Chapter 31

141 10 7
                                    

A/N: it might take a while before I update again here on TLDOL. let's let our brain rest on Lesley's story and I need to try to update other stories, so I'll try to focus on another story while I'm on vacation now because for sure after the Christmas break it will take me a while to update again. I hope you understand.





"Wow naman! Mukhang korean kana ah? Iba talaga nagagawa ng Seoul ano?" Madaldal na sabi ni Aya. Ilang taon din bago kami nagkitang dalawa. Ngayon nagsisi na ako.





"Jusme Aya! Ilang taon na nakakalipas madaldal ka parin! Sana naman hindi namana yan ng anak mo ano?" Singhal ko sakanya at humigop sa milktea na hawak ko.





"Mas mahal nya tatay nya kesa saakin no! Nga pala buti hindi ka sinusundan ng media ngayon? Panay labas tayo ni Kenji diba? Balita ko kakabalik ng ng Ex nya dito. Sikat si Kenji malalaman din ng media ang past relationships nya at madamay ka.." sabi pa nya saakin. Nasabi nga saakin ni Hanamichi na nagkita si Piper at Kenji sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi ko ba alam bakit sunod ng sunod si Kenji saakin eh obvious namang Mahal nya pa ang Ex nya. Isa din ang abnormal na yon. Akala ko ba ang babae lang ang lagi tamang hinala tsk tsk.







----





"Lesley, magpahinga kana may shoot pa tayo bukas! Baka aalis nalang nagkakape kapa!" Singhal saakin ni Cindy. Sinenyasan ko naman siya na umalis na dahil naririndi na ako sakanya.





Tatlong buwan matapos ang Engagement party kuno ni Mr.Kim hanggang ngayon wala padin balita about doon. Nagpadala sila ng Invitation na hindi pinag uusapan ng maayos ang kasal. Bakit naman kaya atat na atat ang papa ni Laura maikasal siya? Ganon niya kagusto si Mitsui maging Son in law?





"LESLEYYY!!!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Cindy sa kwarto ko. Inis naman ako naupo sa kama at sinamaan siya ng tingin pero nilahad nya ang phone nya sa harapan ko. Nagtataka naman akong tumingin doon.





The famous Basketball Player Kenji Fujima was seen in a famous resturant last night kissing a woman identified as former Women's Basketball MVP Yuki Piper. it was reported that she was Fujima's girlfriend and was only kept from the public, it was not said if these two broke up. it is spreading that Fujima is dating the famous singer Lesley and it is suspected that Lesley is Fujima's Mistress because they have been seen out together several times.





WHAT THE HELL?






"Ano yan? Ano naman kinalaman ko dyan? Siraulo talaga ang Fujima na yan! Hindi ko nga yon Type! Naging kabit pa ako! Lintek na paparazzi yan.." umagang umaga ganyang article ang bubungad saakin.





Sa buong buhay ko bilang artista ngayon lang ako nadamay sa ganitong Issue. Sabi na nga ba may hindi magandang dulot si Kenji.






Inis kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya agad naman siyang sumagot.





"Hello?" Mukhang bagong gising ang kupal.






"HOY GUMISING KANA AT TINGNAN MO ANG LAMAN NG SOCIAL MEDIA LINTEK KA KASE E! NAGMUKHA AKONG KABIT LETSE KA! TAWAGAN MO AKO PAG NAKITA MO AT MAG USAP TAYO! UUPAKAN KITA!" Galit na sigaw ko at inis na nahiga ulit.





"Mukhang malaking gulo ang pinasok mo ah? Trending kana agad sa Twitter girl... tsk tsk.." napapikit pa ako sa sinabi ni Cindy. Tangina paano ko naman kaya malulusutan ang isang 'to? Ang dami ko na ngang problema nadagdagan pa.






----






"ANO NANAMAN BA ANG GINAWA MO? MANGHAHALIK KANALANG SA PUBLIC PA!" Inis sa sigaw ko kay Kenji. Nagtakip pa siya ng tenga para hindi marinig ang sinisigaw ko.





"Hindi ko napigilan sarili ko e.." parang bata na sabi nya. Sinapo ko naman ang ulo ko nagsisimula na akong mabwiset sa isang 'to mapapatawad kaya ako ni Piper kung mapatay ko siya?





"So? Ano magiging kabit na ako for life? Hindi ko nga alam bakit ako naging kabit! Sa pagkakaalala ko naghiwalay kayo dahil sa kaabnormalan mo! Bakit hindi nakarating sa media na hiwalay kayo? Dapat pinagkalat yan nung babae mo that time... argh! Anong gagawin ko hindi ako makakalabas sa ginawa mo.." stress na sabi ko, naupo nalang ako sa couch dahil nanghihina ako sa nangyayari ngayon.





