Chapter 2 *The Witch and handsome Monster*

437 14 0
                                    

NAGMAMADALI sa paglalakad si Denisse sa hallway ng isa sa mga building ng Crown State University. Pangalawang taon na niya sa kolehiyo sa kursong Fine Arts at halos dalawang taon na rin siyang single. Hindi naman talaga niya alintana ang pagkakaroon ng boyfriend o ang mapasok sa isang serious relationship, ang kanya lang naman ay wala talaga siyang oras para sa mga ito kaya kaysa pagtuunan ito na pansin, ay sa pagaaral at pamilya na lamang niya inilalaan ang kanyang oras. Kasalukuyan niyang binabasa ang isang papel na naglalaman ng kanyang schedule for the semester, nang bigla na lamang siyang nabunggo sa isang matigas na bulto, nawalan siya ng balanse sa katawan na naging dahilan upang mabitawan niya ang mga librong hawak niya, napapikit siya ngunit laking gulat niya nang maramdaman niyang may mga kamay na sumalo sa kanya. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay isang imahe ng gwapong nilalang ang bumulagta sa kanyang harapan. Natulala siya at hindi nakagalaw.

“Okay ka lang ba? I’m sorry.” Tanong sa kanya ng lalaki.

Mababasa sa mukha nito ang gulat at pag-aalala. Sadyang napakaamo ng mukha nito at hindi nakasasawang pagmasdan, may tila isang bahagi ng kanyang ala-ala ang kumukulit sa kanya na parang pamilyar ang mukha ng lalaking nasa harapan niya, ngunit habang pinagmamasdan niya ito’y mas nangibabaw pa rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Napansin niya ang pagiiba ng ekspresiyon nito, napaltan iyon ng pagtataka at bigla din naman itong nagsilay ng ngiti.

“Uhm.. okay ka lang ba miss? Hindi ka ba nakakapagsalita? Pipi ka ba?” tanong nito nang hindi pa rin umiimik si Denisse.

Natauhan na siya nang muli itong magtanong at naalala niyang hawak pa nga rin pala siya nito! kikilos na sana siya upang umalis sa ganoong posisyon nang pinangko siya nito bigla, hindi siya makakilos dahil mahigpit ang pagkakahawak sa kanya nito.

“If you don’t want to speak, Ok, I’ll just take you to the clinic to check if—Ouch!”

Sinampal niya ito na naging dahilan upang ibaba siya nito. “Hey! What’s that for?!!” tanong sa kanya ng lalaki.

Maging siya man ay nagulat sa ginawa niya rito, halatang halata sa itsura ng lalaki na nasaktan ito sa ginawa niya, wala na siyang nagawa pa kundi ang mapatitig sa mukha nito habang nakatingin ito ng matalim sa kanya pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kahit nakakunot ang noo nito ay lalo pa ata itong gumugwapo. Natigilan siya sa kanyang mga pinag-iiisip, Ano ka ba Denisse? Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip mo!. Para sa kanya’y hindi na tama ang ginawa nito lalo na’t ngayon lamang naman niya ito nakita and in fact hindi nga niya ito kilala so bakit siya magpapabuhat sa isang total stranger? Hindi porque’t Gwapo ito ay basta basta na lamang siyang papayag na buhatin nito.

“Hey! I was just trying to help here ok?—Crap! What’s the matter with you?” naiiritang sabi ng lalaki na sapo pa rin ang kaliwang pisngi na tinamaan ng sampal niya.

“You don’t need to bring me to the clinic ok? I’m FINE!!” ani niya rito.

“Nakapagsasalita ka naman pala eh!! You could have just spoken!! Hindi yung basta ka nalang mananampal!!” inis pa ding sabi sa kanya ng lalaki.

Kahit inis na inis dito ay umarte na lamang siya na bale wala sa kanya ang panunumbat nito. Pinulot na lamang niya ang mga nangalaglag niyang libro. “You can leave me now.” Nagsalita siya ng hindi man lang ito pinaraanan ng tingin.

Ilang Segundo pa ang lumipas ngunit hindi pa din ito umalis sa harap niya, batid niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Nang magpapatiuna na siya ay bigla na lamang siyang natigilan ng pigilin ng lalaki ang kanyang braso.

“Ano ba—” ani niya rito.

“Look, sa susunod, matuto kang tumingin sa dinaraanan mo ok? Para hindi na maulit ito sayo.” May kaunting pagkainis sa boses nito. “At nang hindi ka na makaabala pa sa ibang tao.”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon