Lunes ng umaga.. Tulog na tulog si Denver.. Puyat sya pagkat halos umaga na sila nakatulog ng mga kaibigan nya..Tahimik na binuksan ni Nestor ang kwarto ng anak.. Napatingin sya sa relos at napailing.. Dahan
dahan syang lumapit sa anak ng nakanganga pa habang natutulog..Paglapit nya dito ay di nya mapigilan ang impit na pagtawa sa kalokohang naisip nya..Hinawakan nya ang kuston ni denver at buong pwersang tinaob sabay sumigaw ng sunog!.."Mommy !!,, Daddy !!.." sigaw ni denver sa ilalim ng kutson..Di napigilan ni Nestor ang sarili at sumabog na sa katatawa.. NApahangos si Alona sa kwarto nganak at nagulat sa itsura ng kwarto.."Labs!." sigaw ni Alona at napaupo na si Nestor sa kakatawa..Gumapang si Denver palabas sa kutson at nagsalubong ang kilay dahil sa kalokohan ng ama.."WAaaaaaa!.." atungal ni Denver sabay takbo sa Ina..Tawa ng tawa si Nestor pero si Alona ay nagalit sa asawa.."Kita mo tong ginawa mong lalake ka!.." sigaw ni Alona pero di pa rin tumitigil si Nestor sakakatawa.."Mommy... Akala ko kung anu na nangyari.." sabi ni Denver at inirapan ang ama..Pati si Alona natawa na rin kaya lalong umatungal si Denver.."May conspiracy dito.. Akala ko same team tayo Mommy !.." sigaw ni Denver at talagangnatawa na ang mag asawa.."Joke lang anak... Anung oras na kasi.. Kanina ka pa namin ginigising eh.." lambing ni Alona sabay pigil sa tawa.."Sows.. " ungol ni Denver.."Hala sige na.. MAmaya andito na yung mga tropa mo at magpapaenroll kayo kamo diba?.." sabi ni Alona.."Bukas na Mom.. Antok pa ko." sabi ni Denver .."Oh no... Its your fault .. Nagpaschedule na kami ng Daddy mo sa dean ng skul nyo..Nownila kayo inaasahan .." sabi ni Alona at nagulat si Denver."Wow ah.. Close kayo ng Dean?.." tanong ni Denver at natawa si Nestor.."Anak naman.. Syempre sikat tayo eh.. Priority kayo don ng friends mo..Astig no?.." sabi niNestor kaya natuwa si Denver.."Talaga Dad?.. Eh di kami ang siga don?.." sabi ni Denver at kinurot sya ng nanay nya.."Baket?.. Kahit naman wala kayong kilala sa isang lugar kayo pa rin ang siga eh.." sabi ni Denver at nagtawanan silang mag ama..Naasar si Alona at piningot ang mag kabilang tenga ng mag ama nya.."A-aray naman Labs." angal ni Nestor at pati si Denver at umaaray na rin
"Sinong mas siga?.." maangas na tanong ni Alona.."Ikaw po.." sabay na sabi ng ama at tumawa ng mala gangster si Alona.. Alas nuwebe ng umaga.. Parang mga zombie ang apat..Si Nicole lang na tanging babae sagrupo ang maayos at masigla.. Palibhasa pare parehong puyat kaya maiinit ang ulo.. Kontingbangga lang sa kanila ay hahamunin na agad ng suntukan pero agad na nagpapaumanhin si Nicole..Lumalayo na lang ang ibang estudyante sa kanila..Bago pa sila nakarating sa registrar ay may napansin si Reymart.."Mga tol.. Look oh.." puna nya sabay turo sa isang direksyon..Nanlaki ang mga mata nung apat at parang isang utak na sabay sabay nagpunta sa tinuro ni Reymart Sa gitna ng oval shape na field ground ay may parteng elevated.. Nagkatinginan ang apat nalalake at napangisi sa isa't isa.."Kelangan nating kausapin ang Dean.. Kelangang mapasa atin ang pwestong yan!.."matigas na sabi ni Kim at sumang ayon ang tatlo pa.. Si Nicole napahawak na lang sa ulo athinila na si Reymart.."Ako muna ang magpapaenroll bago ikaw!.." sabi lang nya at napakamot nalang si Reymart nakumaway sa tatlong kaibigan nya.."Susulat ka friend.." sigaw ni Denver at nagtawanan silang tatlo.."Oh paano.. Mamaya na yung Dean.. Pa enroll na tayo para matapos na to.." sabi ni Prince at nagsi ayon naman ang dalawa..Nag kanya kanya na sila ng building pagkat iba iba sila ng kinuhang course..Napagusapan nanilang iisang schedule lang ng PE ang kukunin nila at NSTP para magkakasama pa rin sila..Naiinip na si Denver.. Di na sya sanay pumila pagkat nung highskul pa lang sila ay sila lagi angnauuna..PEro iba na ngayon.. Kailangan na nilang mag seryoso sa pag aaral at nangako sya saMommy nya na iiwasan na ang gulo ..Dalawang tao pa bago sya.. Nakaramdam na ng gutom si Denver pero tinitiis nya ang pila.. Mayamaya may isang babae ang bumangga sa harap nya at sumingit sa mismong likod ng taongnagbabayad.. Agad na uminit ang ulo ni Denver at kakalabitin nya na sana ang babae pero maytumawag dito.."Sis!.. Bilisan mo at baka iwanan tayo !.." sabi nung babaeng nakaitim..Natawa si Denver pagkat sinagot nung babae na sumingit yung babaeng tumawag sa kanya ngdirty finger.."Azteegg." bulong ni Denver sa sarili..Lalo syang natawa ng naiinip na ang babae at kinatok na yung salamin.."Anu ba?.. NAkatulog na yata kayo dyan ah?.." sigaw nung babae.
