2: Handang Makinig

91 7 23
                                    

"Anak!"

"Kuya Fidel!"

Sinalubong ni Narcisa at Elias si Fidel na may kasamang yakap at ngiti. Nagulat ang ginoo sa ginawa nila. Ramdam ng mag-ina na tila ibang tao ang kaharap nila ngayon. Bibitaw na sana sila sa yakap pero bigla silang niyakap ni Fidel at ikinatuwa nila ito. Napangiti si Klay dahil nakita niya ang ginawa ni Fidel.

 Napangiti si Klay dahil nakita niya ang ginawa ni Fidel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma, tara." Lumabas si Klay at tumingin si Narcisa sa dalawa. "Elias, ikaw muna bahala kay kuya Fidel mo." Wika ni Narcisa at sumunod sa kanyang anak. Ramdam niya na masaya si Klay dahil nandito si Fidel ngunit batid din niya ang kalungkutan ng kanyang anak. Tahimik lamang silang nakaupo hanggang sa nagsalita na si Klay.

"Sana madali na lang i-explain, ma. Gusto ko nang i-share sa'yo lahat pero ang hirap." Wika ni Klay habang nakatingin sa malayo. Ngumiti si Narcisa at tumango nang dahan-dahan. "Kung gusto mong ilabas yan, gawin mo. Okay lang kahit hindi ko maintindihan." Wika ni Narcisa. Hindi na napigilan ni Klay ang kanyang damdamin. Umiyak siya nang tahimik at hindi magawang makapagsalita. Hinimas ni Narcisa ang kanyang likod upang siya'y kumalma.

"Nandyan nga si Fidel pero parang ibang tao yung kaharap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nandyan nga si Fidel pero parang ibang tao yung kaharap ko..." Mas lalong naiyak si Klay habang binabanggit ito. "Lumaban ako... Umasa ako kahit alam kong ganito na yung magiging outcome... Kaso ang hirap, ma. Ang sakit na hindi niya ako kilala!" Humagulgol si Klay at dito na siya niyakap ng kanyang ina.

Samantala, nakaupo sa sala sina Fidel at Elias habang sila ay nakahalukipkip. Nakatingin lamang sila sa isa't-isa nang pinanliitan ni Elias ng mata ang kanyang kuya Fidel. "Hindi ka si kuya Fidel." Wika ni Elias at kumunot ang noo ni Fidel. "Bata... Elias... Ako nga si Fidel! Ilang beses kong uulitin sa'yo ang bagay na ito?" Tanong ni Fidel at sinimangutan siya ng bata. "Kung ikaw si kuya, bakit nakalimutan mo yung bilin mo sa akin para kay ate?" Tanong ni Elias at napabuntong hininga si Fidel.

 "Kung ikaw si kuya, bakit nakalimutan mo yung bilin mo sa akin para kay ate?" Tanong ni Elias at napabuntong hininga si Fidel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tinatangi: Proyektong Malaya (FiLay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon