Chapter 4 "The VILLAIN is my PARTNER"

32 0 0
                                    

“Lyra San Jose.”

“Absent po” sabi ko.

“Bat kaya may nag absent ngayon? Eh lunes naman” sabi ni teacher habang nag ch-check ng record book niya.

Monday na kase. Usually, every Monday walang nag-aabsent. Absent kase si Shamon. Isa sa members ng F4 at syempre, si Lyra. Ang seatmate ko. Naalala ko yung mga calls niya at yung chat niya sa akin. May sasabihin raw siya ngayon. Pero pinagdasal ko nun na sana di nalang kami magkita para di ko marinig mga non-sense stories niya.

Naku! Baka di na talaga kami magkikita! Matext nga!

To: Lyra

Pst. Ly! Bat ka absent? -.-

SENT

“peep”

From: Lyra

Not feeling well. Naulanan ako nung Saturday. May lagnat ako now. Please tell our profz. Magbibigay nalang ako ng excuse letters pag naka pasok na. Thanks :’)

To: Lyra

Okayyy.. Ingat Ly! I’ll see you soon ha. May kwento ka pa sa kin eh :)

Hahaha. Absent pala tong isang to. Buti naman at hindi ko marinig mga kwento niya. Hindi naman ako masamang tao..baka isipin niyong bad ako ha. Well, I’m just returning the feyver. Haha. Jowk!

Medyo peaceful ang pagkakaupo ko ngayon. Nakakinig rin ako ng lecture dahil wala naman si Lyra para i-distract ako at pagkwentuhan ako ng anu-ano.

Siya nga pala, hindi kami sabay ni Jakoy pumunta ng school kanina. Nagpasundo kase si Mariel sa bahay nila. Magkatabi lang naman rooms namin ni Mariel. Okay lang naman yun sa akin kaso mas masaya sana kung sabay kami ni Jakoy. Dumadaan kase kami every morning sa 7 eleven para bumili ng snacks. Tapos siya nag babayad. Hehehe! Minsan nalang talaga siya sumasabay sa akin.

“Is it okay with you Ms. Albert?”

“a..ye.ess maam?” Hindi ko napansing tinawag pala ako ng professor namin.

“Is it okay with you?”. Ano daw? Okay na ano?

“Maam?”. Yun nalang nasagot ko. Nakikinig ako kay teacher kanina pero parang wala ata akong narinig sa mga sinasabi niya. Pinagmamasdan ko lang kase ang pagbukas ng kanyang bibig at naririnig ko ang hangulngul ng kanyang boses.

Nagtinginan na ang lahat sa akin. Si Jakoy nag s-sign language sa akin na umo-o daw ako. Eh bat naman ako magno-nod as a sign of ‘oo’, eh hindi ko naman alam ang pinagsasabi ni maam na “is it okay with you”.

“yes maam!” yun na nga! Nag YES nalang ako. Nakakahiya talaga. Halatang di ako nakinig. -.-

“so, the last pair would be Ms. Albert and Mr. Ariona. Sit beside your partners please”. Ano daw???!!!!!! Si Mr. Ariona??? Si BRENT JULIAN ARIONA?! PARTNER KO!!! ABA! Sinong nag sabi?!!  Hindi maaari!

“Ma’am, si LYRA nalang po ang ipapartner ko!!” sigaw ko. Ayoko talaga kay Brent. Aasarin lang ako nun. Wala kaming magagawa, hindi kami magiging productive pair. T.T

“Ms. Rian and Mr. Darcy will be the pair since they are absent today. Okay? ” Sabi ni maam sa akin.

(Lyra Ann Rian & Shamon Darcy)

Oo nga naman! T.T Absent ngayon si Lyra at Shamon, kaya sila talaga ang magiging pairs. Kung hindi lang sana sila absent, si Lyra talaga ang magiging partner ko! At kung hindi nag absent si Shamon, sure akong si Brent partner niya since isa rin siya sa F4. HAYYYY EWAN!! 

Inis na inis ako habang si Brent naglalakad palapit sa chair ko. Nagsilipatan ang mga classmates ko at tumabi sa pairs nila. Nang nakarating na si Brent sa tabi ko, sa upuan ni Lyra, aba naka smile pa siya. Nakaka asar yung smile niya! Iinisin lang ako neto eh. -.-

THE CLANDESTINE BUZZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon