CHAPTER 4

583 37 8
                                    


CLAIRVOUYANT POV

Pag dating na pag dating palang namin sa bayan nakita na namin na sinalakay talaga ito, may mga gusaling naka bagsak, may mga bangkay na naka salamapay.

"Mukhang na late tayo ng onti, pero sana maagapan pa natin ito." Sabi ko kay sky.

"Sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng mga sumalakay ang mga ito." Igting panga na ani ni sky, kahit naman ako ganyan magiging reaksyon dahil sa nangyari.

Natigil kami ng may narinig kaming kaluskos mula sa natumbang gusali sa gilid, pag tingin namin ay isang etherion na hati ang katawan, sinusubukan nyang makaalis dun.

Agad naman namin syang tinulungang ni sky, at pinagaling kahit papaano ay tumagal pa sya ng ilang minuto, alam na namin na hindi ma rin sya tatagal.

"Sabihin mo anong nangyari dito?." Tanong ni sky.

"M..mahal na pri..prinsepe, ang ma.mahal na rey...na at ang hari." Hindi nya na natapos ang sasabihin ng nawalan na sya ng hiniga, pwede ko pa sana ito i extend kaso masyado na akong nagiging madaya, hindi ako pwedeng mangealam ng mga spiritong bukal, isa din yan sa mga utos o patakaran ng mga necromancer.

Hindi kami pwedeng mangealam ng mga spiritong namatay na wala kaming koneksyon o hindi kami pumatay, pero pwede namin itong pabalikin pero kalansay na at tauhan nalang.

Natigil ako sa pag iisip ng may narinig kaming pag sabog sa di kalayuan.

"Tara clair, baka sila ama na iyon." Ani nya, dali dali naman kaming pumunta duon para makita ang nagaganap.

Pero mukhang huli na at mukhang pag sisisihan ko pa bakit nahuli kami ng pag punta.

Nakita namin si tita at tito, hinang hina na at maraming galos at malalang sugat, at ang dahilan o ang punot dulo lang nito ay ang dalawang naka roba na itim, at yun ay ang mga mostradamos.

"Ohh, nandito na pala ang mahal na prinsepe, at kasama nya pa ang nakawalang bihag nuon, pero hindi ka na namin kailangan ngayon dahil malapit na namin makumpleto ang lahat lahat, kaya ngayon ay pwede ka na din naming paslangin." Sabi ng medyo mas maliit dun sa isang mostradamos, bali dalawa silang lalaki pero pandak ang isa.

Mukhang namumukhaan ko yung isang yun, nakita ko na sya somewhere.

"Pero sabagay, dahil nandito nadin kayo ay matutunghayan nyo iung paano namin papaslangin ang mga magulang ng prinsepe sky." Ani pa ng pandak, habang ang isa naman ay parang tuod lang.

"Dark magic, dark..." Hindi nya na natuloy ang pag cast nya ng lumipad sya sa di kalayuan, at nakita ko na si sky ang umatake dito.

"Wala kang karapatan na saktan ang aking ina!!."

"Light magic, lazer beam."

"Dark magic, black beam." Sabay sila nag cast at nag tama ito, pinapanood ko lang ang pag lalaban nila at duon lang ako natauhan, na hindi lang pala isa ang kalaban namin.

Biglang sumabog ang katawan ni tito at ang natira nalang ang ulo, nagulantang ako sa nakita ko at the same time may naalala ako.

Na distract naman si sky nun kaya natalo sya ng spell ng kalaban nya.

"AMA!!!!!."

"MAHAL!!." Parehas na sinabi ng mag ina kay tito, ako na shock dahil prinoproccess pa ang nakita at dun ko lang naalala, ang isang bukod tangi na kayang gumawa nun, ang no.1 na mostradamos o ang pinaka malakas sa kanila, isang void user.

"Magbabayad ka!!." Sigaw ni sky at nag cast sya ng malakas na spell.

"Light magic, evil banish." Isang bolang kasing laki ng gulong ng truck ang bumubulusok papunta sa taong kinamumuhian ko ng sobra.

THE LOST NECROMANCER (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon