Chapter 1 *new and unusual*

1.4K 20 0
                                    

“DENISSE hija! Nakahanda na ang almusal, hindi ka pa tapos riyan?”

Nag tataka ang mama ni Denisse kung bakit hindi pa ito bumababa mula sa kanyang silid. Mag aalasyete na ng umaga at iyon ang unang araw ng kanyang pasok sa school.

“Ma, sandali nalang ho, bababa na din ho ako”

Hindi pa rin makuntento si Denisse sa kanyang ayos nang umagang iyon, pabalik balik siya sa salamin upang tingnan ang suot na damit at make up niya pero sa tingin niya’y parang may kulang pa din. Hindi siya mapakali, hindi niya malaman kung ano ba talaga ang gusto niyang isuot.

“hay nako ate, tumigil ka nga nang kalalakad mo riyan at nahihilo akong panoorin ka.”

Nagulat siya nang makita niya ang kapatid na nakatayo sa likuran niya.

“Eh di wag mo kong panoorin!” Ganti niya kay Cyrus na ngayo’y nakatingin sa kanya. “Teka nga lang, paano—“

“Paano kami nalapasok dito?” sabad naman ng kakambal nitong si Cyril na nakaupo naman sa may gilid ng kama niya.

“Ate, malamang gumamit kami ng pinto.” Pamimilosopong sagot ni Cyrus.

Inisnaban na lamang niya ang mga ito at nagpatuloy sa pag aayos sa sarili. Nakakainis talaga ang dalawa niyang kapatid na iyon plus the fact na magkamuka ang mga ito hindi lamang sa itsura maging sa pag-uugali, trabaho na nga ng mga ito ang guluhin ang mundo niya araw-araw, madalas na lamang niya itong dedmahin tutal ay wala din siyang mapapala sa pakikipagtalo rito, likas kasing magagaling ang mga ito mangatwiran lalo na kung siya ang kalaban. Kasalukuyan siyang kumukuha ng damit sa kanyang aparador nang may marinig siyang kaluskos mula sa kabilang bahagi ng kwarto niya. Pinakinggan niya kung ano iyon at narinig niya ang dalawa niyang kapatid na nag uusap.

“Ano kayang meron dito Cyrus?” Hawak nito ang isang medyo makapal na notebook.

“Hmm… Kay ate ba iyan? Well, siya nga lang pala ang mahilig sa mga ganyang kaartehan eh.” Sabay kuha sa hawak nitong notebook. “Amina nga yan, tingnan natin.”

Aktong bubuksan na sana ng kambal ang notebook nang bigla itong agawin ni Denisse sa kanila.

“Wag nyu ngang papakialaman yan!! ” pigil niya dito sabay hablot sa notebook niya. “Hoy kayong dalawang kutong lupang pinagbiyak ng makukulit na dwende, tigilan nyo ako sa mga kalokohan nyo at higit sa lahat ayokong pinapakialaman nyo ang mga gamit ko rito ng walang pahintulot kung hindi ay talagang isasauli ko kayo sa ospital na pinanggalingan nyo!” Galit na sabi ni Denisse sa dalawa nyang kapatid.

“Alam naming kay mommy kami nanggaling at hindi sa ospital ate.” Pilosopong sagot ni Cyril.

“At ate, hindi mo naman kailangang magpakaHIGH BLOOD riyan eh, wala naman pati kaming ginagawang kalokohan ni Cyril.”

“Ang sabihin nyo, meron na sana kung hindi ko lang kayo napigil ng maaga.” Ganti niya sa mga ito.

“Eh ate, anu ba kasing meron jan sa notebook na iyan at ayaw mong ipakita sa amin ni Cyrus?”

“May mga pictures ba riyang hindi dapat makita ng mga cute na batang gaya namin?” pagpapacute na sabi ni Cyrus.

“Onga ate, o baka naman nariyan ang mga pictures ni Thirdy mo.” Panunukso naman ng nakangising si Cyril.  Siniko ito ng bahagya ni Cyrus.

“Aray! Anu—“

Nanahimik ang mga ito at napatingin na lamang sa ate nila na ngayo’y nakapamaywang at naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanila.

“Aba’t! Teka nga lang, paano naman napasok si Thirdy sa usapan ha? Paano nyo naman nakilala iyon?? Aber?” sabi niya habang inilalapit ang mukha sa mga ito.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon