BAKIT

119 4 0
                                    

11.12.06


Bakit ganun ang nangyari?

tulad pa rin ng dati.

Hindi mo pa rin mapansin,

itong aking kinikimkim.



Masakit isipin,

mahirap intindihin.

Itong aking damdamin,

na nagpapahirap sa akin.



Bakit di mo makita,

ang aking nadarama?

Bawat tumutulong luha,

tanging lungkot sa aking mukha.



Alam ko na kung bakit,

ang puno't dulo nitong sakit.

Mahal na mahal yata kita,

di mo lang kasi nakikita.

Highschool FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon