✍🏻. @papsiecoolBinibini marahil ikaw ay may dalang lungkot.
Mabigat ang dibdib na hindi kayang itago ng iyong munting mga mata.
Hindi ayon sayo ang nakikitang ganda na binabalot mo ng marahil ay lungkot na nadadama.
Para bang patay ang kasiyahan at lalamunin ka ng kapighatian.
Gusto ko sanang sambitin na hindi ka nagiisa.
Mga kaibigan mo'y handang damayan ka.
Saan man o ano mang taas ng hirap ang iyong lalakaran ay handang alalalayan ka.
Gagawin ang anu mang mapagbirong gawain, makita lang na nagsasaya ka.
Lilingunin ang panganib, sasaluhin ang lungkot mabalik lang ang iyong nawalang saya.
Mabalot man kasama sa kadiliman ay wag mangamba, magliliwanag ka at bubuksan ang bagong umaga.
Hindi ito litrato ng kasiyahan o buhay na walang hanggan,
Pero natitiyak ko sayong hanggang sa dulo'y hindi ka magiisa.