Prologue

169 10 0
                                    

Disclaimer

This is a work of fan fiction using characters from Maria Clara at Ibarra, a series of GMA Drama, which is directed by Zig Dulay and written by Suzette Doctolero, J-mee Katanyag, Brylle Tabora, Benson Logronio, Melchor Escarcha, and Zita Garganera. With Rosie Lyn M. Atienza as the Executive Producer and Aloy Adlawan as the Producing Director.

*****


Ang Pagtakas

Ang Proyektong Malaya ay pwede sa lahat. Ngunit hindi lahat ay nangangahulugang makakamtan ito nang sapat.

Paglipas ng ilang buwan matapos ang pagbabalik ni Fidel, hindi inaakala ng lahat na hahantong ito sa madugong labanan.

"Hanapin niyo sila!"

Nang marinig ito ng lalaki, nagtago siya sa ilalim ng mesa sa isang opisina. Iniisip niya ang kanyang susunod na gagawin sapagkat gusto niyang makita ang kanyang pinakamamahal. Hindi namalayan ng ginoo na nakita siya ng isa sa mga kalaban at tinutukan siya ng baril.

 Hindi namalayan ng ginoo na nakita siya ng isa sa mga kalaban at tinutukan siya ng baril

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nasaan ang libro?" Tanong ng kalaban at humarap sa kanya ang ginoo. "Hindi ko alam." Sagot niya. Habang kinakausap niya ang kalaban, narinig na lamang ng mga iba pang kalaban sa malapit sa kanila ang pagputok ng baril. "Dito. Dali!" Patakbo silang pumunta sa opisina at nakita na lamang nilang walang buhay ang kanilang kasama dahil binaril pala siya ng lalaki kanina.

 Dali!" Patakbo silang pumunta sa opisina at nakita na lamang nilang walang buhay ang kanilang kasama dahil binaril pala siya ng lalaki kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malalim na ang gabi at patuloy na hinahanap ng lalaki ang labasan ng abandonadong gusali. Tumatakbo siya sapagkat hinahabol pa rin siya ng mga kalaban. Pagliko niya sa kaliwa, bumungad sa kanya ang isang elevator at hindi siya nagdalawang isip na gamitin ito upang makaalis sa ilalim na bahagi ng gusali. Hindi naabutan ng mga kalaban ang lalaki kaya nagmadali silang gamitin ang hagdan sa emergency exit.

Nang makarating sila sa ground floor, inabangan nilang magbukas ang pinto ng elevator ngunit walang laman ito. Sisilip sana ang tatlong kalaban pero laking gulat nila nang lumitaw ang parehong lalaking nakaitim at sinipa ang isa sa kanila bago siya mabaril nito. Nakipag-agawan siya sa isa ng baril at binaril niya ang isang lalaki bago niya binaril ang kaagawan niya. Pagkatapos nito, narinig niya ang mga kasamahan ng tatlo kaya siya ay tumakbong muli upang makalabas ng gusali.

 Pagkatapos nito, narinig niya ang mga kasamahan ng tatlo kaya siya ay tumakbong muli upang makalabas ng gusali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Samantala, nag-aabang sa labas ang ilang grupo ng P.I.C.A. na hindi pumasok sa loob. Nakita nila ang lalaking kalalabas lang ng gusali at tinutukan siya ng baril.

"Hold your fire."

Narinig ito ng mga ahente sa kanilang earpiece kaya hindi sila nagpaputok ng baril at kasabay naman nito ang pagtaas ng kamay ng lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa kanyang kaliwa at nakita niya sina Klay. Napatingin si Klay sa kanilang likod at napasigaw siya.

 Napatingin si Klay sa kanilang likod at napasigaw siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Fidel!"

Lalapit sana ang lalaki ngunit kasabay nito ang pagputok ng nga baril mula sa kalaban at maging sa mga ahente ng P.I.C.A. sa magkabilang daan. Hindi makasilip si Klay sapagkat patuloy pa ring naglalaban ang dalawang panig. Nang matapos ang palitan ng putok ng baril, napatingin si Klay sa lalaking nasa gitna ng laban ngunit ang lalaking ito'y nakahandusay na sa daan. Napatingin ang lalaki sa mga bituin at napaluha sapagkat nararamdaman niyang hanggang dito na lamang siya.

Tumakbo sina Klay papalapit sa kanya at buong lakas niyang inabot ang kanyang sulat na nasa loob ng kanyang bulsa sa binibini. Makikita sa papel na ito kung para kanino ang sulat.

Para sa aking pinakamamahal.

Naluha si Klay nang makita niya ang huling sandali ng ginoo sa mundong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naluha si Klay nang makita niya ang huling sandali ng ginoo sa mundong ito. Ngumiti si Klay at hinawakan ang kamay ng lalaki hanggang sa huling paghinga nito.

"Hanggang sa muli." Wika ni Klay at namatay na ang lalaki.

Ang kalayaang kanilang nakamtam ay pawang may kapalit, ngunit ano nga ba ang nangyari't humantong sila rito?

Ating tuklasin ang mga nangyari sa nagdaang buwan.

Tinatangi: Proyektong Malaya (FiLay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon