Masayang nagising si Jennaica..Tila kay gaan ng kanyang pakiramdam..Nakangiti syang bumangon at sinulyapan ang alarm clock sa table sa tabi nya.."Naunahan kita.." nakangiting biro ng dalaga.. Nag-inat sya ng mga braso at nag strech.
Lumapit sya sa binata at binaba ang blinds..Madilim dilim pa sa labas.."Morning world.. !.." bati ng dalaga..Ngiti pa rin..Masaya sya...Obvious naman..Pumwesto ang dalaga sa harap ng kanyang life sized mirror.."Morning.. Lelay.." bigkas ni Jennaica sabay hagikgik..Nag pose pa sya.."Morning .. Nica.." boses lalake naman..Muling bumungisngis si Jennaica..Kinindatan nya ang sariling repleksyon sa salamin at nagtungo na sa banyo..Bigla syang napasigaw.."Nakalimutan ko undies kila Ace !!.." sigaw nya.Pagkalipas ng 1 kalahating oras ay bumaba na sya
Nagulat pa ang yaya nya ng makita ang dalaga.."Hoy.. Anung nakain mo?... 1 hour pa bago ka dapat magising ah?.." bungad ni Yaya.Ngumiti lang ang dalaga at naupo na sa mesa sa kusina.."Yaya .. Whats for breakfast?.." tanong ng dalaga.."Ha?.. Wala pa eh.. Di ko naman alam na magigising ka ng ganitong kaaga.. Teka.. Bakitganyan ang suot mo?.." tanong ng yaya..NApangiti na naman ang dalaga.."Baket po?.." tanong nya.."Kitams?.. Ang ganda ganda mo talaga kapag nag aayos ka..Bagay sayo yang bestida.."nakangiting puna ng yaya..LAlong lumawak ang ngiti ni Jennaica.."Ay pero bakit naka bota ka?.. Hala.. Anu yan?.." puna nito sa suot boots ng dalaga."Trending to yaya.." kindat ng dalaga..Kumunot ang noo ng yaya pero napailing na lang.."Hala.. Eto ang almusal ko.. Sinangag at daing lang to..Kumakain ka ba nito?." tanong ngyaya sa dalaga
"Ofcourse yaya.. " tila natakam si Jennaica.Hinandaan ni Yaya ng pagkain ang dalaga .. Halos maglaway si Jennaica.."Hala..Dahan dahan at baka tumaba ka.." puna nito.."Wapakels yaya... Sarap sarap eh.. From now on heavy meals lagi ang breakfast ko..Minsan lang po akong humiling.." sabi ng dalaga sa pagitan ng pagsubo.."Oo na, oo na... Tumawag ang nanay mo kahapon.." sabi ni Yaya.."Po?.. Anu pong sinabi?.." tanong ng dalaga."Syempre nagtanong kung nasaang lupalop ka.. Di ko naman masabi dahil di ko rinalam..Teka nasan ka bang bata ka kagabi ha?.." tanong ni Yaya..Muling naalala ni Jennaica ang mga pangyayari..Napasimangot sya ng maalala ang kaibigang si Cathleen pero agad ding napalitan ng ngiti dahilkay Denver.."Sa schoolmate ko po... Nag sleep over ako.. Tatawag sana ako pero nalowbat cp ko.. Diko naman kabisado numbers dito eh..." palusot ni Jennaica..Kinagat naman ito ng Yaya nya..Matapos kumain ay ay nagselpilyo ang dalaga at nagpaalam na sa yaya nya.."Oy.. Ang aga pa o.. Diyos ko iha.... 9AM ang pasok mo ... 6:25AM pa lang !.." paalala niYaya
NAtigilan ang dalaga at napatingin sa sariling relos..Oo nga..Maaga pa sya.. Halos tatlong oras..Pero wapakels.."Okay lang yaya.. Mag rereview na lang po ako.." sambit ng dalaga at hinalikan na sapisngi ang yaya nya..Napapailing naman ang matandang katiwala.. Abala sa paghuhugas ng kotse ang driver nila.. Nagulat ito ng makita ang ayos ng dalaga..“Hanep.. Eh kung ganyan ka ng ganyan eh di hakot na naman ang mga manliligaw mo?..”nakangiting sabi ng driver..“Si kuya talaga.. Okay na po ba yang kotse?.. Parang feel ko pong mamasyal munasaglit..” nakangiti pa rin ang dalaga..Tila naka dikit na ang pisngi nya at ayaw ng bumalik sa dati..“Aba oo naman.. Binanlawan ko lang ito kasi di nga nagagamit eh. Wala lang akongmagawa.. Hintayin mo ako’t magpapalit lang ako ng damit..” sabi ng driver sabay takbo papasok..Ilang minuto lang ay nakaayos na ito at inaya na ang dalaga...Binuksan ang pinto sa likod pero umiling si Jennaica
“Kuya.. Dito ako sa harap..” sabi nya.."Ha?... Bahala ka na nga ... Batang ito.." tumatawa ang matandang driver..Pumasok na silang dalawa sa kotse at binuhay na ng driver ang makina.. Bumusina ito ng ilangbeses at tarantang lumabas ang yaya ni Jennaica.."Aysus.. Akala ko naman kung anu na Berto.. Teka.. Jennaica ikaw ba yan?.. Himala at nag kotse ka ?.." tanong ni Yaya.."Aysus na matandang ito.. Pagbuksan mo na nga kami ng gate at baka magbago pa angisip nitong batang ito.. Hala.. Move away.." pa kengkoy ng driver..Tumatawa lang ang dalaga ..Iiling iling na binuksan ng yaya ang gate at masayang kumaway sa alaga nya at inirapan angdriver..Sa bahay ni Denver ay paikot ikot lang sya sa kama..Kanina pa sya gising at nakatitig lang sya sakisame..Kanina pa nababanat ang pisngi nya dahil sa kangingiti .."I miss you already na.." bulong nya at tumitig sa kisame..Iisang babae ang laman ng isip nya.."Anu kaya ang ginagawa mo?..Malamang tulog pa sya.. Malamang nag hihilik... Ahihihi.."tawa ni denver sa sarili