CHAPTER 35

1 0 0
                                    

LUCY'S POV
kailangan ko ng tapusin ang lahat. Hindi na talaga siguro kami pwede magsama. Kailangan ko maghiganti sa ginawa ng mother niya sa Mom ko at saakin. Ang tagal ko naghirap, ngayon ipapalasap ko sakanya mawalan ng mahal sa buhay.

"Baby, bakit mo pala ako bigla tinawagan?"- Gelo

"Aalis na ako.."

"Saan ka naman pupunta?"-Gelo

"Susunod kami ni Lili kay Papa doon na kami mag-aaral"

"Oh? Bakit hindi mo agad sinabi?"

"Biglaan kasi eh? And napag-isip
isip ko na makipagbreak"

"Huh?! Bakit? Anong mali sa relasyon natin?"

"Hindi naman tayo magkakaroon ng oras para sa isa't-isa, focus nalang muna tayo sa pag-aaral"

"Pwede naman natin pagsabayin yun di ba? Pupuntahan nalang kita kapag summer break sa New York"

"Hindi na, mahal ang ticket papunta don isa pa ayokong maistorbo"

"Ginagawa mo lang bang palusot ang pag-aaral sa ibang bansa para makipagbreak?" Naramdaman ko ang lungkot sa tono ng boses niya.

"Totoo yun.. ayoko muna ng kahati sa oras magfocus muna ako sa pag-aaral"

"Kung yan ang gusto mo, hindi ko alam na istorbo pala ako, pasensya na rin hayaan mo hindi kita iistorbohin"

Simpleng salita pero parang unti-onting nilalaslas ang puso ko ng matalim na bagay. Tumalikod na siya at tuluyan ng umalis nakatitig lang ako sa likod niya, gusto ko siyang habulin pero hindi maari.

Kinabukasan nakasakay na kami sa eroplano ni Lili papuntang New York. Walang text at tawag galing sakanya, galit siya alam ko kaya hindi na ako dapat mag expect. Hindi ko napansing may luhang pumatak na pala saaking pisngi.

"Sis, are you alright?" Napansin ko nalang na pinunasan niya yung pisngi ko na may luha.

"Im ok"

Matapos ang halos isang araw na pagtravel nakarating na kami sa bahay ni Dad.

"Simple lang pero maganda ang bahay na ito nagustuhan niyo ba mga anak?"

"Yes Dad, sana pala noon pa kami nagpunta dito!"-Lili

"Dad, lagay ko muna mga gamit ko sa kwarto!" Pagpapaalam ko.

Ngayong malayo na ako sayo siguro kaya na din kita kalimutan..

Sorry na bati na tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon