A/n: Since I am so busy, I can't revised and update my other stories, but since I need to calm my mind for a little bit I wrote a short story, so I can finish it easily.
CHAPTER 1
GRACE
"It's over now Grace, I fell out of love" Hendrik told me before brushing my tear.
Gusto ko siyang murahin, at basagin ang pagmumukha niya dahil sa ginawa niya sa akin, He even lie na na fall out of love siya sa akin when in fact I saw him having sex with my bestfriend Carol.
I even took a photo as an evidence, para kung itatanggi nya yung paratang ko may ipapakita ako sa kanya na proof.
Sabi ko sa sarili ko nakahanda na ako sa oras na ito, but little did I know na sobrang sakit pala ng ganitong scenario pag nangyari na.
"I don't deserve your tears Grace, so don't cry, forget me find another man worthy of your affection" he coldly said before walking out in front of me.
Ang tanga tanga ko talaga.
Akala ko hindi na ako masasaktan, akala ko hindi na ako iiyak pero bakit ang tanga ko?
Today is our 5th Anniversary.
Nakaplano na ang lahat ng gagawin ko.
Ako ang makikipagbreak sa kanya.
Pero siya pa ang nauna at ang kapal ng mukha niya.
Tulala akong naglakad, hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Naramdaman ko ang malamig na simoy na hangin sa aking mukha, nakakita ako ng isang malapit na tulay, tulala akong lumapit dito.
Ang tanga ko talaga, natatawang sabi ng isip ko.
Suicidal pala talaga ako.
Naalala ko tuloy ang mga pangyayari kung saan palagi kong ipinapantakot kay Hendrik na pag-iniwan niya ako magpapakamatay ako.
Natawa ako ng marahan, tama nga naman, kahit nakaplano na yung gagawin ko sa kanya, pero it already backfired at ako pa yung nasaktan.
Life really sucks.
Umakyat na ako sa railing ng tulay.
Unti-unti ko nang naramdaman ang kamatayan sa harapan ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko na ayaw maawat sa pag-iyak.
Akmang tatalon na ako ng bigla akong makaramdam ng kamay na humawak sa mga braso ko.
Agad akong napalingon at nakita ang isang lalaki, seryosong nakatingin sa akin.
"Hindi solusyon ang magpakamatay, lalo na at dahil sa pag-ibig" natatawa niyang sabi, pero hindi pa din maalis ang seryoso niyang mukha kahit parang biro ang sinabi niya.
"Hayaan mo na ako, wala nang silbi ang buhay ko" malamig kong sabi.
I felt his grip tighten and pull me down the bridge rails.
"Gusto mo bang makalimot kahit ngayong gabi lang?" Tanong niya sa akin.
I don't know what's happening with me because I unconciously nodded.
-
"Mirko nga pala" pakilala niya sa akin, inilahad niya pa ang kamay niya upang makipagkamay.
"Grace" I replied, hindi ko na inangkat ang kamay ko at akmang tatalikod nalang pero kinuha niya ang kamay ko ng basta basta at nakipagshake hands sya sa akin.
"Ganyan ka ba umasta sa taong iniligtas ka?" Tanong ni Mirko.
"Bakit sinabi ko ba na iligtas mo ako!" Hindi ko na napigilan na itaas ang boses ko.
Nagpapasalamat nalang ako dahil maingay ang lugar na ito at tila walang pakealam ang mga taong dumadaan.
Matapos niya akong pigilan sa gagawin kong pagtalon sa tulay ay hinawakan niya braso ko at hinigit.
Pumunta sa isang night market.
At heto kami ngayon.
"Akala ko ba pumayag ka na makalimot kahit ngayong gabi lang?" Tanong ulit ni Mirko.
"Paano ko siya makakalimutan? Paano? Ang sakit sakit na talaga" hindi ko alam bakit ang iyakin ko ngayon.
Okay lang naman na umiyak, hindi ko naman kakilala itong kasama ko, wala siyang malalaman. Wala.
"Just follow my lead and you'll be okay" and with his statement he walk towards the foodcourt and instantly I followed him there.
-
"Here eat this, masarap daw yan" sabi ni Mirko sabay abot sa akin ng isang japanese cake.
Mainit init pa ito at kitang kita ko ang usok na lumalabas dito.
"Wag kang mahiya sige na kainin mo na yan" nakangiti pang sabi, gusto kong matawa sa sarili ko dahil naluluha na naman ako, bakit ba napakahina at napakaemosyonal ko.
Diba hindi ka dapat iiyak? Hindi ba dapat ikaw ang makikipagbreak sa kanya?
I instantly though of my plan to break off with Hendrik.
"Ano nahipan kana? Bakit hindi kana makagalaw?" Tanong ni Mirko, and that snapped me back to reality where the streets are so noisy and busy people everywhere.
"Sorry" nasabi ko nalang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"No need to say sorry, kainin mo nalang yan bago pa lumamig" cool na sabi ni Mirko.
-
"Alam mo ba galing din ako sa heartbreak" napatingin ako kay Mirko sa sinabi niya.
Andito kami ngayon sa isang park sa tabi ng night market, bumili lang kami ng kung ano anong pagkain at basta na lang akong hinigit ni Mirko papunta dito.
"Masakit siya yes! But eventually those pain that you'll be experiencing will fade eventually"
I glanced at him, he's smiling kahit na mabigat yung naikwento niya.
"Matanong ko pala kakabreak mo lang recently?" Tanong ko sa kanya.
"Nope, Last month pa!" He said cheerfully.
"This is moving on process, hang out with random people the best"
"So hindi lang ako yung hinigit mo like last time?" Tanong ko ulit.
"Nope, Ikaw ang pinakauna"
To be continued....
BINABASA MO ANG
Sa Atin ang Gabing Ito
General FictionHindi mo man namamalayan, pero nasa tabi mo lang ang iyong kadamay. ~Short Story Date Started: December 25, 2022 Date Finished: February 27, 2023 Cover made with :BookCoverMarket.