“Sino ba naman ako para piliin?”Umiiyak kong tanong sa sarili ko. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung paano nakatulog.
Ayukong lumabas. Ayukong makita ang mukha niya.
“Sowa‚”Napalingon ako sa pintuan nang tinawag niya ang pangalan ko. “Sowa, gising kana? ”Mahinahong tanong niya pero di ko siya sinagot. Bahala siya.
Nahiga ulit ako sa kama at tinakpan ang taynga ko ng unan. Ayukong marinig ang boses niya.
Ilang oras ako sa kwarto kaya naisipan kong lumabas. Akala ko wala na siya pero nang pumunta ako sa sala‚ nasilayan ko siya na nagdidilig ng halaman sa garden.
“Bakit kaya hindi pa siya pumunta sa trabaho? ”Bulong ko. Napaisip naman ako kung anong kinain niya at naisipan niyang magdilig ng halaman.
DYLAN LEX POV;
Nang matapos akong magdilig ng mga bulaklak, inayos ko ang dahon ng bulaklak. Mahilig kasi si Sowa ng bulaklak.
“Anong nakain mo? ”Napalingon ako kay Sowa, may coffee sa kamay niya at nakataas ang kaliwang kilay niya. Anong problema niya? Yung mata niya nangingitim.
“Ahm‚ inayos ko lang itong bulaklak mo. ” Lumapit ako sakanya at tinitigan ang mata niya. “Anong nangyari sa mata mo? ”binaba niya ang tingin niya at nagmasid.
“Ahm, Dika pumasok sa trabaho? ”
“Hindi. Pupunta dito sina Lolo, Mom, at Dad.”tumango tango siya. “H’wag ka puro tango, Sowa. Ayusin mo yang sarili mo. Pupunta sila dito. Tignan mo nga yang sarili mo, baka sabihin nilang anong ginawa ko sayo at mapagalitan pako. ” inis kong sabi.
Nilagpasan ko siya para ayusin narin ang sarili ko. Ewan ko ba, sa twing nakikita ko ang pagmumukha ng babaeng yon, naiinis ako. Para kasi siyang bata kung umasta. Kung si Cathy nalang ang kinasal sakin‚ di sana ganito.
Malapit nakong mag propose non kay Cathy, kaso bigla siyang dumating. Kahit walang kami ni Cathy, alam na alam ko naman na mahal niya rin ako kasi siya na yung laging nasa tabi ko.
ARIZEL SOWA POV;
Kaya pala nag babait baitan kasi papunta dito sina Tita. Hayy, heto nanaman ako. Magpapanggap nanaman ako. Okay lang yan. Kaya pa naman.
Tumayo ako sa harap ng salamin at tinignan ang itsura ko. Kailangan blooming na blooming ako ngayon para sabihin nilang naalagaan ako ng mabuti ng asawa ko. Kailangan kong maging matatag at matapang.
“Ang ganda mo, Sowa. ”Pagpupuri ko sa sarili habang nag aayos sa harap ng salamin. Hindi naman ako sasabihan ng maganda ako ni Dyx kasi si Cathy ang maganda sa paningin niya.
___
Pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Dyx naka upo sa sofa habang may kung anong sinisearch sa laptop. Naka T-shirt at naka pants. Ang gwapo talaga ng asawa ko kaso pangit naman ang ugali nito.Lumapit ako at sinipa ang kaliwang paa niya. Nakaangat siya ng tingin.
“Ano bang problema mo? ”Naiirita niyang tanong. Inagaw ko ang laptop. “Hoy! Ano bang problema mo huh?! ”
“Nasaan yung wedding ring? ”Binaba niya ang tingin niya sa kamay niya. “Sabi mo, pupunta sina Tita dito tapos wala ang wedding ring mo? ”
“Oo na. Kukunin ko na. ” irita siyang tumayo at naglakad pa taas sa kwarto niya.
Nang may doorbell‚inayos ko ang sarili ko at handa na sa pag-arte tsaka ko binuksan ang pinto. At walang iba kundi ang pamilya ni Dyx.
“Tita‚pasok po kayo. ”Magalang na sabi ko at tinulungan siya sa bitbit niya. Sumunod naman Lolo at Dad niya. “Ilagay niyo nalang po dyan ako na ang mag-aayos. ”
BINABASA MO ANG
MY HANDSOME HUSBAND
Short Story"MY HANDSOME HUSBAND" Si Arizel Sowa Hades,isang babae na pinakasal sa lalaking kailan man hindi siya nagustuhan. Pinagkasunduan ng mga magulang nila na ikasal sila kahit labag sa kalooban. Ang akala ni Sowa kung ikakasal na siya, magiging maayos at...