Chapter 1 Selena Montesclaros-Morales

5 0 0
                                    

Selena POV

"Ma'am, Sir isda po kayo dyan. Bagong huli lang po at preskong- presko pa." sigaw ko para maka benta

"Magkano eto Miss?" tanong ng Ale.

"Two hundred pesos lang po per kilo." Sagot ko naman.

"Sige bibilhin ko na ang lahat na yan." Sabi nang Ale. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Talaga po Ma'am?" gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, ayaw mo ba Miss?" pabalik na tanong ng babae sakin.

"Naku hindi po sa ganon. Sige po e kikilo ko na." at nagmamadali akong magkilo ng isda.

"Ma'am eto na po ang isda niyo." Sabi ko sa kanya.

"Ito na ang bayad Miss." Sabi ng Ale at inabot din sakin ang bayad.

"Salamat po Ma'am. Maraming salamat po talaga" Sabi ko sa kanya ulit at tumango lang siya sakin.

Nang makalayo na siya sa akin ay lumingon siya ulit at ngumiti. Ang saya ko ngayon dahil maaga akong maka ka uwi samin. Agad akong naglinis sa pwestuhan namin sa palengke. Nang malinis ko na ang pwesto naming ay nagpaalam na ako sa katabi kong pwesto.

"Aling Nora una na po ako sa inyo." Sabi ko.

"Ang sipag mo talagang bata ka. Sige mag ingat ka pag uwi mo." Paala sa akin ni Aling Nora.

"Sige po. Salamat." Pamamaalam ko ulit.

Naglakad lang ako hanggang sa sakayan. Nang maka sakay na ako ng tricycle ay sinabi ko kung saan ako bababa. Nagbayad na ako sa tricycle ng makarating na ako sa babaan.

"Manong ito na po ang bayad." Sabi ko sa driver at inabot naman niya ito.

"Salamat Selena." Sabi ng driver at kinuha ang bayad. Pinaandar niya agad ang tricycle at umalis. Naglakad na ako papunta sa bahay at nang makarating ako ay agad kong hinanap si Nanay Susan.

"Nay, nay. Nandito na po ako." At lumabas mula sa kwarto si Nanay nagmano agad ako sa kanya pagka kita ko.

"Kaawaan ka ng Diyos. Maaga ka ata ngayon anak." Tanong ni nanay.

"Opo, may pumakyaw po kasi ng isda natin kaya ako maaga naka alis."

"Ganon ba. Tuwing Sabado at Linggo ata may pumapakyaw sa paninda nating isda." Nagtatakang tanong ni Nanay.

"Ayaw mo ba non nay, maaga maubos ang paninda natin." Sabi ko na lang.

"Hindi naman sa ganon anak pero hindi ka ba nagtataka na sa tuwing may klase ka at ako ang nagbabantay sa isdaan ay wala naman namamakyaw ng paninda natin pero sa Sabado at Linggo laging ubos agad lalo na kung ikaw ang nagbabantay. Ang swerte talaga namin sayo anak."

"Si Nanay talaga. Ako nga ang maswerte sa inyo eh, dahil may kumupkop sakin at itinuring niyo talaga akong tunay na anak. Ako na ang pinaka maswerteng anak sa buong mundo dahil may magulang mababait na tulad niyo." Sabi ko nanay sabay yakap.

"Sus, binobola mo naman ako." Pabirong sabi ni nanay.

"Hindi kaya. Salamat sa inyong dalawa ni tatay, nay."

"Ano na naman ka dramahan ninyong mag-ina dyan?" Biglang singit na tanong ni Tatay Alfredo na nakatayo sa may pintuan.

"Nay, ate pasali naman ako dyan." Ayan na ang cute at tabaching-ching kong kapatid na si Alvin.

"Halika dito." Sabi ko sa kanya at tumakbo siiya papunta samin. Si Tatay naman ay naglakad din papunta samin.

"Paano naman ako?" tanong ni tatay.

"Tatay talaga." Sabi ko.
"Group hug na lang tayo." At ayun nag-group hug kami.

Pagkatapos naming mag-group hug ay nagtawanan na lang kami. Masaya ako sa pamilya ko ngayon kahit hindi kami mayaman sa pera at materyales na bagay ay mayaman naman kami sa pagmamahal nang magulang naming. Nakakaraos sa pag-araw-araw at naka kakain ng tatlong beses sa isang araw ay okey na kame.

"Nay, ito na po pala ang pera. Yan po ang lahat kong benta ngayon." Sabi ko kay nanay ng maalala ko. At kinuha ko ang pera at ibinigay sa kanya Nang makuha na ang pera ni nanay ay umalis siya at pumunta sa kwarto. Pagkabalik niya ay inaya na niya kami na kumain at naglakad kaming apat papunta sa kusina. Masaya ang araw namin ngayon lalong-lalo na ako. Sana palagi na lang kaming ganito, walang problema at laging masaya.

Conflict With BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon