Chapter 1: Mitchell
"Best, gising na," nakaramdam ako ng pag-uga sa aking balikat, sunod sa aking hita at sunod ay sa buong katawan ko na. "Hoy! Gumising ka na!"
"Aish! Alis d'yan, inaantok pa ko," tinulak ko s'ya paalis sa kama ko. Nakakainis, isa s'yang abala sa masarap na pagtulog ko. Minsan na nga lang makatulog ng mahimbing, inaabala pa n'ya.
"Gumising ka na, samahan mo ako," muli na naman n'ya akong inuga sa balikat bago ipinasok sa butas ng ilong ko ang dalawa n'yang daliri.
"Ano ba?!" inis kong sigaw sabay balikwas ng bangon pero nakapikit pa rin ako. Antok na antok pa ko talaga.
"Gising ka na ba best?" nakakaloko pa na tanong n'ya sa akin sabay buklat ng dalawa kong mata.
Putcha! Sira ulo talaga!
Tinampal ko ang kamay n'ya. "Bakit ba kasi? Ang aga mong mambulabog."
"Magpapasama nga ako sa'yo. Bibili tayo ng mga gamit natin para sa pasukan," sagot n'ya.
"Bakit ang aga naman? P'wede namang mamaya na lang tanghali, at saka sarado pa ang mall," sabi ko at nahiga 'uli. Inaantok pa ko talaga, pero mukhang wala yata talaga s'yang balak na tanggapin ang suggestion ko, dahil muli n'ya akong niyugyog sa pwetan ko. Nakatagilid kasi ako ng higa patalikod sa kan'ya.
"Putik! Oo na, shuta ka!" pupungas-pungas akong bumangon habang s'ya ay tumatawa. Naisahan na naman ang bruha na 'to.
Lumabas ako ng k'warto para pumunta sa banyo at maghilamos. Nasa kusina kasi ang banyo namin. Hindi kami kagaya ng mayayaman na sa bawat k'warto ay may sariling banyo.
Naghilamos lang ako at nagmumog ng mabilis tapos lumabas na ko kaagad. Naabutan ko si Cath na nakaupo na sa harap ng hapag kainan at umiinom na ng kape.
"Kain na tayo bestpren," sabi n'ya na nakangiti ng makita ako.
Naupo ako sa katapat n'yang upuan at naglagay ng sinangag sa plato ko, may nakahain na kasi sa lamesa.
Habang kumakain kami, napapasulyap ako rito sa kaibigan ko at napapaisip kung bakit s'ya nagtitiyaga sa pagkain namin dito, samantalang mas masarap naman ang pagkain lagi sa bahay nila.
Mayaman kasi sina Cath, maraming negosyo ang pamilya nila rito sa Pilipinas, meron din silang isang branch sa Korea. Pero kahit anong yaman ng babae na 'to, hindi ko kailanman naramdaman 'yun sa kan'ya. Wala kasi s'yang kaarte-arte sa katawan.
Minsan nga sabi ko sa kan'ya na, buti hindi s'ya pihikan sa pagkain, at kaya n'yang kainin lahat ng pagkain na inihahain namin sa kan'ya kahit na ang iba ay hindi pamilyar sa kan'ya.
At dahil may saltik ang kaibigan kong ito, ang isinagot n'ya sa akin ay, "P*pe, nga nakakain ko kahit wala pang hugas, 'yun pa bang tunay na pagkain."
Sira ulo 'di ba? Walang patawad ang bibig, sasabihin n'ya talaga ang sagot na gusto n'yang sabihin ng walang pag-aalinlangan kahit pa kabastusan.
Bisexual si Cath, out and proud na 'yan ngayon. Dati kasi hindi ko alam dahil hindi naman n'ya sinabi sa akin. Nalaman ko lang ng minsan hanapin ko s'ya dahil may itatanong ako at aksidente akong napapunta sa likod ng aming classroom noong first year high school kami at nakita ko s'yang may kahalikan doon habang hawak pa n'ya ang isang dibdib ng isang babae.
Sobrang gulat ko noon, nabitawan ko pa nga ang hawak kong notebook dahilan para maaagaw ko ang pansin nilang dalawa. Kitang-kita ko rin 'yung gulat sa mukha ni Cath ng makita ako.
Flashback
"M-Mitch, magpapaliwanag ako," sabi n'ya. Parang sobrang kabado n'ya at nauutal pa s'ya.
BINABASA MO ANG
I took her virginity to save her life
RomanceMitchell was a kind woman. She has a lot of patience in everything but when she meets Anastasia, best friend of Irene, her fubu. It seems like her patience is like her money that running out because of Anastasia's attitude towards her. For Mitchell...