Nung una kong makilala si Matt, wala lang. Wala eh.
Kasama ko si Aira nun, umuulan. Nakapambahay na kami kasi medyo gabi na tapos pumunta kami sa square para bumili ng hapunan. (syempre, gabi na nga e.) Oven Maid na lang ang bukas no'n, kaya no choice na. Pagka-take out namin, sa may tapat ng Jefcee's, nakasalubong namin siya.
Si Matt na kaklase ni Aira. BGM ang course, Graphics and Multimedia.
Taga-CEAT.
May dala din siyang take out nun at nakatalikod siya samin, tinitignan niya yung pagpatak ng ulan. Lumingon lang siya kasi tinawag siya ni Aira. Naka-uniform pa din siya at nakasabit pa sa balikat niya yung sling ng bag niya.
Una kong napansin sa kanya yung pagiging matangkad niya. Ang payat din. Hindi naman yung tipo ng payat na buto na lang, may laman pa rin naman siya. Pero, ang cute ng pagkapayat niya kasi ala hanger ang style. Yung mga pang-tipong anime. (otaku alert!) Para siyang anime sa tindig niya. Lalo na kapag nakatalikod.
Hindi ko pa siya binigyan ng pansin no'n. Kaya ko lang siya na-describe as ganyan eh dahil hinihintay ko si Aira na matapos sa pakikipag-usap sa kanya kaya napapatingin lang ako. Pinakilala pa nga ako ni Aira e, pero ngumiti lang ako tapos pinahiram na siya ni Aira ng payong.
Siguro nga, sa simula pa lang attracted na ko kay Matt e.
Sabi pa niya, "Thank you ah. Sauli ko na lang bukas."
Tapos habang sumusulong kami ni Aira sa ulan, nai-kwento niya si Matt sa akin. Nalaman kong tahimik lang siya at mabait. Tapos naikwento rin ni Aira na nagdo-dorm din pala siya. Natawa ako sa isip-isip ko kasi pinahiram pa ni Aira yung payong niya, eh nagdo-dorm din naman pala yung Matt.
Nung sinabi ko naman kay Aira, natawa rin siya kasi hindi niya naalala, at tinanggap rin naman kasi ni Matt. Wala tuloy kaming payong. Eh yung akin kasi, pinahiram ko rin e.
Strange part was I never glanced back at him after he said his thanks, but I can still remember the first time I met him.
Hindi ko talaga alam kung bakit naaalala ko yung unang beses na makita ko siya, eh hindi ko pa naman siya crush no'n e. At mas lalong hindi ako na-curious sa kanya. Hindi niya ganun ka-nakuha yung attention ko. Hindi ko nga inisip na magkikita pa kami ulit e. At hindi ko talaga naisip na magkakagusto ako sa kanya.
Siya kasi yung unang taong hindi ko tinignan sa mata. Yung unang tao na hindi ko pinansin sa unang pagkakataon naming magkita. Kasi siya yung unang tao na tindig lang ang napansin ko. Tindig lang talaga pinakealaman, as in.
After that day, hindi ko inisip na magkikita pa kami. Hindi ko hiniling na sana magkita pa kami. Pero, nagkita kami.
Nakita ko ulit siya.
Si Matt na kaklase ni Aira. BGM ang course, Graphics and Multimedia.
Taga-CEAT.

BINABASA MO ANG
Para Kay Matt
Narrativa generaleSana dumating yung pagkakataon na malaman mo kung gaano ako kabaliw sa'yo.