Mafia's Doctor; Moments II

354 12 0
                                    

Nadia's POV;

"Paano na pala ang kumpanya mo sa Manila? Sino ang nagpapatakbo doon?" pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa. Bigla ko lang din 'yon naisip dahil naalala kong hindi din pala siya isang Mafia Boss at may pinapatakbo ding kumpanya. Flexible naman ang schedule ng CEO pero kinakailangan pa din sila doon.

"Don't worry, nagawan ko naman ng paraan. Remember the vacation you signed months ago?" Naalala ko naman ang pag-pasok ko sa kumpanya niya bilang temporary secretary at dala ng stress pinermahan ko kaagad 'yon dahil sa salitang bakasyon, doon ko lang naalala na si Jake dapat ang magpi-pirma at hindi ako. Tumango naman ako sa kaniya.

"Everyone is in vacation right now and I gave them 3 weeks and also I have a stockholders. They are also the owner of the company." malambing niyang saad. Tumungo naman ako at sinubukang alisin ang kamay nitong nakalagay sa bewang ko pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak. Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay sa malambing nitong boses at ang tingin nito sa akin na para bang mahal ako nito.

"Action speaks louder, baby." out of nowhere narinig ko ang boses ni Mommy sa utak ko.

Wala sa sarili akong napangiti nang mag-flashback sa isipan ko ang mga galaw at tingin ni Jake sa akin. Pero paano kung ganyan din siya sa iba? Ngumiwi naman ako at sinamaan ng tingin ang kamay ni Jake sa bewang ko. Edi bwisit siya! Pa-fall!

"We are here." anunsyo nito. Inangat ko ang tingin ko at umuwang ang labi ko sa ganda. Ginanap ang pa-ilaw sa malawak na espasyo ng Munisipyo at ang dating daanan papuntang National High Way ay napuno ng mga tinda ng iba't ibang klase ng pagkain katulad na lang ng takoyaki, burger, fries, street food, at kung ano ano pa na tatangkilikin ng mga bisita.

Mas lalo akong namangha ng pumasok kami sa entrance dahil sa parang nasa China kami dahil sa disenyo ng ilaw nila dito sa entrance na nakakabit sa gilid at taas. Nilibot ko ang tingin ko at pumukaw naman sa paningin ko ang malaking Christmas tree na nasa gilid mismo ng Munisipyo. Doon naman nag-sink in sa akin na ilang araw na lang ay pasko na.

Sa gilid naman ng Christmas tree ay mga tulips at ang mga parol na contest ng mga barangay. Mukhang ito ang mga nanalo sa pa-contest. Sa tapat naman ng Munisipyo ay ang auditorium at nakasabit din dito ang iba pang parol ng ibang barangay. Sa gilid naman nito ay ang puno na pinalibutan lang ng Christmas lights, hindi masyadong masakit sa mata.

Sa tabi naman ay ang kweba na gawa sa Christmas lights at may upuan sa gitna. Sa gilid ay ang iba't ibang kulay ng tulips at may upuan sa likod na may background ng "Bambang". Maraming tao ang naririto at ang daming kumukuha ng litrato sa bawat sulok ng pa-ilaw ng Munisipyo.

Hindi ko pinapansin si Jake sa tabi ko dahil masyado akong namamangha kung paano nila dinesenyo ang lugar. Simple lang at hindi masyadong masakit sa mata. Maraming kumukuha ng litrato sa lampposts na pinag-gi-gitnaan ng tulips at ng kwebang gawa sa Christmas lights.

Pinisil ni Jake ang bewang ko nang mapansin nitong napatagal ang tingin ko sa lalaking nagp-pose dahil isa ito sa kinukuhanan ng litrato ng pamilya nito. Inangat ko ang tingin dito at nakita itong madilim ang mukha habang masama ang tingin sa inosenteng lalaki. Umiling na lang ako at hinawakan ang laylayan ng T-shirt nito.

Tiningnan ako nito na malamlam na ang mga mata. Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa abo nitong mata nang mas lalo itong tumingkad lalo na't kung titingnan parang katabi lang nito ang buwan na nasa itaas namin. Ngumiti naman ako ng matamis dito.

"Dinner na tayo?" aya ko sa kaniya. Natatakam ako sa naamoy kong pag-kain kahit na naghalo-halo na ito sa hangin. Malayo pa lang halatang masarap na. Ngumiti naman ito ng tipid at naglakad na sa gilid ng Munisipyo kung saan ang exit na nilagyan lang ng kulay blue na Christmas lights sa taas nito.

Mafia's Doctor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon