Selena POV
Katulad ng naka gawian ko ay maaga akong nagising at ginawa ang mga gawain ko.
"Nay ang aga niyo pa ata ngayon nagising." Tanong ko kay nanay dahil alas 4 y medya pa naman.
"Ano ka ba anak, syempre gusto ko tumulong sayo lagi na lang ikaw ang gumagawa sa mga gawain dito."
"Nay, kaya ko naman. Wag na po kayo dyan. Di naman po mabibigat ang mga trabaho dito. Magpahinga na lang kayo at baka atakihin kayo ng rayuma niyo." Saway ko kay nanay.
"Kaw talagang bata ka. Sige, dito na lang ako sa silya." Sabi ni nanay at umupo sa silya namin sa hapag kainan.
"Nay." Tawag ko kay nanay at tumingin siya sa akin.
"Ano yun anak?" Sagot naman agad ni nanay.
"Ahm, ano po kasi..." Ngayon ko na ba talaga ang sasabihin kay nanay na gusto ko mag-aral ng kolehiyo.
"May offer po kasi na scholarship ang kaibigan ng guro namin na si Ms. Liwayway para sa pagco-college at gusto ko po sana kunin yung sinasabi niyang scholarship." Alinlangan kong sabi kay nanay. Sana pumayag siya.
"Anak kung sa tingin mong iyan ang tutupad para maka pagtapos ka sa kolehiyo mas mabuti pa na tanggapin mo na lang yan dahil alam ko kung gaano mo ka gusto makapagtapos. Susuportahan ka namin ng tatay mo tungkol dyan."
"Salamat po talaga nay." At niyakap ko si nanay. Panginoon salamat at napunta ako sa mga mabubuting tao.
Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng pumayag sila nanay sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Agad ko din ibinalita sa bestfriend ko ang magandang balita ng makarating ako sa school.
"Bff may magandang balita ako sayo. Pumayag sila nanay na ipagpatuloy ko ang pag-aaral sa college. Sana wala pang nakakuha sa offer ng kaibigan ni Ms. Liwaylay." Agad kung bungad sa bestfriend ko ng makita ko siya sa kalsada patungong school.
"Hay naku bff!! Bobita ka talaga. Malamang walang ibang makakuha ng offer ng kaibigan ni Ms. Liwayway e, ikaw lang naman ang inerecommend niya." Pangbabara ni bff sa akin.
BINABASA MO ANG
Conflict With Boys
Teen FictionIsang simpleng babae na nakatira sa dalampasigan ang magiging komplikado ang buhay nang dahil sa isang scholarship. Dapat walang makaka alam tungkol sa kondisyon nang pagiging scholar niya maliban lang sa kanyang sponsor na si Mrs. Bethsaida de Guz...