"Susubukan ko magbigay ng statement bukas.." sabi pa niya.





"Kung gagawin mo man yan iinisip na pinagtatakpan mo si Lesley. May maniniwala dyan oo pero yung iba hindi maniniwala sa sasabihin mo..." sabat pa ni Cindy sakanya.






Tama siya. Hindi lahat maniniwala sa sasabihin mo. Iisipin nila nagdadahilan kalang para pagtakpan ang ginawa mo. Tsk mga tao nga naman. Akala nila alam na nila lahat kung makahusga sila sa ibang tao.





"Magbibigay parin ako, aayusin ko ito. Dapat hindi na kita dinamay saakin Lesley. Gusto ko lang naman asarin si Mitsui kaya lumapit ako sayo. You see nakakaasar ang kupal na yon."





Ngayon ko nalang ulit narinig ang pangalan nya. Tatlong buwan matapos ang kunong Engagement hindi ko na siya nakita. Hindi na nagtagpo ang landas namin.





Tinanggap ko na din na wala na talaga bakit ipagpipilitan ko ang isang bagay na hindi na pwede?





"Sabihin ko nalang kay Manager Olivia na ihold lahat ng Projects, Shoot. Hintayin muna natin magsawa ang media sa issue na 'to. Kahit anong gawin natin wala tayong magagawa sa mga tao sarado ang isip."






----






"Ayos kalang ba Anak? Nabasa ko ang Article at napanood ko na din ang statement ni Fujima wag mo istressin ang sarili mo. Isipin mo nalang ito ang pahinga mo muna sa nangyayari sayo... magpahinga kana muna Lesley." Sabi saakin ni Mama habang hinahaplos ang ulo ko. Sumandal naman ako sa balikat nya.





"Nakakapagod, alam mo na kahit andito na, nakuha mo na, narating mo na parang may kulang padin.." sabi ko habang tinitingnan ang Palasingsingan ko.





"Dahil may isa kapang gusto makuha maliban sa pangarap mo.. na satisfy mo na ang sarili mo sa pag abot ng pangarap mo. Gumaan ang loob mo, naging proud ka sa sarili mo dahil naabot mo ang akala mong impossible. Naabot ang pinaghirapan mo pero yung satisfaction na ba yon ay nag bigay sayo ng sobra sobrang kasiyahan? Sa 100%. 50% Doon ay masaya kana sa naabot mo andyan ang pangarap mo pero yung isang pang kalahati? Nasaan? Sa buhay, ang isang tao na mayaman at nakukuha ang lahat ng gusto ay nakukulangan parin. Kagaya ng makakasama sa buhay. Aanuhin mo ang yaman, kapangyarihan kung mag isa kalang? Sino katuwang mo? Hindi nababagay ang tao na mabuhay at mamatay mag isa. Hanggat maari dapat may kasama ka sa buhay.. ang kulang sa buhay mo Lesley alam mo kung ano?" Dagdag pa niya





"Ano Mama?.." tanong ko sakanya hinaplos naman niya ulit ang buhok ko.





"Katuwang sa buhay, hindi kana bata Lesley. Ang mga katulad mo nag uumpisa na dapat bumuo ng pamilya. Itong kasikatan mo ngayon hindi pang habang buhay alam mo yan wala kang mararating sa buhay kung wala kang pamilya na sarili mo. Anak tatanda ako at mawawala sa mundo.. ang kuya mo mag aasawa yan. Paano ka? Sinong magiging kasama mo? Kung hindi binigay sayo si Mitsui kagaya ng gusto mo... humanap ka ng lalake makakasama mo. Makukulong kanalang sa kalungkutan na yan Lesley kung hindi mo kakalimutan ang nakaraan. Kung hindi mo siya kakalimutan ng tuluyan." Mahabang sabi nya saakin. Nanlumo ako dahil totoo ang sinabi ni Mama. Ako nalang nagpapalungkot sa sarili ko.
Kailangan ko na ba talaga talikuran lahat ng nasa nakaraan at tanggapin hindi na talaga pwede? Ang tanga tanga ko umasa matapos ko sabihin na hindi na kami pwede. Ano bang inaasa ko sakanya? May sarili siyang Future na tatahakin bakit pinipilit at pinagdadasal ko parin na sana kami parin? Hindi na nga kami pwede! Hindi na...





"Lesley humanap ka ng lalake magpapalimot sayo kay Mitsui. Yun ang magpapalaya sayo sa kalungkutan na meron ka ngayon. Humanap na si Mitsui ng magpapalimot sakanya mula sayo ganon rin ang gawin mo para parehas kayong makalaya sa mapait nyong nakaraan..."

THE LAST DANCE OF LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now