Chapter 22

74 3 1
                                    

Warning: This chapter contains violence and curse, read at your own risk.
———
Cally's POV

7pm ng makarating kami ng Chicago kaya dumiretso na muna kami sa hotel na pagtutuluyan namin dahil saglit lang naman kami dito.

Kahit sinabihan na kami ni mommy na doon na kami sa bahay matulog ay umayaw ako dahil alam kong didiktahin nanaman niya ako, nakakapagod ang ganun.

"You ready baby?" Napalingon naman ako sa kakalabas lang ng banyo, shit! Bakit ang swerte ko? May jowa akong hot!

"Y-Yup! Ayusin ko lang hair ko then done na kaya ikaw mag damit kana." Sabi ko sabay iwas tingin sakanya pero nakita ko itong nag smirk kaya masama ko siyang tinignan sa salamin.

"Chill baby, you're so hot head this days," ani nito sabay lapit sa'kin at hinawakan ang balikay ko. "Are you pregnant hmm?"  
Mabilis ko siyang kinodo sa tiyan pero ako ant nasaktan dahil sa mga matitigas niyang pandesal tsk!

"Shut up Luis! I'm not pregnant okay?" inirapan ko ito at pinagpatuloy nalang ang pag aayos ng buhok.

Ilang minuto pa ay parehas na kaming ready kaya nilapitan ko ito para ayusin ang necktie ng makita ko itong nakahibi.

"Ang tanda mo na Luis pero hindi mo parin maayos necktie mo." Ani ko habang nag aayos ng necktie niya.

"Andiyan ka naman para ayusin necktie ko baby, wife duty." anito nito sabay kindat at tinalikuran ko.

Ang kapal pero I like it wife duty huh?

Papunta na kami ngayon sa bahay at para akong tanga na hindi mapakali na ewan, siguro kasi makikita ni Luis si Ate Alli or kinakabahan ako ipakilala si Luis kila mommy.

Nauna nadin ang tatlong itlog pumunta sa bahay dahil invited din sila, nagulat nga din ako nung nalaman ko yun.

"We're here baby." Nilingunan ko ito at nginitian, ilang sandali pa ay binuksan niya ako ng pintuan at nilahad ang kamay na inabot ko naman agad.

"Thank you sir." Kumunot ang noo nito pero isinawalang bahala nalang niya.

Nauna akong pumasok ng garden area namin para hanapin si mommy na nahanap ko naman agad.

Masaya akong nag lakad papunta sa kung saan sila mommy habang naka hawak ako sa kamay ni Luis.

"Mommy!" Tawag pansin ko dito na siyang kina lingunan nila mommy at ate.

"Cally!" Masayang bati ni mommy at niyakap ako.

"I want you to meet someone mommy." Masayang saad ko sabay hila kay Luis na parang tuod ngayon na naka tayo dahil ata sa nerbyos. 

"This is Kaizer Luis Santiago and guess what!?" Excited na tanong ko kila mommy and daddy. "He's my bo—"

"Of course I know him Cally! He's your Ate's Fiancee!" F-Fiancee? wait hindi ko maintindihan boyfriend ko siya hindi fiancee ni ate!

Naguguluhan kong tinignan si mommy at daddy na nakangiti ngayon, hinila ko paharap sakin si Kaizer na blanco ang ekpresyon na nakatingin sa'kin.

"E-Ehem guys! Good evening first of all I want to thank everyone who attend my birthday party slash engagement party!" Nakangiti itong naka tingin samin ng makita niya ako ay iniwasan niya agad ng tingin at ngumiti sa harapan.

"I want you to meet Kaizer Luis my fiancee and also the daddy of my unborn child." Kanina fiancee ngayon namam buntis siya? H-Hindi ko na maintindihan ito lahat!

Pumunta kami dito para ipakilala siya bilang boyfriend ko hindi bang fiancee at ama ng pinagbubuntis ni ate! Wala sa sariling tinignan ko ang kamay ni Luis kung may singsing ba talaga.

Loving The Badboy (Badboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon