Sixty-one

60 2 0
                                    

10:02 AM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

10:02 AM

Charles Michael:
Tristan!

Ikaw nga kumausap kay Avery.


Tristan Dave:
Para saan?


Joseph:
ABM students na lang kulang natin sa survey.

Kaso itong si Charles, nagyabang kasi.


Thomas:
Hahahaha. Barado kay Chloe, eh.


Charles Michael:
Malay ko bang allergic 'yon sa gwapo.


Thomas:
Kaya ka nababara, eh. Hahahaha


Tristan Dave:
Bakit ibibigay pa kila Avery? Pwede naman ipamigay na lang natin sa tapat ng building nila. Kahit sino na lang doon, kung sino ang dadaan.


Joseph:
Kaso, pre, kailangan natin ng matinong sagot. Tignan mo nga halos mga sagot ng ibang STEM, parang mema sagot lang.


Tristan Dave:Eh, bakit sa kanila pa?


Joseph:
Bakit may close ka pa bang ibang ABM?

Don't tell me, barado ka rin kay Avery?


Tristan Dave:
Asa.


Charles Michael:
Aba, ang yabang.


Tristan Dave:
Ano ba ang sinabi ni Chloe sa kaniya?


Charles Michael:
Ayaw ko na maalala, pre. Ang gwapo kong 'to. Ikukumpara ako sa bubuyog.


Thomas:
Pfft. Hahahaha natatawa pa rin ako kapag naaalala ko.

Ang pangit kasi ng bungad mo, Charles.

Paano, sinabihan ba naman siya ni Chloe na palitan na raw ni Charles si Jollibee, at masyado na raw siyang bida-bida hahahahaha tang ina.


Charles Michael:
Ulol.

Read 10:33 AM 

Look at Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now