chapter 3

86 4 0
                                    

Chapter 3: Mitchell

Naman! Bakit naman sa tabi ko pa pinapaupo ni Ma'am ang babae na 'yan? Nakakaasar!

Naglakad ang babae na lagi yatang may dalaw papunta sa upuan sa tabi ko. Padabog s'yang naupo na akala mo nalugi.

"Ano? Anong sinisibangot-sibangot mo d'yan?" mataray na tanong n'ya sa akin, "Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napaupo rito!"

"Ako?" sabi ko sabay turo sa sarili ko. "Bakit ako? Ako ba ang na-late? Ikaw ang late, kaya kasalanan mo!"

Sisihin daw ba ako kung bakit s'ya napaupo sa tabi ko. Adik lang ang peg n'ya. Siya ang pahuli-huli ng dating sa klase tapos sa akin isisisi.

"Kung hindi mo ako binangga kanina at tinapunan ng kape, hindi sana ako pupunta ng banyo para magpalit ng damit!" bulong n'ya pero madiin bawat salita.

Ano raw? Iyon pa rin ang issue n'ya hanggang ngayon, na kung tutuusin naman ay kasalanan n'ya naman talaga iyon at hindi sa akin.

Asar akong bumaling sa kan'ya. "Hindi mo ba alam ang salitang move on? Ang bitter mo masyado sa akin, samantalang kasalanan mo naman lahat."

Hindi na s'ya nakasagot dahil nagsalita na ang teacher namin.

"Class, iyang mga inuupuan n'yo ngayon ay ang magiging permanent seat n'yo sa klase ko sa buong school year. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni Ms. Alvarez ang aming adviser dito sa aming home room and teacher namin sa subject na Business Law.

What? Putcha naman! Gusto kong sumigaw ng objection Ma'am, ayoko po sa katabi ko. Kaso sumagot na ang mga classmates namin ng yes Ma'am kaya ano pa bang magagawa ko.

Wala rin naman akong lakas ng loob magreklamo, baka ma-bad shot pa ako kay Ma'am kapag ginawa ko 'yun.

Ayoko pa man din ng may nagagalit sa akin na sexy at maganda na babae este ayoko ko na may nagagalit sa akin.

Ano ba self, focus! Nahahawa ka na sa best friend mo ng kamanyakan. Nato-tomboy na rin yata ako.

Sumulyap ako sa katabi ko at mukhang parehas talaga kami na ayaw makatabi ang isat-isa. Nakasimangot kasi s'ya at ng hahaba ang nguso. Sa sobrang haba nga niyon, p'wede na sigurong pagsabitan ng palayok.

Natawa ako sa naisip ko kaya tumingin sa akin ang babaeng dragon na katabi ko at ang sama ng tingin sa akin. Balewala lang naman akong tumingin sa kan'ya.  Bahala s'ya d'yan.

"Okay class before we start our class, you will introduce yourself one by one here at the front," sabi ni Ma'am, "I will call you one by one. So let's start."

Ano ba 'yan?! Ito 'yung pinakaayaw ko sa unang araw ng klase, ang pagpapakilala. Feeling ko para pa rin akong nasa elementary.

Nagsimula ng magtawag si Ma'am, at nakinig naman ako sa mga kaklase ko na nagpapakilala ng kanilang sarili. Unlike rito sa katabi ko, na parang walang pakialam na nakatingin lang sa kan'yang kuko.

Gusto ko tuloy tanungin kung anong meron doon at kanina pa s'ya nakakatitig. Kaso alam ko natatarayan lang ako ng babaeng dragon na 'to.

Mabilis lang ang naging pagtawag ni Ma'am dahil konti lang kami sa klase siguro nasa 30 lang kami rito, kaya ngayon ay turn ko na agad.

Naglakad ako papunta sa unahan sa tabi ni Ma'am. Shit ang bango ni Ma'am! Ang sarap kainin, ay amuyin pala. Hayst! Kailangan ko na talagang magsimba, inaagiw na yata ang utak ko talaga.

"Hello, good morning. I'm Mitchell Mariano, 19 years old from Sampalok, Manila," 'yun lang ang sinabi ko at naglakad na ako pabalik sa upuan ko. Letche! Daig ko pa ang sumagot sa recitation sa kabang nararamdaman ko.

I took her virginity to save her life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon