Laurence's POV

27 2 1
                                    

Servive na ako simula ngayon sabi ng mama ko. Pumunta ako sa may parking at nakita ang isang drayber na tinatawag ang atensyon ko. Lumapit ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at pinapasok na ako sa loob ng sasakyan.

“Hi~!” bati sa akin ng isang bata na kasing edad ko lang. katabi ko siya kaya siguro naisipan niyang kausapin ako. “Ako si Rowan. Anong pangalan mo?”

“Laurence.” Nginitian niya ako pagkasabi ko ng pangalan ko. Ang kyut niya. Ang taba ng pisngi niya, sarap pisain.

“Pwede ba tayong maging magkaibigan? Ako pa lang kasi ang pinakabata sa service na ito.”

“Okay.” Pumayag ako kasi malungkot yung boses niya. Baka umiyak pa siya.

“Yehey!”

Lumipas ang ilang araw, naging magkalapit na kaibigan kami ni Rowan. Binibiro nga kami minsan sa service. Bagay daw kami. Tatahimik naman si Rowan tapos hihintayin niya na ako ay magsalita.

Lalo na nga kaming biniro nung itaas ko ang palda ni Rowan. Yung kita yung maikling shorts niya sa loob. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun. Maraming nakakita ng shorts niya. Nasa parking kasi kami tapos nasa tabi lang kami ng service. Hinihintay namin yung iba naming ka-service. Nagalit sa’kin si Rowan at ipinagpalit ako ng best friend ko sa isang bata na tumatawag sa akin ng KUYA.

September 23, may isang batang babae na naghihintay sa loob ng service. Tumingin siya sa akin tapos sumigaw siya ng “KUYA~!!”

“WAAAAAHH!!!” Napamulat ako ng aking mata. Nagulat ako ng mag-alarm ang cellphone ko.

“KUYA~!! KUYA~!! KUYA~!! KUYA~!! KU—” Pinatay ko na ang alarm. Birthday ni Louisse ngayon kaya ganun yung alarm. Wag kayong mag-isip ng kung ano ah. -_-

Naalala ko yung napanaginipan ko. Bakit yun ang panaginip ko? Yung pang nakaraan? Yung pang palda ni Rowan. Tss. Tapos may sinabi ako tungkol sa pisngi ni Rowan. Hindi ko maalala kung ano. Ano kaya yun?

Naghanda na ako ng sarili. Dadating na ang service maya-maya. May plano pa naman kami ni Rowan na ini-handa para kay Louisse.

Pagdating ng service, sumakay na ako. Nakita ko si Rowan na tulog tapos naka-nganga pa siya. Wahahaha! Mapicturan. :P

Okay. 1.. 2.. Click! XD

Bigla siyang nagising kasi nagflash yung camera na dala ko para sa birthday ni Louisse. Aww. Fail. :(

“LAURENCE!!!” galit niyang sigaw. Buti wala pa yung ibang ka-service namin. First trip kasi kami at mga 5am kami umaalis ng bahay.

“Ano? Haha!” pagiinosente ko. Wahaha! Naalala ko yung kami pa lang dalawa. Yung wala pa si Louisse. Sorry Louisse. >:P Haha!

Lagi ko siyang kinukulit na parang ganito. :) Hindi ko na nga lang uli magawa kasi nandyan si Louisse eh. Masyado niyang inaalagaan si Rowan. (_ _”)

Huminto bigla yung service. Nasa tapat kami ng bahay ni Louisse. Lumabas yung kasambahay nila. Hm? Nasaan na si Louisse?

“Manung, hende pu makakapasuk ang eneng. Mayrung dysmenorrheal ihh.”

Ano yun?

“Oii. Rowan, anong dysmeno……ganon?” nilingon ko siya para tanungin kaso tulog na naman ang babae. Tss.

Umandar na ang sasakyan. Teka? Eh si Louisse?

“Oi. Kei. Paano si Louisse?” tanong ko kay mang drayber. Kei ang pangalan ni mang drayber. Yun talaga yung tawag namin sa kanya kaso nagbago yun nung dumating si Louisse sa service na ito. Mang drayber siya ng mang drayber kay Kei kaya yung iba napapa-mang drayber na rin sa kanya. Sa totoo lang, 24 pa lang si Kei.

“Masakit ang private ng tao. Hindi makakapasok. Bisitahin niyo na lang mamaya pag-uwi, hihintayin ko kayo kaya bilisan niyo.”

“Ah. Sige po.” Gising naman pala itong si Rowan eh. Tss.

“Oi. Rowan, may sasabihin ako sa’yo.”

“Ano?”

“Wag na pala. Hindi nga pala tayo ‘best friends’.” Pag-paalala ko sa kanya ng nakaraan. Haha!

Friends naman tayo ah.”

“Gusto ko best eh.”

“Eh ano yung sasabihin mo?” pagpumilit niya.

“Wala wala. Haha!”

“Eeeeeeeh!”

“Haha! Basta, ano.. uhmm. Wag dito. Nakikinig si Kei eh. Haha!” tumingin bigla si Rowan kay Kei. Napaubo naman si Kei bago ihinto ang sasakyan. Nasa school na kami.

Naglakad kami ng ilang hakbang palayo ng service.

“Paano na yan? Absent si Louisse, hindi tuloy yung plano natin para sa kanya.” Malungkot na sabi ni Rowan.

“Pupunta naman tayo sa bahay niya mamaya. Edi doon natin ituloy yung plano.” Ningitian ko siya. Parang biglang namula yung mukha niya? O//O Tapos bigla akong nag-init. Whew! Madilim pa ah? Bakit ako pinagpapawisan?

“Okay. Sige. Ano nga uli yung sasabihin mo?” pinaalala niya yung sikreto ko. Haha!

“Uhmm. Tanda mo yung babae na palagi kong itinuturo sa’yo dati? Yung babaeng maputi at matalino kaso parang tomboy kung maglakad?”

“Ah! Oo. Galit na galit ka pa nga sa kanya kasi sabi mo saying yung ganda niya naging tomboy kasi siya. Haha! Oh, ano naming meron sa kanya?”

“Kami na. Girlfriend ko na siya.” Natulala siya sa sinabi ko tapos parang maluluha na siya.

“G-ganun ba? Ah. C-congrats! Stay strong..” sabi niya at nagpaalam na siya. Bakit ganun yung inakto niya?

May nasabi ba akong mali?

SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon