Chapter 3

36 0 0
                                    

Pag uwi ko ng bahay, humiga na agad ako sa kama. Medyo masakit ang katawan ko. Ngunit sanay na ako sa ganito, tulog lang katapat nito. Tiningnan ko muna mga schedule ko cellphone ko,wala pala akong scene sa loob ng dalawang linggo. Mas mabuti kung ganoon.
      Kinabukasan, agad akong naghanda para sa opisina. Doon na ako kakain may kailangan pa kasi akong ayusin. Gusto kung mag leave ng tatlong araw. Kailangan kung magpahinga at mag isip, binabagabag parin kasi ako ng nakaraan simula ng makita ko si Arthur.
      Nang masegurong okey na lahat sa trabaho ko saka ako naghanap ng magandang lugar na pupuntahan. May nakita ako sa may Palawan area, hindi siya ganoon ka sikat pero maganda, tahimik at hindi maraming dayo dahil kasisimula pa lang. Ito ang kailangan ko kaya nag book agad ako  para sa weekend, kailangan ko pa kasing mag file ng leave ngunit segurado naman akong approved agad ito sa boss ko. Malinis kasi ako mag trabaho at hindi bulakbol. Ilang besses na rin nila akong inaya ng outing sa company pero tinanggihan ko. Ngayon ako hihingi ng pabor sa kanila.

   Gabi na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Ms. Quinn, siya ang boss ko.
   "segurado ka, tatlong araw lang? Pwede mo namang gawing isang linggo. Hindi naman peak season sa atin ngayon at saka minsan kalang magpahinga kaya sulitin mo na" sabi ni Ms. Quinn. Ito ang gusto ko sa boss kong to eh... Hindi abusado.
    "okey lang po ba?" ako
    "oo naman. Ano ka ba, ayos naman ang trabaho mo di ba, tatawagan nalang kita kung may aberya. Pero tingin ko wala talaga, ang tagal mo na sa kompanya eh.. kabisado na kita kaya go na." Ms. Quinn
   " naku! Maraming salamat Ms. Quinn" ako.
   "naku, walang anuman Liam, so anu, happy trip nalang. Ingat" Ms. Quinn
   "Thank you ho ulit. Bye" ako.
Mas na pa aga kesa inaasahan ko ang leave ko at isang buong linggo talaga.
Maaga akong nagpahinga yon naman lagi ang ginagawa ko sa buhay eh...
Isa pa sa weekend pa ako tutulak ng Palawan kaya hihilata o gagala lang ang peg ko ngayon. Pero mas gusto ko hihilata talaga, para makapag-ipon ng lakas dahil after 2 weeks sunod-sunod na naman mga scenes at clients ko.

Thursday night naisipan kung mag bar, bukas ng hapon pa naman ang byahe ko puntang Palawan at bored na akong maghintay kaya for the gala muna ang ferson tonight.
Plain white shirt at maong ang suot ko. Umorder ako ng drinks habang nakinig ng napakalakas music. Ano pa bang asahan ko? Wala na mang bar na tahimik.
May napansin akong grupo ng kalalakihan na pumasok sa bar, in fairness mukhang may lahi. Ang tatangkad at ang lalaki ng katawan, matangos pa ang mga ilong. May goodness walang tapon ang mga papa mo teh... Bigla namang parang gusto ko ng isa, kahit sino sa kanila charot, pero totoo ang gagwapo talaga.
Lumalim ang gabi patuloy lang ako sa pag inom mag-isa habang nagmamasid sa mga papa kaya medyo tipsy narin ako. May mga chicks na lumapit sa akin, pero haller, like seriously? Ayaw ko ng mani noh...
Mas lalo lang nag init ang katawan ko nang magkatinginan kami sa mata ng isang papa, aba tagos sa butas ko ang init ng titig huh parang hahaba talaga ang gabi.
My gosh, mahina talaga ang pwet ko pag nakainom, hindi ko ma control ang libog ko kaya nagpunta ako ng comport room kailangan kung palayain tong namumuo sa puson ko.

   Medyo masama talaga ang tama ko. Hindi lang tipsy, lasing na ako. Ngayon ko lang nalaman kung di pa ako tumayo hindi ko malalaman. Kailangan ko nang umuwi, buti nga't malapit lang ang sakayan ng taxi dito. Hindi na kasi ako nagdala ng kotse kanina.

   Pagdating ko ng condo humiga na agad ako. Pero iwan ko ba, parang nanadya yata ang panahon. Kanina ko pa kasi naiisip ang nakaraan ko na gustong-gusto ko nang kalimutan,

    "Happy 3rd anniversary love!" Sabi ni Arthur. Siya ang live-in partner ko. Hindi man kami tanggap ng mga taong malapit sa amin pero pinaglaban namin ang isa't-isa. Sabay kaming nangarap at nag sumikap. Sabay din naming binuo ang mga pangarap namin. Yun ang akala ko.
Dahil isang gabi nagbago ang lahat.

   Kadarating ko lang ng Manila galing Boracay may 4 days seminar akong dinaluhan doon kaya lang napaaga ang uwi ko. Dapat kasi bukas ng gabi pa ako makakauwi pero hindi na ako sumama sa get together ng mga kasama ko kaya hindi ako nasundo ni Arthur sa Airport. Balak ko siyang sopresahin kaya pinuntahan ko siya sa opisina niya. Pero wala siya do'n, sabi ng sekretarya niya kakaalis lang daw. Masama daw ang pakiramdam kaya dali-dali akong umuwi ng bahay para i-check siya.
   Hindi na ako nag doorbell para di na siya maestorbo, laking gulat ko ng di man lang nakapag lock ng pinto. Paano nalang kung may masamang loob na pumasok? Hay! Seguro nga masama talaga ang pakiramdam. Ba't naman kasi sa bahay umuwi, di nalang sa hospital.
   Inilapag ko muna ang bags ko sa sala at dumeretso na ako sa kusina, balak kung magluto ng nilagang baka kaya ibinabad ko agad sa tubig ang karne babalikan ko na lang maya-maya. Naghilamos na rin ako bago umakyat ng kuwarto. Nasa hagdan pa lang ako ng may narinig akong nag-uusap sa loob ng kuwarto. Akala ko sa telepono lang nag-uusap, pero habang papalapit ako mas naging malinaw sa akin ang lahat. Babae. May babae sa loob ng kuwarto namin, dahan-dahan akong lumapit para marinig sila. Alam ko at segurado akong may mali sa nangyari. Walang babaeng kamag-anak ang pupunta dito sa kuwarto namin para alagaan siya dahil lahat sila galit sa amin at nandidiri sa amin.
   Malakas ang kabog ng dibdib ko para bang naubusan ako ng hangin at lakas. Pero kailangan kong buksan ang pintuan sa harap ko at harapin ang kung anumang katotohanan. Pumikit ako at inipon ko lahat ng natitira ko pang lakas at pinihit ang seradura. Idinilat ko ang aking mata at nakita ko ang lalaki at babae sa ibabaw ng kama ko, kama namin. Si Arthur nga, kasama ang isang di ko kilalang babae.

    "lo....lo... Love?" gulat na sabi ni Arthur.
Lumingon ang babae. Gulat din ng makita ako.
    "sino siya hon? Bakit love tawag mo sa kanya?" Kunot-noong tanong nito.
    "Corrine, magbihis ka muna. Pupuntahan na lang kita mamaya." nauutal na wika ni Arthur.
Nalilito man, tumayo at nagbihis si Corrine. Humalik pa sa pisngi ni Arthur bago umalis. Tiniis ko ang lahat. Hindi ko kailangan magwala dito ngayon. Hanggat maari, pag-usapan namin to ng mahinahon. Masakit? Oo. Sobrang sakit. Parang gusto ko nang mamatay dahil sa sobrang sakit. Pero tiniis ko,kailangan kong tiisin kundi masisira ang relasyon namin. Di ba ganyan naman talaga, normal lang sa isang relasyon ang dumaan sa pagsubok at segurado akong malalampasan namin to.
     "Napaaga yata ang uwi mo?" komento ni Arthur

     "Bakit? Bakit mo ginawa sa akin to Arthur? Umiiyak kung tanong.
Isang malalim na buntong-hininga lang ang sagot niya.

    " Sagutin mo ako, please. " wika ko.

   " Sorry. Sorry Liam, di ko sinadya. Ayaw ko mang saktan ka pero wala akong magawa." malungkot niyang wika.

    "Bakit nga? Saan ba ako nagkulang sayo, saan ba ako nagkamali?Sabihin mo at nang maaayos ko. Hindi yong ganito. Masakit kasi eh.." nagmamakaawa na ako. Pero nakayuko lang siya.

    "walang mali, walang kulang sayo Liam. Hindi mo kasalanan. Kasalanan ko lahat ito."wika niya.

Wow huh, putang-ina linyahan yan. It's not you, it's me. Tinagalog lang. Dito na sumiklab ang galit ko. Kung kanina, kalmado lang ako ngayon gusto ko ng bardagulan. Dapat pala kinalmot, sinabunotan, at sinampal ko na ang bruha makaganti-ganti man lang ng konti. Napakawalanghiya talaga.

   " Pero ba't mo nagawa sa'kin to. Buong buhay ko minahal kita. Ginawa ko ang lahat Arthur.
Nagtiwala ako sayo pero anu to? Bigla nalang kitang aabotan dito may katabing babae. Wag mong sabihing nagrosaryo kayong nakahubad.? Kung di pa ako umuwi ng maaga hindi ko malalaman ang totoo. Hanggang kailan mo ako balak lokohin? Galit kong wika.
"sumagot ka, demonyo ka manloloko. baboy. walanghiya"  Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya.

   "Minahal ko siya!" malakas sigaw sa mukha ko kaya natigilan ako.

   "minahal ko siya, pero ayaw kitang saktan kaya itinago ko sayo ang totoo." mahina niyang wika.

   "ayaw mo akong saktan? talaga lang huh" mapanuya kong sabi. "ano ba sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon? Natutuwa? Bobo ka pala eh..

  " minahal kita Liam, totoo yan. Galing yan sa puso ko. Totoong minahal kita. Hindi ko lang akalaing magmahal pa ako ng iba ng mas higit pa sa nararamdaman ko sayo. Sana mapatawad mo ako. Hindi man sa ngayon pero sana dumating ang araw na mapatawad mo ako".Malungkot niyang wika na may kasamang buntong-hininga

Akala ko wala ng mas sasakit pa nang mahuli ko siyang may babae, pero mas masakit pala kung sa bibig niya mismo manggagaling na tapos na ang lahat sa inyo. Wala ng dapat ipaglaban dahil talo na ako. Mas pinili niya ang babaeng yon kesa sa akin. Gusto ko nang mamatay nang di ko na maramdaman tong pesteng sakit na ito. Tatlong taon at pitong buwan na pagsasama nawala lang parang bula sa loob ng isang iglap. Nakakalungkot.

Bumalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman ko ang mainit na luhang umagos sa pisngi ko. Limang taon na ang lumipas pero ganoon parin ang sakit. Di pa rin naghilom ang sugat dito sa puso.
Nakakatawa nga lang isipin na iniwan niya ako dahil dahil mas minahal niya si Corrine, pero ngayon may mas minahal pa siya ng higit pa kay Corrine. Tao nga naman. Kaya nawalan na ako ng tiwala sa pagmamahal na iyan.
    Kaya mas ginusto ko ang ganito. Nag eenjoy ako at kumikita. Hindi na ako umasang may magmamahal pa sa akin. Mahirap umasa at masaktan kaya ayaw ko na.

 

The Porn ActorWhere stories live. Discover now