BAGONG PAGSUBOK

17 1 1
                                    

06.28.07

Nang makita kita, parang may iba?

Ewan ko nga ba, gusto kitang makilala!

Nais kitang kausapin, pero di mo ako pinapansin..

Di naman kita pipilitin, kung ayaw mo sa akin..

Nagkatext tayo, pero wala lang ito..

Mahalaga din pala ito, para sa isang tulad mo..

Naging close tayo, kaya masaya ako..

Iba ang pakikitungo mo, may ibig sabihin kaya ito?

Gusto na kita, bakit nga ba?

Marahil iba ka, at mas karapat-dapat kaysa sa kanya..

Paano ko sasabihin sayo, baka bigla kang lumayo..

Lagi kang nasa isip ko, ikaw na ata ang mahal ko..

May tawagan tayo, biruan lang kaya ito?

Para kasing wala lang sayo, kapag nagkikita tayo..

Seryoso na ako, sa pagmamahal sayo..

Ang bilis nga ano, di ko alam kung paano..

Ayaw ko masaktan, tulad noong nakaraan..

Sana ako ay sabihan, para di na masaktan..

Sana'y sumaya ako, sa pagpili sayo..

Di man maging tayo, napasaya mo naman ako..

Highschool FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon