Glyca's POV
"Yan ba yung Bago mo ? Bakit parang luma ??"tanong ko kay loise ng makita ko silang magkasama ni Ricajeanlandinapakarat..
sa totoo lang mabait naman ako sakanya dati eh.. na feeling ko matagal na kame magkakilala pero mula ng makilala ko si loise At pinakilala ni Jean bilang BF nya parang nainis ako bigla...
Ewan ko kung bakit, simula nun Lagi nalang kaming nagaaway at mas naging worse pa nung dumating yung Chelsea galing ibang bansa..
At naisip kung agawin lahat sakanya.. lahat lahat mas lalo na si loise..
Nagtagumpay naman ako kasi nagpanggap akung naaksedinte at walang maalala kundi si loise at sinabi kung boyfriend ko si loise well spoiled ako sa magulang ko kaya madali ko lang naagaw si loise sakanya...
Pero sa panahon na yun akala ko sasaya ako kasi nakuha kuna ang lalaking kinababaliwan ni Jean... pero mali pala ako kasi madalas pag pupunta kami sa iba't ibang events lagi nalang akung napapahiya dahil sakanya...
Pero di ako nagpatinag.. mas lalo kung pinaramdam sakanya na mas kaya kung higitan ang pagmamahal ni jean sakanya..
Pag naaalala nya si jean ako lagi pinagbubuntunan nya ng hinanakit ... na ako daw may kasalanan kung bakit sya nagkakaganun ..
Pwee!ako ang may kasalanan? Pwede naman nyang kalimutan nalang si jean diba yung tipong ako nalang ang mahalin nya at magpanggap nalang syang walang nangyari...
Pero naisip kung tanga nalang ang taong gagawa nun... kaya kahit masakit at ako nahihirapan sa nangyayari hindi ako sumuko kasi alam kung dadating ang panahon na mamahalin din nya ako...
At di nga ako nagkamali minahal nya ako bilang kaibigan..
Masakit sa side ko na pagkatapos mong mahalin ang mga taong lumalapit sayo at bigyan sila ng halaga tapos bigla ka nalang nilang iiwan!
Alam nyo kung bakit ako ganito? Kasi nasasaktan ako..
Una.. parang nabaliwala ako sa paningin ni jean mula ng dumating ulit si chelsea pangalawa iniwan ako ng taong mahal ko para makipagbalikan sakanya...
At ang pinakamalaking tanong ko sa sarili ko pati narin sa mga taong nasa paligid ko... ANO BANG MERON SILA NA WALA AKO?
NAGAWA KO LANG NAMAN YUN DAHIL SA SOBRANG PAGKAIMPORTANTE NG BABAENG INAAGAWAN KO!
----------**
Jean's POV
"Yan ba yung Bago mo?? Bakit parang luma?? " nang aasar na sabi ni Glyca..
Pero nagtaka ako ng tinignan ko sya sa mata parang may malalim syang iniisip..
"Ano nanaman bang problema mo Glyca? " naiiritang sagot ni Loise
Di ko naisip na dadating kami sa ganitong punto... punto na malalim ang galit namin sa isa't isa...
"Wala naman.. gusto ko lang magpaalam sainyong dalawa " nagulat ako sa sinabi nya...
San sya pupunta?
"S-san ka pupunta? " nauutal na tanong ko..
"Aalis na kame sa pilipinas for good.. ng wala ng manggulo sainyo.. " natatawang sabi nya....
"Mabuti naman" bigla kung siniko si Loise dahil sa sinabi..
"Well parang wala naman kayong pakialam kaya aalis na ako.. "
Patalikod na sana sya ng bigla ko syang hinila at niyakap..
"S-sorry" naluluhang sinabi ko..
Nagulat ako sa ginawa nya bigla din nya akung niyakap ng mahigpit pero sandali lang yung.. ng kumalas sya ng yakap bigla nalang nya akong sinampal...
"B-bakit mo g-ginawa yun?"
Naluluhang sabi ko..
"Ito naman ang O.A mo talaga hindi kana nagbago.. ang hina lang eh.. " natatawang sabi nya..
Natawa narin ako.. at bigla nanaman nya akung niyakap ng mahigpit..
"Sorry din"
Kahit mahina yun di nakaligtas sa pandinig ko... pag katapos nun kumalas na naman sya at tinignan si Loise...
Ngumiti sya ..
"Pwedeng payakap kahit sa huling pagkakataon? " nakita ko sa mata nya pinipigilan nya lang maiyak..
Lumingon sakin si Loise na parang nagtatanong kung okay lang Ba...
Tumango ako kaya niyakap sya bigla ni Glyca..
"Kahit na mahal parin kita... pipiliin ko nalang na lumayo sayo para sakanya.. huwag muna ulit syang sasaktan ah.. pag nabalitaan kung sinaktan mo yan marami akung mairirito jan.. " natatawang sabi nya habang lumuluha..
"Ang drama mo! Di kana nagbago haha" sabi ni loise saka niyakap din si Glyca..
"Ehem!" Kunwari nauubo ako haha...
"Wait lang Jean atat lang di ko pa nafefeel yung abs nya eh!"natatawang sabi nya at tumingin sakin sinamaan ko sya ng tingin ..
"Haha joke lang"tsaka sya kumalas..
"Yung bilin ko ah?" Sabi nya kay Loise.. Tumango naman si Loise..
Naglakad na sya palayo samin..
Pero lumingon nanaman.."Haha ang drama natin .. sabay na tayong maglunch pag isang linggo pa alis namin eh.. "
"Ahy.. O.A ang drama drama mo pa naman tapos next week pa alis .. aish! Mga babae talaga!"sabay alis ni loise
"Hahahahaha" natawa nalang kaming dalawa..
*canteen
"Ako na o-order ano sensyo ?" Tanong ni loise samin ..
"Ako rice and chicken curry nalang .. Ikaw ? Ano sayo Glyca ?"tanong ko din kay Glyca
"Hmm...Libre nyo ba ??"tanong nya samin ..
"Oo naman :) aalis ka naman na eh haha .." Natatawang sabi ni loise kay glyca
"Mukhang excited si loise na mapa alis ako ah .." Natatawa ring sabi ni glyca ..
"Oo nam--"di na tinuloy ni loise yung sasabihin nya ng sikuhin ko sya ..
"Nasasanay kana jean ah !!" -.-'
"Oyy! Yung ganun narin yung akin kay jean :)" masayang sabi ni glyca
"Okay then .. Pupunta na ..!!" Pikon atang sabi nya ..
"Oyy!Loise baka sumakit tyan ko pagka tapos kung kumain ah!"sabi ulit ni glyca ..
"Huh?bakit naman ?" Naguguluhang sabi ni loise ..
"Baka labag sa loob mo eh .. Hehe" haha okay .. Gets XD
>.<
![](https://img.wattpad.com/cover/18135174-288-k394241.jpg)
BINABASA MO ANG
How I Wish !?
FantasíaDarating ka rin.. Di ko man hintayin ang araw na yun alam kung tinadhana at tayong dalawa'y alam kung tinakda na...at kahit na anung mangyari ikaw at ako ang magsasama hanggang sa dulo.... Lagi kung iniisip! Darating ba sya bakit ako pa naghihint...