Bloodshadow's Rebirth and Past Life; Narda is Born

362 16 8
                                    

The year of 1980, there was a woman named Ellen who was giving birth to a baby. This woman was just another prostitute. She had a one-night stand with the young man named Danilo Custodio. After the child was born, the two figures appeared in front of Ellen. They introduced themselves as Gabriel and Alleria Loconte. Hindi makapaniwala si Ellen sa mga sinabi ng couple.

Gabriel: Our son chose to be reborn from you. Take good care of him. Raise him as your own.

Alleria: His real name is Mattheo, but as a vampire his name is Bloodshadow. The vampire that is immune to all the weaknesses. But you can choose the name for him. You deserve to be a mother to him. Be a good mother.

Gusto pa sanang magtanong ni Ellen, pero naglaho na sila. Medyo naguguluhan man pero isa lang ang alam niyang gawin. Panindigan ang bata bilang kanyang tunay na anak. Sa kabutihang palad, naniniwala si Ellen sa mga bagay na hindi kapani-paniwala. Dahil ilang buwan na siyang hinahanap ng mga aswang mula noong buntis ito kay Mattheo. Sa kabutihang palad, noong pinagtangkaan ang buhay ni Ellen, bigla na lang lumiliyab sa apoy ang mga nasabing aswang at ito ang kanilang ikinamatay. Ang ipinagtataka lang ni Ellen, ang mga apoy ay kulay pula sa halip na orange. Ngayong ipinahayag sa kanya nila Gabriel ang totoong pagkatao ng magiging anak niya, napagtanto na niya kung bakit lumiliyab ang mga aswang na nagtangka sa buhay nila at bakit kulay pula ang apoy.

Ngunit, nagdududa siya na baka patayin siya ng sarili niyang anak. Samantalang ang mga babaeng nasa tabi niya na nagpapaanak sa kanya kasama ang albularyo, hindi nakita yun ng mga babae. Hindi nagtagal lumabas na ang bata. "Wah. Wah. Wah. Wah. Waaaah." The cry of the baby made the women cry.

Woman 1: Lalaki ang anak mo, Ellen.

Albularyo: Panindigan mo ang bata bilang tunay mong anak. Alagaan at mahalin mo siya. Alam kong nagdududa ka. Pero sinisiguro ko na siya na ngayon ang magpoprotekta sayo mula sa mga masasamang bagay. 

Ellen: Maraming salamat po. Pero gusto kong hanapin si Danilo.

Albularyo: Iha, alam naman nating hindi pa siya handang maging ama. Hayaan mo na ang anak mong maghanap sa kanyang ama sa oras na bumalik ang mga ala-ala niya at malaman ang layunin ng kanyang muling pagpapanganak. Sa oras na ito ay muling lumaki at lumakas. Ano bang gusto mong ipangalan sa bata?

Ellen: Kung totoo po ang sinasabi ninyo. Kung totoo po na muli siyang ipinanganak. Kung totoo po na tunay na mga magulang niya ang nagpakita, Mattheo na lang ang ibibigay ko.

Albularyo: Mabuti naman, iha. Wala ka namang mapupuntahan kaya dito ka na lang tumira sa aking pamamahay.

Ellen: Talaga po?

Albularyo: Oo naman, iha. Wala naman na din akong pamilya kaya kukupkupin na lang kita. Sige na, pakainin mo na ang bata.

Kaya dito nagbreast feed na si Ellen kay Mattheo at ito ay tumigil nang umiyak. Masaya niyang pinagmamasdan ang kanyang anak na sobrang napakaamo ng mukha.

Ellen: Mattheo. Pangako, mamahalin kita bilang tunay kong anak. Sana lang din, makita mo muli ang totoong mga magulang mo. Kung ano man ang layunin mo, sana hindi ka magbago. Sana manatili kang mabuting tao.

Many years later...

Hindi tulad ng mga mortal, mabilis lumaki si Mattheo. Tulad lang ng mga pusa siya mabilis lumaki. Noong halos mga 10 years ang lumipas, si Mattheo ay nasa edad ng 24 at lahat ng mga ala-ala at mga kapangyarihan niya at ang pagiging bampira niya ay nabalik sa kanya. At minahal pa din niya si Ellen bilang tunay niyang ina. Ngayon, sa hindi inaasahan meron na palang stage 4 cancer si Ellen at hindi magtatagal ito ay mamamatay na. Kaya kasalukuyang inaalagaan ito ni Mattheo at sinusulit ang pagsasama nilang mag-ina. Ang totoo nyan, ipinanganak si Mattheo noong mga 17th Century pa sa Europe. Noong mga 24 years old na siya naging ganap na bampira. 

Darna and the Ageless OnesWhere stories live. Discover now