CHAPTER 2

26 0 0
                                    

CHAPTER 2

GRACE

"Ako ang pinakauna? What do you mean by that?" Tanong ko kay Mirko.

He just shrug his shoulder and did not answer my questions.

"Anyways pwede mo bang ikwento sa akin ang nangyaring break up with you and your boyfriend?" Tanong niya.

Napatawa ako ng mahina sa tanong ni Mirko sa akin.

"Alam mo ba ngayon yung 5th Year Anniversarry nami" I felt a lump on my throat.

"Kaya mo pa bang ikwento?" Tanong ni Mirko.

Huminga ako ng malalim.

"Kaya ko pa." Sagot ko sa kanya.

"Ngayon sana yung 5th Year Anniversarry namin b-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Mirko.

"Ano pang nangyari? Dali ang bagal magkwento nakakabitin" dali dali niyang sabi.

I wanted to give him a slap, masyadong pakilamero, ni hindi ko pa nasisimulan yung kwento ko tapos pinagmamadali niya akong matapos.

"Sandali nga hayaan mo muna akong magkwento" naiinis kong sabi.

"Chill ka lang, pinapagaan ko lang loob mo" nakangiti niyang sabi.

"Itutuloy ko na ang kwento kaya makinig ka" tumango naman siya sa sinabi ko.

"He cheated on me, I caught him having sex with my bestfriend, and I even took a picture as an evidence para pag itinanggi niya ipapakita ko sa kanya"

"Wait bakit hindi nalang video yung tinake mo bakit picture pa?" Natatawa niyang tanong.

Napaface palm nalang ako dahil nagkamali ata na sumama ako sa baliw na ito.

Ikinuyom ko na ang kamay ko at akmang sasapakin siya ng tumigil na siya sa pagtawa at naging seryoso na siya.

"Just joking to lighten up the mood" nakangiti niyang sabi.

"When I caught them pakiramdam ko nawalan ako ng hininga, sobrang sakit eh, yung akala ko taong minahal at pinagkatiwalaan ko parehas lang nila akong ginago" hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.

Natatawa ako sa sarili ko, natatawa ako dahil nagagawa kong iyakan ang taong sumira at nanakit sa akin.

Natatawa ako dahil pinapakita ko ang kahinaan ko sa isang taong hindi ko naman kilala, baka mamaya marape ako at mamaya, pero bahala na if anong gawin niya sa akin dahil patay na ako matapos niya akong iwan.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Mirko, lumingon ako sa kanya at nakatingin siya sa akin.

"Gusto mo iinom nalang natin yan?"

-

Akala ko naman pupunta kami sa isang bar, ayun talaga ang iniexpect ko, pero nagulat nalang ako nung pumunta kami sa isang convenience store.

"Bakit parang nakakita ka ng Multo?" Nagtataka niyang tanong dahil nakita niya ata na parang disappointed yung itsura ko.

"Akala ko kasi mag babar tayo, tapos ganto pala? Ang lakas ng trip mo" natatawa kong sabi.

Napalingon ako kay Mirko at nakita ko na nakangiti siya sa akin.

"Mabuting senyales yan, tumatawa kana"

Napansin ko din na parang medjo gumaan ang pakiramdam ko.

"Ano pang tinatanga mo tara na at bumili" sabi ni Mirko sabay pasok sa loob ng Convenience store.

Shit! Nagspace out ba ako! Baka lutang lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

-

"Cheers"

"Cheers!"

Agad kong tinungga ang isang bote ng beer.

Alam ko naman yung limits ko when it comes to liquoir at wala akong balak magpakalasing.

"Aba mukhang sanay ka sa inuman ah" sabi ni Mirko.

"Ah hindi naman. Speaking of. Magkwento ka naman about sa nangyaring heartbreak mo, ang unfair naman kasi ako lang yung nagsabi ng backstory ko diba? Magkwento ka naman para fair" Ewan ko ba parang nawala na yung hiya ko dito kay Mirko pero bahala na gusto ko din naman makalimot.

"Do you know Carol Esguerra?" Tanong niya.

And it hit me!

"Yes.  And she's the reason why I'm like this!" Madiin kong sabi.

I look at his reaction.

"Oh so that why?" Narinig ko ang mahinang tawa ni Mirko, yung tawang walang bakas na saya.

"So you already know me?" Tanong ko.

"Well yes I know you, but Carol never told me about you being her bestfriend"

"Saan mo ako nakilala?"

"Sa Work"

"Wait! What!?"

Tumango siya.

What a fucking small world it is.

"Saang department ka?"

"Secret"

-

Carol is the one who ended their relationship, hindi na bago sa akin ang pagiging maharot ng kaibigan ko, alam ko na parang linggo linggo siyang may bagong boyfriend.

Hindi ko suportado ang gawain niya na yun.

Wala sana akong balak ipakilala si Hendrik sa kanya pero she insisted, hindi naman niya aagawain dahil may sister code kami.

Wag tuhugin ang boyfriend o ang ex.

But ayun tinuhog niya ang gago kong boyfriend.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Mirko.

"It's already 10PM, ang bilis ng oras" sagot niya sa akin.

Ang bilis ngang natapos ang oras.

Hindi ko namalayan na ilang oras akong sinamahan ni Mirko, para makalimot at sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkakonektado pala ang kwento namin.

"May Dalawang oras pa tayo! Saan mo gustong gumala?" Tanong niya sa akin.

"Kahit saan, basta sa makakalimot ako" sabi ko at inubos ko na ang laman ng boteng iniinom ko.

"Okay whatever it is!"

To be continued....


Sa Atin ang Gabing ItoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon