II: Pambansang Stalker

127 7 3
                                    

Chapter ii: Pambansang Stalker

Alli's POV

Ano ba nangyari after that very incident? Well, pag-uwi ko ng bahay ehh ayun naglupasay lang naman.

Nakahiga sa kama, nka-taas ang palda ng uniform, nka-unbutton ang blouse, suot isang medyas at gumagawa ng imaginable snow angel habang mulat na sini-sink in ang first epic fail meeting with crush.

"UGGGGH" sabay pinag-sisipa ang hanging walang kamalay-malay. Kainis. Kahiya. Most unimaginable situation. After almost four years of watching him from afar na first time kong nakita ng ganon kalapit and after the very first time of him talking to me na binwiset pa ni Mechu, AT after a very long and very romantic imagination ko if ever meeting him for the first time... WALA. NAWALA NA LANG NA PARANG PERA PAG NASA MALL KA. Ang saket isipin. Ang sa-

"HOY! PANGET!! MIRYENDA DAW" Sabay sira este tuktok ni kuya sa pinto ko. Hindi ko siya pinansin at-

"HOY! Panget! Bumaba ka na nga! Hindi ka naman prinsesa" bukas niya sa pinto na akala mo eh matatanggal na sa lakas.

"Ano yan? Ang laki naman ng panty mo" kunot noo niyang sabi sabay turo sa cycling shorts ko. Sinamaan ko siya ng tingin at tinapunan ng unan pero ayun nakailag ng sinara niya ulet yung pinto ko.

"BOLD STAR!" sigaw niya. Bus** hindi ba niya alam kaibahan ng cycling sa panty? Pang tanga lang?

After a few minutes bumaba na ako. Tao din ako at marunong magutom. Hay nako!

Nang makalabas ako ng bahay ehh nasa veranda na silang lahat. Sosyal kami noh? May veranda.

"Upo ka na. Bat antagal mo?" sabi ni Mommy.

"Antagal mag-process ng utak ko." Sagot ko. Walang gana

"Eh loading naman yan parati ehh" saad nung bunsong kapatid kong ang sarap pektusan. Umupo ako sa free chair katabi ni Mechu.

"Hi Yan!" bati niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag mo akong ma-Hi Hi" at tumawa silang lahat. Pwera ni Kuya. Bat pag ako galit, natatawa sila? Ano ba ako? Joker? Eh hindi naman nakakatawa si joker ahh?

"Mommy tingnan mo si ate oh inaaway nanaman si ate Sheng" sumbong ng bunso kong kapatid na ang sarap sakalin.

"Galit ka sakin ha? Ha?" baby tone at baby face na ungos naman ni Sheng. Yaks pwede ba.

"Tumahimik ka nga!" sabay tingin ko kela kuya na nasa harap ko. Yaks talaga eeww. Naglalampungan lang naman sila ni ate Mischa sa harap ko at ng mga magulang namin at ng mga bata. Yaks kaders! Si ate Mischa na girlfriend ni kuya na ate naman ni Mechu. Hay nakooo~ Pero isang malaking himala na sweet si kuya ngayon ahh. Mostly, bitch siya ehh

"Wow! Sweet ahh" sabi ko

"La kang pake" tugon niya. Hah! Bu**t talaga tong kuya kong damuhog. Pwe! Hindi ko na sila pinansin at OP naman ako palagi pag miryenda dahil nga naman sila lang nagkakaintindihan. At itong Mechung tong tawa ng tawa, ang sarap sapakin. Kinuha ko iPad niyang nasa lap niya nang may maalala ako.

"Oyy! Tara sa kwarto" sabay tayo ko

"Ha? Eh nag-uusap pa kami ehh" ang hilig talaga netong magpa-cute babae eh wala namang ka-cute-cute.

"Eh kanina pa kayo nag-uusap gumagabi na. Tara na" Hila ko sa kanya. Tara na at papatayin pa kita.

**
"Ano ba kasi gagawin natin dito?" sabay kuha niya sa iPad kong nasa sahig. "Ang linis talaga ng kwarto mo Yan." Noted the sarcasm, salamat grabeh

"Alam mo bang sinira mo yung buhay ko kanina?"

"Ha? San dun? Ahhhhh hahahahaha yung bigla kang sumigaw sa harap ni Kezner? Hahahaha. Kahiya ka!" Aba!

Lihim na Pagsinta (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon