SIKRETO

16 0 0
                                    

03.30.08

Nang ako'y magkagusto sayo,

pinilit ko itong itago.

Takot na takot ako,

baka kasi malaman mo!

Masaya ako kapag andyan ka,

lagi mo pa ako napapatawa.

Ewan ko nga ba,

pero ang sarap mong kasama.

Noong sinabi ko sa kanila ang crush ko,

buti hindi mo ko kinulit kung sino.

Kinabahan talaga ako sayo,

muntikan mo pa akong mabisto.

Bakit mo kailangang sabihin iyon?

Sumabog ang puso ko doon!

Dapat di ako umamin sayo ng ganun,

'yan tuloy at iniiwasan mo na ako ngayon.

Highschool FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon