CHAPTER 5

45 3 0
                                    

𝐀𝐑𝐈𝐙𝐄𝐋 𝐒𝐎𝐖𝐀 𝐏𝐎𝐕;

Nang magising ako,kaagad akong bumaba at hinanap ng mata ko si Dyx.

“My hinahanap ka? ”napalingon ako nang marinig ko ang boses niya. Naka upo siya sa sofa habang umiinom ng Coffee.

𝘈𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘪𝘴𝘴 𝘬𝘪𝘵𝘢?

Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang sarili ko na yakapin siya. Na miss ko siya. Nginitian ko siya at lumapit sakanya.

“May galit ka ba sa’kin? ”tanong niya ang ikinakunot ng noo ko. Binaba niya ang tingin sa kamao ko. “May balak ka bang suntukin ako? ”natawa siya ng mahina. Itinago ko ang kamay ko sa likod ko sa hiya.

𝘉𝘢𝘭𝘪𝘸 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘚𝘰𝘸𝘢‚

“Ahm‚kailan kapa naka uwi? ”tanong ko. Tinaasan niya naman ako ng kaliwang kilay. “Ang tagal mo kasing di umuwi. ”

“Dalawang araw lang naman. ”inalis niya ang tingin sakin. Yung mata niya mukhang hindi siya nakatulog ng maayos.

𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘣𝘢 𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘢𝘣𝘢𝘩𝘰?

Umupo ako sa tabi niya. Napatingin naman siya sakin. Tinitigan ko ang mukha niya.

“Alam mo bang hinintay kita? ”wala sa sariling tanong ko. Tinignan niya ako ng ilang segundo bago inilipat ang tingin sa baso niya.

𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘯?

Napairap ako. Kung ano ano nalang talaga ang lumalabas sa bibig ko.

“Na miss mo ba ako? ”agad akong napalingon sakanya at saktong nagtama ang paningin namin. Napalunok ako at hind alam ang isasagot.

𝘖𝘰. 𝘕𝘢 𝘮𝘪𝘴𝘴 𝘬𝘪𝘵𝘢.

“Hell no! ”tanggi ko at tumayo. Natawa naman siya sa inasta ko.𝘔𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢 𝘣𝘢 𝘳𝘰𝘯? Napa irap nalang ako. “Btw may pupuntahan akong birthday party. ”agad namang nawala ang ngiti niya.

Well‚wala na naman siyang paki.

“Kailan? ”

“Birthday ni Maya. Sa darating na Monday.”

“Friday pa naman ngayon. ”anya at iniangat ang tingin sakin.

“Nag papaalam lang ako baka hindi ka nanaman maka uwi dito ng ilang araw at hindi ako makapag paalam tas pagdating mo dito wala ako. ”paliwanag ko.

“Hindi naman—”

“Alam kong hindi mo naman ako hahanapin pero baka magtanong sayo magulang mo at hanapin ako. ”pagtutuloy ko sa sasabihin niya. Napaawang naman siya ng labi.

𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘥𝘰𝘯?

Inalis niya ang tingin sakin. “Well, tama ka. Hindi naman kita hahanapin. ”

𝘚𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘰𝘯.

Tumayo siya at nilagpasan ako.

“Kung alam mo lang na naghintay ako ng matagal sayo. Nag alala ako sayo. Na miss kita. ”pabulong ko sa sarili ko.

“I missed you too. ”napalingon ako sa likod ko. Agad nanlaki ang mata ko nang makita siya. Hindi papala siya nakaka alis. Nakangisi siya.

“H-huh? ”nauutal kong tanong.

MY HANDSOME HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon