SAYANG

55 1 0
                                    

11.23.06


Nang makita kita,

ako'y biglang sumaya.

Di ko maipakita,

tamis ng aking tawa.


Ikaw ay naiiba,

sa lahat ng nakilala.

Iba ka talaga,

wala ng hihigit pa.


Wag sanang huminto,

ikot nitong mundo.

Ayaw ko sanang malaman mo,

pero di na kaya ng puso ko!


Sasabihin ko na sana,

na mahal talaga kita.

Ayokong umasa,

wag na lang pala.

Highschool FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon