Chapter III: Mutual Friend kuno
Monday at nakababad sa napakainit na araw. Bat ba kasi nauso tong flag ceremony araw-araw eh!! Pwede namang once a week lang diba? Kahit every friday afternoon lang okay na. Nasstress at naddrain tuloy mga utak naming mga estudyante. Tapos napapagalitan ka pa ng teacher dahil inaantok ka during sa first class niyong math—ang favorite subject ng karamihan satin (-,-). Nakakapagod din kayang tumayo nang halos isang oras sa ilalim ng araw nakikinig nang sermon ng school president na uugod-ugod na sa tanda. Sayang din yung gluta soap na ninanakaw ko sa nanay ko dahil hanggang safeguard lang pinapagamit samin.
"Huy Alli! Sino ba hinahanap mo?" sabay mariing tulak ng classmate ko sa balikat ko.
"Wala" wala kang pake
Hindi ko kasi maiwasang mapatingin sa section line ng class ni Kezner, nagbabakasakaling nandon siya kahit na alam ko namang once in a blue moon lang siya kung umattend ng morning rituals na ito. Sino ba naman kasing—hay nakoooo
"Thank you Mr. President. Students once again, Good Morning!! And you may all go to your rooms"
Oh yan tapos na. Sa.Wakas.
Nagsusulat kami ng libro-este-notes na nakasulat sa blackboard kahit may sarili naman kaming libro ng History nang mag-bell.
*Kriiiing* *Kriiiiiing*
"Ahhhhh" ungos ng mga classmates kong syempre napagod sa kakasulat. Ano ba kasing trip netong teacher ko? Ginawang subject ang "Writing History from your paid book to your notebook".
Nagsimula nang mag-ingay ang buong paligid. Yung balik palengke ulet. Nagstretch-stretch muna ako dahil feel ko matatanggal na tong balikat ko sa katawan ko. "Aaaargh"
"Tala na yaan!! Gutom na akooo"
Kahit na tinatamad akong bumabang canteen eh wala naman akong choice dahil gutom ako. Gutom na gutom.
Nang matapos kaming bumili ng pagkain eh naupo kami sa pinakamalapit na bakanteng upuan katabi ng pinto.. dahil pareho kaming tamad.
"Baaabe!!!" halos tumilapon yung kaluluwa ko sa gulat nang may biglang bumangga sa likod ko.
"Buwis*t ka Terrence!" sabay tanggal ng kamay niya balikat ko.
"Pwede ba dito kami?" upo niya sa tabi ko. Napalingon ako sa sinabi niya at sinaman siya ng tingin.
"Wala na kayang bakanteng upuan" daing niya. Kumunot noo ko
"Oo nga Yan. Dito na kayo maupo Terrence" sinamaan ko ng tingin si Mechu, ngumiti siya kaya inirapan ko. Hay nakoo
Hindi naman sa ayaw ko kay Terrence. Ayaw ko lang talaga sa kanya. Hay nakoo di ko ma-explain.
"Salamat babe" sabay siko niya sakin
"Pwede ba Anderson" inis na tugon ko at inirapan siya
Si Terrence Crysler Anderson. Hindi ko alam kung half ba to o hindi pero hindi talaga siya mukhang may dugong kung ano man jan (dugong unggoy pwede pa) echos lang ng apilyedo niya. Boy next door daw sabi ng iba pero bad boy in heart. Maingay at nakakainis. Classmate ko at OO nasa section A siya. Nga pala... dancer din siya... kasama ni Kezner... mutual friend naming kuno. At kung iba tatanungin mo, pangatlo siya sa pinaka-gwapong myembro ng grupo. Syempre una yung ubebe ko tas yung isa na Jeron yung pangalan tapos siya na daw sunod.. Gwapo naman talaga siya.. Hindi ko lang talaga siya type. :/
BINABASA MO ANG
Lihim na Pagsinta (On Going)
Novela Juvenil“I am SECRETLY loving someone who is CRAZILY in love with his GIRLFRIEND. Darn. ” ---Alli