III: Wolf

197 17 0
                                        

________________________________________________

Barrhic Ressort


-CAIUS

Mahaba ang naging byahe patungo sa resort kung saan gaganapin pagtitipon ng mayayaman raw sa bansa.

Malawak ang resort at isa ito sa pag-aari ng General. Marami ang mga galante sasakyan naka parada sa labas ng resort. Kumikinang ang kasuotan ng mga dumadating na bisita.

Tatlo ang napili na isinama upang pagsilbihan ang boss. Dalawang babae at isang lalaki. At ako un.

Kasalukuyan kong inaayos akin sarili mula sa harap ng salamin dito sa comfort room. Inayos ko ang suot na attire suit kulay blue ito nagusot ng kaunti ang laylayan ng suit ko kaya inunat ko muna.

Mayron ako naiisip na baka sakali maging clumsy ako dito. Sinabihan pa naman kami huwag bigyan ng kahihiyan ang boss. Mabilis pa naman ako ma overwhelmed kapag marami ang tao. Hindi ko rin maiwasan maging tanga.

Naglagay ako ng resolution sa mata upang hindi gaano kumati sa loob. Tumutubo na pala ang totoong kulay ng buhok sa root ko. Nagkukulay gray. Kinulayan ko kasi ng itim buhok ko. Masyado kasi agaw pansin ang totoong kulay.

Noon kasi napagkalaman ako anak banyaga. Well i got this from my both parents. My father has yellow hair while my mother has gray hair.

Magkaiba pa kami ng kulay ng bunso ko dilaw na maaliwalas ung kanya at akin naman ay matingkad na abo.

Huminga ako mallim bago lumabas.

Mula sa labas ng comfort room ng lalaki ay tanaw ko ang mga kasamahan ko naghihintay.

Sabay-sabay na kami pumasok. Nasa likod kami ng boss at ito ang nasa harapan sinasabayan namin ito sa paglakad.

Namangha kami samin mga nasilayan. Tuluyan na kasi kami nakapasok sa loob ng resort. Marami mga ibat-ibang pagkain nakalapag sa mahahabang mesa. May fountain sa loob. Ang ganda at laki ng chandelier kumikinang at kumukutitap iyon. May mga wine glass magkaka patong at bumubuhos. Hindi yun nalalaglag.

Galante at sobrang kinang ng loob.

Nakatitig ang ibang guest narito sa loob sa taong nasa unahan namin matangkad kasi ito. Naka blue tuxedo kumikinang ang asul na mga mata naka wavy ang ash-brown na buhok. Tahimik na hindi ito nagsasalita lahat ng mga kababaihan ay sinusundan ng titig ang General.

Para talagang royal.

Tumayo ako sa gilid. Nakakahiya naman kung nasa tabi pa ako ng boss noh. May lumapit kaagad na naka sumbrerong ginoo galanti ang suot nakipag kamayan iyon sa General.

Iba talaga ang mayayaman parang nakakahiya mahalo sa ganito klasi na pagtitipon. Puro mayayaman at may posisyon sa pulitika walang makikita na mahirap o niisa nasa mababang posisyon.

Lahat ng atensyon namin ay nalipat sa gate nang pumasok ang pamilyang

'Rider Family'

A/U: Rider Family is the second family of Maximo's father.


May lumapit bigla na batang babae at sabay nginitian ang boss. Hindi ngumiti sakanya ang General tinignan lang ito ng walang ka-emosyon.

Nawala ang pokus ko nong may dumaan bigla na waiter. Inalok ako ng maiinom.

Sino ba naman ako para tumanggi diba? Minsan na nga lang makainom ng mamahalin na inumin tapos tatanggihan ko pa!

Siniko ako bigla ng katabi ko na umayos daw. Pero hindi ko ito pinansin.

Kiss Bad, Liar (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon