CHAPTER 3
GRACE"Sea side tayo?" Tanong ni Mirko sa akin.
"Ang layo ng sea side dito ah, sa MOA pa yun" sabi ko naman sa kanya.
"Diba sabi mo ako ang bahala? Edi ako ang masusunod" hindi ko namalayan na hinila na pala ako ni Mirko, at wala na akong nagawa kung hindi ang magpahila sa kanya.
Tumigil lang siya sa paglalakad at pagkaladkad sa akin ng marating namin ang isang terminal ng jeep.
"Sumasakay ka naman siguro ng jeep ano?" Tanong niya sa akin.
Sinimangutan ko siya, anong akala niya sa akin RK ako? Well parang hindi naman.
"Ano sasakay ba kayo miss kasi may pila sa likudan niyo?" Mataray na sita sa amin ng isang matandang babae na hindi ko namalayan na nakapila na pala sa likod namin.
"Oh ano pang inaantay mo sakay na" natatawang sabi ni Mirko.
Buong biyahe ay hindi kami nagsasalita ni Mirko, wala naman kaming pag-uusapan tsaka busy siya sa pagkalikot ng phone niya.
Ako din naman busy.
Hendrik
Grace Where are you? Your mom keeps asking me about you, answer me as soon as you read my text.
Agad kong binura ang message ni Hendrik sa akin. Diretso ko na din binura ang phone niya.
Kailangan kong makalimot ngayon, ibubuhos ko na lahat ngayong gabi ang sakit na nararamdaman ko.
Diretso kong binuksan ang phone gallery ko at isa isang binura lahat ng picture namin na magkasama, at lahat ng picture na makakapag-paalala sa relasyon namin ni Hendrik.
I also blocked Carol.
Napabuntong hininga nalang ako.
For the cure of this broken heart, I must let go of all the things thats reminds me of them.
"Para po!" Sabi ni Mirko, kaya agad tumigil ang jeep na sinasakyan namin agad naman akong sumunod ng bumaba siya.
"Malapit na tayo oh! Tanaw na tanaw ko na yung ferris wheel!" Masayang sabi ni Mirko.
"Gusto mo sumakay tayo dun?" Tanong niya sa akin.
"Akala ko ba sea side muna tayo? Bwisit ka magpahinga muna tayo nakakapagod kayang maglakad" reklamo ko sa kanya.
I heard him chuckled.
"Oh sige na nga, mahuli mukhang paa" and with the he ran.
"Hoy baliw ka talaga!" Sigaw ko sabay takbo din, hindi ko maiwasan matawa, I dont know why but Mirko's a big help this night.
Kung hindi niya pinigilan ang pagtalon ko sa tulay siguro ay isang malamig na bangkay na ako.
Pero sabi nga nila makakatagpo ka ng taong makakapagpabago ng pananaw mo sa buhay.
-
"Ang tagal mo naman paa" natatawang sabi ni Mirko.
Syempre nagyayabang ang gago, paano ba naman ako mauuna eh ang laking tao niya at ang laki ng hakbang niya samantalang halos matumba ako sa suot kong scandals.
"Siraulo ka! Malamang mauuna ka ang laki ng hakbang mo" reklamo ko sa kanya, umupo na ako sa tabi niya at humarap sa bandang ferris wheel.
"Alam mo ba Hindi mo man namamalayan, pero nasa tabi mo lang ang iyong kadamay" biglang sabi ni Mirko.
Napangiti nalang ako.
Tama nga siya sa sinabi niya.
"May gusto akong gawin, gayahin mo ako okay?"
"Ano naman ang gagawin natin?" Takhang tanong ko sa kanya.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya kaya napatayo na din ako.
"Huy ano ba talagang gagawin natin? Mukha tayong sira ulo nito" sabi ko kay Mirko, pero hindi man lang niya ako pinakinggan.
Itinaas niya ang kamay niya.
No choice sasamahan ko nalang muna siyang maging tanga para may kadamayan siya sa kahibangan niya.
"SA ATIN ANG GABING ITO!!" Sigaw niya napalingon siya sa akin at ngumiti.
"Akala ko ba gagayahin mo ako?" Medjo may paawa pa sa boses niya.
"O sige na! SA ATIN ANG GABING ITO!!!" Wala na nabaliw na ako epekto ba ito ng alak na ininom ko kanina?
Hindi naman ako lasing, actually nag eenjoy ako ngayong gabi, dahil sa isang taong ito nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
-
"Kumusta puso mo?" Tanong ni Mirko sa akin, nakasakay na kami sa Ferris wheel at nasa bandang tuktok na kami nito.
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya, pinagmasdan ko muna ang magandang tanaw na nakikita ko ngayon.
"Okay naman" maikling sagot ko.
"Masakit pa din ba?"
"Hindi naman basta basta mawawala yung sakit, syempre andito pa din, pero sa ngayon hindi ko naiisip yung sakit, ayokong isipin, gusto kong makalimot"
Ngumiti ako kay Mirko.
"Salamat, dahil anjan ka, nalibang ako sa company mo, nag-enjoy ako Mirko"
"Hindi mo kailangan magpasalamat Grace, ang mahalaga nakatulong ako na mabawasan yung mamamatay ngayong araw" bigla siyang natawa.
"Ang gago mo ano! Ang tino tino at seryoso ng atmosphere tapos sisirain mo lang" lintanya ko sa kanya.
"Pinapangiti lang kita"
"Baliw nakangiti na nga ako sinira mo pa letche ka"
And with that we both laugh until we finish the ride.
-
Last two minutes nalang maghihiwalay na kami ni Mirko.
"Bakit ayaw mong sabihin kung saang department ka nakaassign?" Naiinis kong tanong dahil kanina ko pa siya tinatanong pero tanging ngiti lang ang sinasagot ko sa kanya.
"Aba ang stalker mo masyado edi hanapin mo nalang ako, palagi nga kitang nakikita dun eh!"
"Aba ako pa ang stalker ngayon sinasabi ko sayo Mirko baka masampal kitang talimpadas ka"
"Go on, hit me baby one more time hahahhaha"
Letcheng lalaki ito masyadong mapang-asar.
"One minute left"
"Sana bukas hindi ko na makita na mukha kang zombie kakaiyak"
"Gago mo"
To be contunued...
Next Chapter will be the last.
BINABASA MO ANG
Sa Atin ang Gabing Ito
General FictionHindi mo man namamalayan, pero nasa tabi mo lang ang iyong kadamay. ~Short Story Date Started: December 25, 2022 Date Finished: February 27, 2023 Cover made with :BookCoverMarket.