Prologue

104 4 0
                                    

[ BREAK-UP ]

Almost Six years na naging kayo, paano kung dumating yung punto na magsawa ang isa sa inyo? Ipaglalaban mo pa ba ang relasyon niyo? Kung ikaw na lang ang nagmamahal.




"Reason? Atleast bigyan mo naman ako nang rason. Kahit isa..isa lang." Iyak ng iyak na sabi ni Beatrice sa kasintahan niyang si Ian. Isa-isang tinatanggal ni Ian ang pagkakayakap ni Beatrice sa kanya.



"I don't know!" Sigaw ni Ian.


"Y-ou dont't know? Shit! Six years Ian! Six years..hahayaan mo bang masira ang pinagsamahan natin?" Nang gagalaiti na sigaw ni Beatrice. Wala siyang pakialam kung may makarinig man sa kanya. Ang importante, mailabas niya yung nararamdaman niya,



"W-ala nang spark sa relasyon natin. Hindi mo ba nakikita?"



"Shit na spark na yan! Hindi tayo posporo para magkaroon ng spark! Hindi pa ba sapat na mahal natin ang isa't isa.?" Tanong nito kay Ian habang nakatingin sa kanya. Hindi makasagot si Ian sa kanya.



Binasag lahat ni Beatrice lahat ng gamit sa sala sa bahay ni Ian. Naiinis siya. Nasasaktan kung bakit ganun kadali sa lalaki na iwan siya. Hindi ba siya minahal nito na para siyang basahan na iiwan basta-basta. Oo alam naman niya na hindi sila parehas ng estado ng buhay ni Ian pero..naramdaman niya na mahal siya nito. At mahal na mahal niya ang lalaki at ayaw niya nang pakawalan pa ito. Nasarado ang buhay niya nang naging sila. Gusto kasi ni Ian na sa kanya kang ang mga oras nito. Nawala yung oras para sa mga kaibigan niya at nabawasan ang oras niya sa magulang niya.



"Hindi mo ba ako mahal!? May iba na ba?" Sigaw ni Beatrice sa lalaki. Walang tigil ang luha niya. Ito ang unang beses na umiyak siya nang ganito nang dahil sa kanya.


Nagulat siya nang yakapin siya ni Ian. Sobrang higpit. Ayaw niyang sukuan yung relasyon nila. Alam niya na pagsubok lang ito. "Let's break up." Bulong ni Ian sa kanya.





Parang nanikip ang dibdib niya sa narinig niya. Hindi niya alam na darating yung oras na mangyayari ito.



"Tell me..why? B-akit..natitiis mo akong makitang umiyak? Let's this work out our relationship. B-aka pwede pang ayusin. B-aka bumalik yung samahan natin. B-aka bumalik yung..spark na hinahanap mo. B-aka pwede pang ayusin ang lahat, wag ganito. W-ag tayong magsakitan. Pwede namang hindi umabot sa break up."



"Buo na ang desisyon ko Bea. I want out of this relationship." Nang dahil sa narinig niya bumuhos pa lalo ang mga luha niya. Halos mapunit yung damit ni Ian dahil sa higpit na pagkakahawak nito. Paano siya? Hindi niya alam kung paano magsisimula kung wala si Ian.







"Ang selfish selfish mo! P-aano ako? A-ko lang ba ang may gusto na ayusin ang relasyon na ito?" Panay ang suntok nito Kay Ian. Alam niya na kahit ilang suntok ang gawin niya hindi na babalik ang dati. At alam niya na doble ang sakit na nararamdaman niya. Paano niya nakayang makipag break sa kanya. Ni hindi niya nakitang umiyak ito! Siya lang ba ang nagmamahal?

Fool in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon