Nagbukas ako ng facebook pagkatapos kong gumawa ng assignment sa finance. Pero..wala na ba akong natirang kakampi. Pati social media sila ang laman nito. Ako naman si Martir nagawa ko pang tignan yung mga pictures nila."Ang tanga tanga ko! Hindi pa ba sapat ang nakita mo?" Bulong ko sabay batok sa sarili.
Pumunta ako sa wall nila. Napansin ko na nagpalit sila ng status. Nakita ko na nga bakit kelangan ko pang pumunta dito. Tsk! Tinignan ko yung albums ni Ian sa facebook. Laking gulat ko na lahat ng albums na magkasama kami nadelete niya na. Ilang beses akong nagmura sa kwarto. Ang dali-dali sa kanyang palitan at kalimutan ako pero ako..nagagawa ko pang i-stalk ang fb niya.
"I'm so pathetic."
Sabihin niyo man na bitter ako pero aaminin ko na hinihiling ko na sana magbreak din sila. Na sana maramdaman din ni Hayley lahat ng nararamdaman ko. Alam kong masama itong iniiisip ko pero hindi niyo naman ako masisisi di ba? Nasaktan ako at patuloy na nasasaktan kasi nagmahal ako ng lalaking kahit kelan hindi ako nagawang tignan tulad ng gusto ko.
Blinock ko silang pareho. Kahit sa facebook hindi nila deserve na maging friends ko sila. Alam ni Hayley na kakabreak lang namin, sana inisip niya na nasasaktan pa ako. Sana inisip man niya yung nararamdaman ko. Babae din siya, sana nirespeto muna nila ako bago sila magligawan o bago maging sila.
I cut my long curly hair.I need to change. Ilang taon kong pinatili yung mahaba at kulot kong buhok dahil kay Ian. Sabi niya kasi mas bagay sa akin iyon pero now..now that he's not my boyfriend anymore I can do whatever I want.
***
Kinaumamahanan pumunta ako sa kalapit na salon. Pinastraight ko yung buhok ko na shoulder length bago ako pumasok.
Pagdating ko sa school pumasok agad ako sa mga klase ko. Tuwing vacant ko naman pumupunta ako sa library. Mabilis natapos lahat ng klase ko at nagawa ko silang iwasan. Pero bakit parang malungkot pa din ako? Nagawa ko yung isang araw na hindi sila nakikita di ba dapat masaya ako?
"Malungkot ka kasi hindi mo siya nakita. Malungkot ka kasi hindi mo siya kasabay kumain at umuwi. Malungkot ka dahil miss na miss mo na siya. Na kahit wala siyang ginawa kundi saktan ka..andiyan pa din siya sa puso mo." Sagot ko sa sarili kong mga tanong.
Papalabas na ako ng school nang nahagip ng mga mata ko yung lalaking nagcomfort sa akin na nakatingin ngayon sa akin. At gaya ng nangyari kahapon lumapit siya sa akin. Pinitik niya yung noo ko at saka pumantay sa akin.
"Bilib din ako sayo."
"B-akit.?"
"Bakit kelangan ikaw ang umiwas? Sila dapat ang umiiwas sa'yo kasi sila ang nanakit nang kapwa nila. Pero ikaw, ikaw ang nasaktan kaya dapat ipakita mo sa kanila na hindi ka naaapektuhan. Sila ang nang gago kaya dapat sila ang mahiya sa'yo." Sabi niya at iniwan akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
Fool in love
Short StoryDumating na ba yung point na magpakababa ka para lang sa mahal mo.? Na kahit ilang beses ka niyang ipagtulakan at ipamukha na kahit kelan hindi ka niya minahal hindi nabawasan ang pagmamahal mo sa kanya.?