Chapter 2 Bestfriend

0 0 0
                                    

Selena POV

Maaga akong nagising kasi Lunes ngayon. Kailangan naming magkapatid na maaga sa eskwelahan para maka attend ng flag ceremony. Ayaw ko din malate kahit March na ngayon importante pa rin sakin na makasali ng flag ceremony. Tapos na akong magsaing at pupuntahan ko na si Alvin sa kwarto namin para gisingin para maka ligo na kami sa poso. Ginising ko na si Alvin at pumunta na kami sa may poso.

Pagkatapos naming maligo ay bumalik na kami sa bahay at nagbihis ng uniporme namin sa school. Kumain ng agahan at pagkatapos ay niligpit ang pinagkainan. Lumabas na din si Nanay sa kwarto.

"Tapos na ba kayong kumain?" tanong ni nanay.

"Opo nay, tapos na po kami. Kumain na din po kayo." sagot ko kay nanay. "Sige nay alis na po kame." Pamamalam ko kay nanay.

"Mag ingat kayo. Eto ang baon niyo at pasensya ka anak at yan lang muna."

"Si nanay talaga. Okay na po eto." Abot ko sa baon namin.

Naglakad na kame ni Alvin papunta sa school kasi maaga pa naman at sa wakas ay nandito na kame sa school ni Alvin.

"Alvin, hintayin mo ako sa mamayang uwian ha. Sa may gate ka mag antay para madali kitang makita."

"Opo ate." Sagot naman ni Alvin.

"Eto nga pala ang baon mo." Sabay abot sa baon niya.

"Thank you ate." Naka ngiting sabi ng kapatid ko at kinuha ang baon niya.

Pagkatapos noon ay tumakbo na siya pa punta sa loob ng school.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"BFF!!!!" Ayan na ang bestfriend kong naka lunok ng megaphone. Hahaha, secret lang natin yan ha. Magagalit kasi yan kung tutuksuhin niyo.

"Oh bakit? Kung makasigaw ka parang nasa inyo ka lang ah? Baka nakalimutan mo na nasa school ka." Sabi ko sa kanya habang nagtataka kasi ngisi siya ng ngisi.

"You can't believe it. OMG!!!" Tili niya. "Si crush, pinansin niya ako bff!!! Ahh!!!" Tili ng tili pa rin niya.

"Hoy magsitigil ka nga at pinagtitinginan kana ng mga tao. Akala nila baliw ka na nakatakas sa mental." Saway ko sa kanya.

"Grabe ka naman bff. Kinikilig lang naman ako palibhasa kasi sayo ay NBSB o kaya naman ay tibo ka kaya hindi ka nagka ka boyfriend."

"Hay!! Ilang beses ko na ba sinabi sayo na wala akong panahon sa mga ganyan. Destruction lang ang makukuha mo diyan."

"Okay sabi mo eh."

"Halika na nga at malapit na magsimula ang flag ceremony." Hatak ko sa kanya pa puntang playground.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na.

"Bff gagraduate na tayo sa March. San mo balak mag aral ng college?" Tanong ni May na bestfriend ko.

"Ewan ko May. Hindi pa ako nakapag decide kong magpapatuloy ba ako sa college o hindi. Masyado malaki ang gastos sa pagco-college.

"Hay naku bff, edi mag apply ka ng scholar. Matalino ka naman, sayang ang talino mo kung titigil ka at saka gusto mo ba na mabulok sa pagtinda ng isda."

"May mga open pa kaya ngayon na scholarship. Alam mo naman na patapos na ang school year." Nag-alala kong tanong sa kaibigan ko.

"Diyan hindi ako sigurado. Pero to make it sure magtanong na lang tayo sa adviser natin na si Ms. Liwayway." Sabay hila sa akin papuntang Faculty Room.

"Dalian mo ng maabutan pa natin si Ms. Liwayway."

Patakbo kami papuntang Faculty Room para lang maabutan si Ms. Liwayway.

"Hooh!!! Napagod ako sa pagtakbo natin. Oh, ayan pa si Ms. Liwayway pumasok ka na at ng matanong mo kung may mga open pa ba na scholarship para sa college." Sabi niya at itinulak ako papunta sa loob ng Faculty Room.

"Good afternoon po ma'am." Bati ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Good afternoon din Ms. Montesclaros. Ano ang maipaglilingkod ko sayo?" Bati ni Ms. Liwayway habang nag-a- arrange ng mga folders.

"Gusto ko lang po sanang malaman kung may open slot pa po ba na scholarship?" Kinakaban kung tanong sa kanya.

Hindi muna sumagot si Ms. Liwayway at tinignan ako.

"Gusto ko po sana kumuha ng scholarship para maipagpatuloy ko ang pag-aaral sa kolehiyo."

"I'm sorry to say this Ms. Montesclaros pero wala ng open slot na scholarship ngayon."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak pero pinipigalan ko lang sarili ko. Siguro hanggang dito na lang talaga ako.

"Pero may isa akong kakilala na handang tustusan ang pag-aaral mo sa college. Yun ay kung handa ka sa mga kondisyon nya."

Biglang nagliwanag ang mga mata ko sa mga narinig ko kay Ms. Liwayway.

"A-ano po ba ang mga kondisyon na yon Ms. Liwayway?" Tanong ko agad sa kanya.

"Sa ngayon isa pa lang ang alam ko ang maging taga bantay o spy ng anak ng kaibigan ko."
"Sige pag-iisipan ko yan May at sana pumayag sila nanay."

Pagkatapos namin mag-usap ni May ay na pa-isip din ako. Gusto ko rin maka pag-college para maka ahon sa kahirapan. Gusto ko makatulung kina nanay at tatay at ng masuklian ko na rin ang kabutihan na ginawa nila.

Conflict With BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon