? ano naman kung nilalandi sya ng doktora? aba!

Inis na itinulak ko ang dibdib nya. nalaglag naman sa pagkakadantay sa akin

"Dammit! Hey? what's your freaking problem?" galit na tanong nito habang hinihimas ang ulo nito

"Leche ka! ibig sabihin gusto mo pa na nilalandi ka ng haliparot na doktorang iyon" galit na galit na sabi ko sa kanya. putek sya! "Bahala ka nga dyan! kung gusto mo bumalik ka sa punyetang doktorang iyon wala akong pakialam!"

galit na nagmartsa ako papuntang kwarto at agad na inilock iyon. tinungo ko ang kama sabay nahiga. Leche talagang mahangin iyon! ang kapal ng mukha arghhh!

nakarinig ako ng ilang katok sa pintuan alam ko naman na si Bill iyon kaya di ko pinansin at nagtalukbong na lang ako ng kumot.

"Hey Clei?...Open the door" natatawang sabi ni Bill na ikinainis ko lalo. may gana pa talaga syang tumawa!

"Bwisit kang mahangin ka! WAG MO KO KAUSAPIN! dyan ka sa labas matulog at wag na wag na wag kang tatabi sa akin!" nanggalaiti kong sigaw sa kanya.

maya maya nawala ang pagkatok nito. Buti naman at umalis na yung bwisit na mahangin na iyon. wag lang talaga syang tatabi sa akin. makatulog na nga!

Hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko. ano ba yan? bakit di ako makatulog?
I looked at the wall clock na nakasabit. Whaaaat? mag aalas dose na! ibig sabihin ang tagal ko ng na kamata?

Romancing the PornstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon