[ FALLING TO PIECES ]
Umupo sa bakanteng upuan si Beatrice.
"Ngayon alam ko na. Malinaw na sa akin. K-ung bakit merong mag ex na hindi pwedeng maging kaibigan. K-asi..kasi...one of them cannot accept na hanggang friends na lang sila. J-ust..like me. " Sabi niya habang walang tigil pa din yung luha niya.
Third year college na siya, akala niya magiging matatag yung relasyon nila. Akala niya siya na. Akala niya hanggang sa huli sila. Pero...puro lang pala akala ang lahat. Hindi niya naisip na darating yung time na magsasawa ang isa sa kanila.
Lumingon siya sa cafeteria. Nakita niya doon si Ian kasama ang barkada niyang lalaki at kasama si Hayley. Bakit hindi niya naisip na baka...baka hindi lang bestfriend yung turing ni Ian kay Hayley. Tumawa siya nang mapakla. Naisip niya na nagmahal lang siya naging manhid na din siya sa kanyang paligid.
"B-akit ganun kadali sa kanya na kalimutan yung pinagsamahan namin? Tsk! " bulong niya sa sarili niya. Nagulat nalang siya nang may lalaking nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam kung matatawa siya o hindi. Kasi yung lalaki nakaearphone na nga rinig na rinig pa din niya yung kanta.
Naisip niya buti pa yung lalaking katabi niya mukhang walang pinoproblema. Parang siya dati..noong hindi pa niya kilala si Ian. Ang tumatakbo lang sa isip niya ay mag-aral, makipagbonding sa mga kaibigan niya, at mag online sa social media accounts niya.
Kahit na nagmumukhang tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa 'yo
Heto pa rin ako
Halos baliw sa 'yoMas lalong tumulo yung luha niya habang nakikinig sa kanta. Parang ginawa yung kanta para sa kanya. Bakit nga ba nagkagusto siya kay Ian madami namang ibang lalaki?
Kahit na (kahit na)
Niloloko mo lang ako (niloloko mo ako)
Kahit na tumingin ka sa iba
Magmahal ka ng iba
Magbubulag-bulagan ako
Masakit man ito dito sa puso
Ramdam na ramdam niya yung bawat lyrics ng kanta habang hindi niya napapalampas ng tingin niya yung kasiyahan na nangyayari sa kabilang table. Nakita niya doon na magkayakap sina Hayley at ang ex boyfriend niya. At rinig na rinig niya yung kantyawan ng barkada nang lalaki. Masakit sa kanya kasi gustong-gusto ng mga barkada ng lalaki si Hayley mula umpisa palang.
Dahil mahal
mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Hindi ako matatakot, mahihiya
Anuman ang sabihin nila
Dahil mahal kita
Dahil mahal
mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Gagawin ko ang lahat
Pangako mo lang 'di ako iiwan
Dahil mahal (dahil mahal kita)
Mahal na mahal kitaBakit nga ba mahal na mahal niya pa din yung ex niya? For six years, alam niya na totoo yung nararamdaman niya sa lalaki. Nangarap siya na makasama ito in the future at bubuo ng isang pamilya. Pero..hindi pa din niya matanggap na dahil sa spark na yan gumuho yung pangarap niya.
Gagawin ko ang lahat
Pangako mo lang 'di ako iiwan
Dahil mahal (dahil mahal kita)
Mahal na mahal kitaWala siyang pakialam kung madaming nakatingin sa kanya. Napansin niya rin na tumingin si Hayley sa kanya at nakita niya yung awa sa mukha nito. Awa nga ba? Kasi kung alam niyang nasasaktan pa siya, sana inintindi niya muna ang pakiramdam niya. Sariwa pa ang sakit ng break-up nila tapos makikita niyang masaya si Ian kasama ang ibang babae. Samantalang si Ian, nag-iwas lang ng tingin. Iniisip niya kung totoo ba talaga na minahal siya ni Ian? Nagulat si Beatrice nang yinakap siya nang lalaki na nasa tabi niya kaya mas lalo siyang umiyak. Na siguro naaawa yung mga nakakakita sa kanya kasama na din yung lalaking katabi niya.
"Cry and forget him." Sabi ng lalaki. Dahil sa sinabi niya nagawa niyang ibuhos lahat ng nararamdaman niya.
Ilang minuto ang lumipas nang humiwalay siya sa lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan na isipin na masyado bang halata na kakagaling niya lang sa break-up? Namamaga yung mata niya dahil sa pag-iyak nito. Bakit kasi hindi siya nakapaghanda para hindi siya nagmukhang kaawa-awa dito?
"Thank you." Bulong ni Beatrice. Nahihiya siya sa katabi niyang lalaki kasi hindi pa man din niya nakikilala ito ay nagawa niyang masaksihan yung weak side niya.
Hindi nakatingin yung lalaki sa kanya sa halip sa langit siya nakatingin. Naalis na din nito yung earphones niya at pinatay yung mp3 nito.
"Bakit ganyan kayong mga babae.?"
"Huh?"
"Kami kasing lalaki kapag nakipagbreak yung babae sa amin Hindi kami ganyan. Mas gusto naming ibuhos sa inuman kaysa sa pag-iyak. Mas maganda na maging cool after break-up kesa maging emotional. Atleast...hindi mo maipapakita sa kanila na nagawa kanilang saktan. Na sobrang epekto ang nagagawa nila sayo." Sabi nang lalaki sa tabi niya.
Hindi niya masyadong maprocess ang lahat pero isa lang ang nasa isip niya..na iyong katabi niyang lalaki gusto na magpakatatag ito. At wag maging dahilan ang break up para masira ang buhay niya pero..paano?
Bago pa siya makapagtanong nakaalis na yung lalaki na may iniwang papel sa table.
"Smile. You look ugly when you cry." Yan ang nakasulat kaya ngumiti si beatrice.
"Mas matatag kasi kayong mga lalaki kesa sa aming babae." Bulong niya.
Tinago niya yung papel sa bag niya at saka pumasok sa susunod na klase niya.
---
AN: thank you sa lahat na magbabasa ng story ko. Sana magustuhan niyo! 🍬🍬😇
BINABASA MO ANG
Fool in love
Short StoryDumating na ba yung point na magpakababa ka para lang sa mahal mo.? Na kahit ilang beses ka niyang ipagtulakan at ipamukha na kahit kelan hindi ka niya minahal hindi nabawasan ang pagmamahal mo sa kanya.?